Nine

25 4 0
                                    

Chapter 9


Carter Marquez

Bida bida talaga ako e.

Nangunguna ako ngayon sa paglalakad kung saan nakatirik ang bahay ni Calixta at baka sakaling may bahid ng virus doon na makakapagsabi kung nasan ang iba na nagsinakaw ng mga power ups NAMIN!

Samin iyon 'no! Tapos sila makikinabang! Mga chix ba sila!!

"Mukhang wala na.. hindi na natin sila makikita.." Malungkot na sabi ni Calixta.

Tsk. Gulong gulo yung bahay niya at makikita mo talagang power ups namin ang puntirya dahil parang anay na tumupok sa bahay ang nangyari sa pinaglalagyan ng power ups namin.

SIRANG SIRA!!

"Kaya niyo bang maglaro?" Napatingin ako kay Haiki ng magsalita ito.

"Ha?" Tanong ni Troy.

"Kailangan nating maglaro-- I mean, niyo. Para kahit papaano ay makabawi tayo ng power ups na nakuha nila sa atin. At kung sakali tayo nalang ang magtago non."

"Paanong laro ba? Sa computer? E kita mong nandito kami ngayon pano kami maglalaro?" Inis na tanong ni Sean.

"Kayo mismo ang lalaban, kayo din lang naman ang naglalaro at gumagamit sa amin noon, parang ganon lang din. Sa pagkakataon nga lang na ito.." Pinasadahan kami ng tingin ni Haiki. "Kayo ang magsisilbing avatar ng sarili niyong laro."


----

"Handa na kayo?" Masayang tanong ni Rine sa aming lahat.

"Tinatanong pa ba yan." Napapairap nalang na sagot ni Kley.

Kasalukuyan kaming nakatayo sa tinatawag nilang 'Beast Prone Land' na kung saan dito malimit at mas maraming natigil na mga beast at iba pang pwede naming makalaban at makuhanan ng power ups at kung seswertehin pati na ang mga achievements nila.

Hindi ko alam kung anong klaseng laban ang gagawin namin dito. Kasi syempre sa computer, keyboard lang ang sandata namin. Nandoon na ang mga keys na dapat pindutin para makasipa, makasuntok, makabugbog, makapatay at makakuha ng power ups.

Paano kaya to?

"Basta tandaan niyo lang.." Nagsalita si Troy kaya napatingin ako sakanya at nakita ko din ang life bar at hourglass na nasa itaas na ng ulo niya, hudyat na start na ng game. "Kung anong pinapagawa natin kila Haiki, Rine, Nas, Cher at Glynne, ganon na din ang gagawin natin."

*dug*

Nakarinig ako ng yabag kaya medyo naalarma ako. Hala shit. "Pano yung mga powers nila Rine? Wala tayong invisiblink, arm gun, poisoned carpet etchetera!"

*Dug*

"Hindi ka ba nakinig kanina sa mga pinagsasasabi at pinaggagagawa nila Rine sa atin ha?" Tinuktukan ako ni Troy pagkatapos niyang sabihin yon.

"Anong sina----"


*Flashback*

"Dahil lalaban kayo ng kayo lang, ibibigay namin ang mga kagamitan at kaunting kapangyarihan namin na makakatulong sainyo." Kalmadong sabi ni Rine habang kami e kinakabahang utot na dito. "Lalo na sayo." Pagtukoy niya sakin.

"Woahhh.."

Sa isang iglap nagkaroon ng latag ng mga daggers, espada, mga-- "Hala sht! Bomb Stone!" Tuwang tuwa ako kasi meron silang ganon! At magagamit namin yon panigurado!

Not your Typical AvatarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon