Eleven

18 2 0
                                    

Chapter Eleven



*Kinabukasan*

"Rine naman! Kagagaling lang namin sa mahabang sagupaan kahapon at ngayon gusto mong makipaglaban nanaman kami?!"

Sa araw araw na pamamalagi namin rito, hindi rin mawala wala sa sistema ko ang takot at pagkalito!

Pinapagod kami masyado nitong avatar  na ito e! Sarap tirisin!

Joke, HAHAHAHA! Avatar ko nga pala 'to. Hahaha!

"Kailangan kasi nating makaipon ng power ups at pati na ng life bar ninyo dahil magagamit niyo yan once na kailanganin ninyo." Katwiran ni Rine.

"Life bar? E diba sa bawat game isang life bar lang naman ang magagamit?" Tanong ni Kley.

"Hindi Master, akala niyo siguro isang gamitan lang ang isang life bar pero hindi, yung naipon ninyong 100% na life bar kahapon, dagdag iyon para sa life bar na gagamitin ninyo once na makipaglaban kayo." Sagot ni Nas. Ang avatar ni Kley.

Teka! Ako dapat ang may alam ng mga iyan bat ngayon ko lang din nalaman?!

Ibig sabihin, kung susumahin, nasa 200% ang mga buhay namin? Or higit pa? Naks!!!! Astig!!! Hahaha!

"Pero Rine," pagtawag ko. "Kailangan turuan mo pa kami kung paanong lumaban gamit ang sariling lakas. Hindi pa namin masyadong gamay lahat e." Napapakamot ulong dugtong ko.

"Okay lang naman iyan, kasama niyo naman kami sa lahat ng laban niyo." Nginitian ako ni Rine. Paano?

Hindi ko nalang tinanong at saka kami nagpasiyang tumayo at magsipag handa. Siguro nga kailangan naming mag ipon ng mag ipon ng power ups at achievements para kung sakaling mangyari nanaman yung nangyari sa bahay ni Calixta na sinuyod ng mga Ninja Virus e may maipapalit agad kami. Mahirap pagnaubos lahat ng lakas at bonus points namin. Mahirap bumawi.

Dumaan ang buong maghapon at nakipaglaban lang kami sa mga dapat kalaban sa WOB. Parang noong nasa taas lang kami, buong maghapon kaming nasa bahay ni Troy o nasa bahay ko at naglalaro ng WOB.

Nakakamiss rin pala yung kwarto ko. Yung araw araw na bunganga ng ate ko sa twing nakikipagtalkshitan ako sa monitor ko. Hahaha! Wala lang, para akong tanga diba. Ate ko lang talaga namiss ko e. Walang kwenta kasi yung Nanay ko. Hilaw naman yung Tatay ko kaya siguro dinadaan ako sa mga regalo at gamit na alam niyang ikatutuwa ko. Sus.

"Anong iniisip mo?" Napalingon ako sa biglang umupo sa tabi kong si Rine.

Naiwan kasi akong nakaupo dito sa harap ng kwebang tinutuluyan nila Rine, napagod ako kanina sa pinaggagagawa namin e. Lahat na rin ng Avatar e dito na sumilong. Siguro naisip nilang kung sina Calixta nga napasukan ng virus paano pa sila? Lalo na si Glynne. Prone yung batang iyon e! Hahaha!

"Ah, wala. Yung buhay ko lang sa taas." Nginitian ko siya pero hindi siya gumanti ng ngiti sa akin.

"Alam mo, naiinggit ako sainyo." Biglang sambit ni Rine. Nagtataka ko siyang binalingan. "Maayos kayong nabubuhay sa buhay niyo. Hindi kayo nacocontrol ng kahit sino. Nagagawa niyo pa ang mga gusto ninyo." Tumawa siya na parang may nakakatawa. "Samantalang kami, dito na nabuhay, mukhang dito na rin mamamatay."

"Hindi." Nawala yung tawa niya. "Hindi ako papayag na mawala kayo. Akala mo siguro masaya kami sa taas ano? May mga problema at pinagdadaanan rin kami. Buti nga dito sainyo kapag namatay, sa susunod na game pwede pang bumawi kasi unlimited ang buhay niyo. E sa amin?" Napapailing ako tumingin sa harap. "Kapag namatay ka, patay ka na. Wala ng bawian."

Naalala ko yung araw kung saan halos isumpa ko ang Nanay ko. Wala e, galit ako. Hindi ko alam kung hanggang ngayon e galit pa rin ako sakanya. Wala rin naman siyang ginagawang paraan para mabawi ang loob ko. Well, kasalanan rin naman niya kung bakit kinamuhian ko siya noong mga panahon na yon.

"Kung may dinadamdam ka Master," Tinapik ni Rine ang balikan ko. "Nandito lang ako para makinig. Kahit naman Avatar, Character at player lang kami dito  sa WOB, may alam din kami patungkol sa buhay at sa pwedeng pagdaanan nito. Trust me Master!" Natawa nalang ako sa sinabi ni Rine. Siraulo rin e!

"Hoy Love Birds! Ano?! Papaabot kayo sa mga virus diyan?!" Napabaling ako sa sumigaw at ang bwisit na si Troy iyon.

"Mama mo Love Birds!" Sigaw ko pabalik sakanya. Binalingan ko si Rine saka inilahad ang kamay sakanya, meaning tumayo na siya at sabay na kaming pumasok sa loob.

Sa mga sumunod na araw ay kung hindi kami nakikipaglaban para sa points at power ups, nakikipaglaban naman kami para mabuhay. Mga pesteng virus!

"Dapat na talaga nating malaman kung sino ang creator nito." Bwisit na suhestiyon ko.

Paulit ulit nalang kaming ganito sa bawat araw na dumadaan. Nakakapagod na. Kung galit sa akin ang puny*tang creator ng game na ito edi ako ang puntiryahin niya! Hindi yung ihahack niya itong game na siya mismo ang gumawa at lalagyan ng kung ano anong virus! Hindi niya siguro alam na buhay ang mga Avatars at characters dito sa WOB!

"Sige nga pre, bigyan mo ko ng paraan na magagamit natin para mapalabas iyang creator na iyan?" Napalingon ako kay Troy. "Ano? May naisip ka? Wala diba? Multo nga kasi yong creator na iyon!"

"Wait! I have an idea!" Napatingin kami sa sumingit na si Kenedy. "What if we do something that the creator won't like us to do? Maybe in that way, we can trigger him to face us?"

"May punto!" Saka siya inakbayan ni Kley.

"Pero ano? Paano?" Tanong ko.

"And that's the thing we should find out." Napapakamot ulong sagot ni Kenedy.

"Teka!! May naalala ako!" Pagsingit ni Troy.

Nagsilapitan kami at saka pinakinggan ang gustong mangyari ni Troy.

Matapos naming pagplanuhan ang gusto naming mangyari, nagsipunta na kami sa kanya kanya naming mga boarder. Oo naghiwahiwalay kami kasama ang mga avatars namin. Delikado man, pero alam naming ito lang ang maaaring paraan baka sakaling matrigger ang creator at gumawa siya ng hakbang na pwedeng maging daan para malaman namin kung sino siya.

"Sa tingin mo ba magandang plano ito Master?" Tanong sa akin ni Rine habang hinahanda namin ang iilang equipments para sa maaaring sagupaang mangyari.

"Tingin ko naman Rine. Saka kung hindi kumagat ang creator sa patibong na ito, hindi ko na alam kung ano pa ang susunod na plano." Malungkot na mata ko siyang binalingan.

Hind pwedeng matalo kami sa sariling laban namin. Buhay ang usapan dito. Buhay nila bilang mga avatar namin, at buhay namin bilang tao na naipit sa gulong ito.



——

Not your Typical AvatarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon