Seventeen

14 1 0
                                    

Chapter 17


Carter Marquez

"Potang—aray!!!" Lumagapak ang pwet ko sa matigas na sementong binagsakan ko matapos ang nangyaring 'yon.

Nakarinig rin ako ng ilang 'aray' sa paligid kaya napatingin ako rito.

Halos magitla akong makitang nandito ang buong tropa ko kasama ang sari-sarili nilang avatar! Si Ate Carla ay nandirito rin!

Parang narinig nila kung ano ang tumatakbo sa isip ko kaya mga nagsitingin rin sila at nagulat na makita ang isa't isa.

Parang walang nangyari kina Kenedy na kaninang may mga galos na, si Kley at Troy na alam kong may mga tama na rin dahil sila ang lumaban kanina.

Nilibot ng paningin ko ang paligid at shet!!!!

"Nasa real world na tayo!!!!" Sigaw ko. "Pusanggala! Paanong nangyari?!"

Nanlaki ang mata ko ng may maalala. Si Sean!

Agad siyang hinanap ng mata ko. Nilibot ko ang paningin ko baka sakaling nandito lang siya sa paligid at ayon! Hindi ako nagkamali!

"Sean!" Agad akong lumapit sakanya ng makitang hirap siyang makatayo. "Ay shit!"

"T-tulungan mo ko.. A-ahh.." Naipit ang kanang paa niya sa isang tipak ng bakal na hindi ko alam kung saan nanggaling! Marahil galing 'yon sa WOB at natangay niya pabagsak rito.

Agad akong tumakbo sakanya at pilit na iniaangat ang bakal. "Putakte.. Troy! Kenedy! Kley! Tulong!!!"

Agad na tumakbo palapit sa amin sina Troy, nagulat pa sila ng makita si Sean sa harap ko. Kahit ganoon, tumulong pa rin silang alisin 'yong bakal.

Naalis namin ang nakadagan kay Sean at mistulang pagod kami galing sa pagtatrabho nang matapos 'yon.

Agad akong naalarma nang makarinig ng malakas na busina sa likod, "Pusanggala!"

"Ano?! Dyan n'yo pa napiling tumambay?! Aba! Itong mga batang 'to!"

Nagsitakbuhan kami papunta sa sidewalk dala dala ang bakal na nahila ni Sean nung bumagsak siya dito.

Nagkatingin kaming lahat at sabay sabay na napatawa, "Taenang 'yan, nasa real world na nga tayo." Si Kley.

Pareparehas naming nilibot ang mga mata namin para makita kung nasaan nga kaming banda. Malapit kami sa university, at kung titingnan ang mga itsura namin, mukha lang kaming gumala at napagod.

"Uwi muna tayo?" Sabi ko.

Agad silang nagtanguan, pero bigla akong napatigil nang may maalala. "Paano 'to sila? Iuuwi natin?"

Kasama naming bumagsak dito sina Rine, Nas, Cher, Haiki, at Glynne. Ayos lang sa akin kasi alam naman ni ate Carla kung ano si Rine, kung iuuwi naman nina Kley at Sean sina Nas at Cher, siguro'y ayos lang dahil mga lalaki naman 'yon. Pero kung si Haiki at Glynne ang iuuwi, anong alibi?

"Pano ko sasabihin kina mama 'to?" Tanong ni Troy.

"Alam mo pre, kaya mo na 'yan! Sabihin mo aport natin na walang matulugan, ikaw Kenedy, sabihin mo napulot mo si Glynne. HAHAHAHAHA!" Sinamaan ako ng tingin ni Glynne matapos kong sabihin 'yon.

"Kaya nyo na 'yan! Ate! Rine! Tara na!"

Nagsitalikuran na kami at nagkanya-kanyang parahan nalang ng masasakyan para makauwi. Ilang araw kaming nawala at feel ko wala namang maghahanap sakin at kasama ko pa si ate Carla.

Not your Typical AvatarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon