Twenty Two

4 1 0
                                    

Chapter 22
Carter Marquez

Dali-dali kaming umayos ng tayo, ang kaninang hirap na si Troy ay mabilisan ring umayos dahil papalapit samin ang characters ng WOB.

Tuloy-tuloy ang pagsabog sa kalangitan na kung minsan ay nakakaagaw ng atensyon namin pero mas kailangan naming pagtuunan ng pansin itong mga beast na mukhang handang paslangin kami.

Nalipat ang paningin ko sa kislap na naaninag ko sa pulsuhan ko.

"Life bar.." Nilingon ko ang tropa at sila ay may ganoon rin. "Nasa laro tayo kung gano'n."

"May sapat tayong kakayahan kung gano'n.." Si Troy.

"Tapusin na natin 'to," Si Kley.

"Let—"

"'Wag ka na Kenedy," Nang-aasar na sagot ni Sean at inilabas ang arm gun ni Cher. Woah, kahit pala nakikipaglaban si Cher ay makukuha niya pa rin 'yon? "Game na!"

Tumakbo kami pasugod sa beast na biglang dumakma sa pwesto namin kanina.

Agad kong sinenyasan si Troy na paliparin ang poisoned carpet papunta rito sa kinatatayuan ko at kung sswertihin ka nga nama'y tinamaan agad ang braso ng beast sa harap ko kaya mabilis na lumaki iyon at binalot ang kaninang sisiga sigang halimaw.

"Nice one," Bigkas ko.

Tuloy pa rin ang tila kulog na mga tunog mula sa langit dala ng paglalaban nina Calixta at ng mga avatar namin. Matapos kaya nila ang kung anong hinanakit ang mayron sila sa isa't isa? Nasisiguro kong grabe ang galit ni Calixta, o dahil lang 'yon sa kabobohan ni Sean?

Agad kong tinakpan ang tainga ko nang makarinig ng malakas na ugong. "Ah!!!!!! Eto nanaman?!!!?!" Ni hindi ko nakailag sa hampas na ginawa ng beast kaya heto't lumipad ako. Peste! Ang sakit!

Nakakarindi at nakakawala sa konsentrasyon. Inilibot ko ang paningin ko at halos lahat ng nasa paligid ko pati ang mga beasts at ilang characters ng WOB ay naririndi rin sa ugong na sumasakop sa mga pandinig namin.

"Ah!!!!!!!!" Napasigaw na ko sa sakit at nakaramdam rin ng basa, tiningnan ko ang aking mga kamay at nagulat nang makitang may bahid 'yon ng dugo. "Ahhhhh, pucha!!!"

Tumingala ako at nagiiba na ang kulay ng kalangitan, kahit ganoo'y tuloy pa rin ang kidlat na pasulpot sulpot kung saan.

"Carter.." Isang bulong.

Unti unting nawawala 'yung nakakarinding ugong pero kasabay no'n ang mas paglandas ng dugo mula sa tenga ko. "Ahhhhhh! kadiri taena.."

Naririnig ko ulit ang mga hinga't yabag ng mga nasa paligid ko pero medyo mahina, parang ang lalayo nila gayong pasugod na naman ang batalyon ng mga characters ng WOB sa amin.

"Carter.." Nagtatakang napatingin ako sa kaliwa't kanan ko dahil sa bumubulong. Saan ba nanggagaling 'yon? "Naririnig mo ko hindi ba? Sumagot ka sa isip mo."

"Rine.." Sabi ko sa isip ko.

"Rine!!" Sigaw ko.

"Hindi mo ko makakausap ng personal Carter, hawak kami nina Calixta. Tulungan mo kami."

Tumingala ako at namamanghang hindi malaman gawa ng kakaibang pagkakataon na nangyyari sa akin ngayon. Naririnig at nakakausap ko si Rine sa isip ko!

"Paano? Sa paanong paraan, Rine?" Sagot ko sa isip ko. "Tutulong ako, Rine.." Pilit kong inaaninag kung anong kaganapan sa taas pero gano'n na lang ang pagkabigo ko nang walang makita kundi ang nagbabagong kulay ng mga ulap. Paumaga na.

Paano, Rine?

Nang makuha ko ang sagot, agad nagliwanag ang pulso ko. Kitang kita iyon dahil papasikat pa lang ang araw, kita ko rin ang ilang pagliwanag ng mga pulso nina Troy.  Alam kong magtataka sila kung paano at bakit umilaw ang kanikanilang mga pulso.  Unti unti nawawala ang life bar pero ang liwanag na dala no'n ay nanatili sa mga pulso namin.

Agad akong naghanda sa hudyat na sinabi ni Rine kanina. Tumayo na ko't inangat ang aking paningin sa taas. Ramdam ko ang yabag sa likod kung kaya't nawala ako sa konsentrasyon at hinarap ang beast na papalapit sa'kin. "Bwiset!"

Tumingala akong muli at patuloy pa rin ang kidlat at kulog sa kalangitan.

"Rine, bilis.."

Third Person's POV

Habang naghihintay si Carter, takang taka sina Troy kung bakit ang lahat ng ginagawa ni Carter ay nagagaya nila. Ultimo ang pag bwelta nito sa mga papasugod sakanya ay nagagaya nila kahit pa wala namang sumusugod sakanila.

"Kung ano man ang binabalak mo Carter, nagtitiwala ako sa'yo." Si Troy.  Alam niyang may nalalaman si Carter at dahil magkakalayo sila ay hindi niya ito makakausap.

Sa ilang saglit lang, ang mga mata ng magkakaibigan ay naging puti, napalibutan rin sila ng liwanag na tila nag susuper sayan habang unti unti umaangat ang kanilang mga katawan. Ito ang hudyat na inaantay ni Carter.

Binigyan ito ni Rine ng planong sila lang ang makagagawa. Papasok sina Rine, Nas, Haiki, Cher, at Glynne sa kani-kanilang mga Master at ang magtotropang sina Carter ang haharap kina Calixta. Tila magiging isa ang mga avatar ng WOB at ang mga taong katulad nina Carter. Nagtitiwala ng buo si Rine at ang ibang avatar sakanila. Ito lang ang naiisip na paraan ni Rine upang mas lumakas ang pwersa nila at matapos na ang sobra-sobrang pagdaramdam ni Calixta.

Sa gitna ng ipinapakitang galit ni Calixta, nagulat siya ng mawala sa harap niya si Rine, ganon rin ang ibang avatar na kaninang nakatayo sa kanikanilang mga pwesto.  Agad siyang napalingon sa umaangat na sina Carter at nagulat sa mga hitsura nito.

"Anong.. Paano.."

Tabi-tabi at nabuo ang liwanag na dala nina Carter. Diretso ang kanilang tingin kina Calixta at sa mga diwatang kaanib nito.

"Calixta, tama na.." Saad ni Carter.

Agad nagliyab ang mga mata ni Calixta nang marinig ang mga katagang 'yon. "'Wag mo kong utusan! Kayong mga nanira ng mundo ko–!"Madali niyang inangat ang mga palad saka tinutok ito sa magkakaibigan.

Kusang may pumaloob na protective barrier kina Carter na ipinagtaka nina Calixta.

"Hindi pwede.." Itinodo ni Calixta pati na ng ibang diwata ang mga enerhiya nila at idirekta ito sa pwesto ng lima.

Hindi man tumatama ang labis labis na kapangyahirang inuubos ng mga diwata kina Carter, unti unti namang nabibiyak ang protection barrier hudyat para humakbang paabante ang tropa, sabay sabay at walang naiiwan.

Ito ang planong gusto mangyari ni Rine. Magkaisa ang mga avatar at ang mga may ari nito at gamitin ang iisa nilang kakayahan para matalo ang galit na puso ng kalaban.






Thank you sa mga nagvote at inadd itong NYTA sa mga reading lists nila,, grabe namotivate ako huhu but i hope magustuhan ninyo itong update na 'to. Sobra sobra akong thankful na magkaron ng dagdag na readers at votes. Thank you!!!!!

Not your Typical AvatarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon