Four

106 13 0
                                    

Chapter 4


Troy Siban

"Nasan ba ko?! Putcha naman o!" Nakakabwisit naman o! Nasaan ba kong lupalop!

"T-troy! TROY!!" Sino yon?

Tumayo ako ng maayos saka umalis sa malaking hukay na nagawa ng pagbagsak ko dito sa lupa. Astig din.

"Ay shit.. Sino ka?!" Mukha siyang cartoon character na anime at..

"Si Carter to!!" Carter? "Ang bobo hayup kahit kelan!"

"Ay! Carter nga!" Binatukan ko siya pero nagtataka pa din ako.. "Bat ganyan itsura mo?! Mukha kang drawing!"

"Bobo tingnan mo sarili mo mukha ka ding drawing!" Biglang may lumitaw na salamin sa harap ko at nakita ko ang itsura ko.

Ay shet!!!! "B-bat.. bat ganto mukha ko?!!!" Tiningnan ko ang mga braso at binti ko mukha ding drawing!

"Hi Master!" Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko at paglingon ko..

"Sino ka naman?! Tinawag mo pa kong Master?!" Napalayo ako sakanya kung sino man siya. Nasaan ba ko?!!!


Carter Marquez

Mukhang tangang nakadikit sakin si Troy ng hawakan siya ng Avatar niya. Bobo nito.

"Ako si Haiki Master! Always by your side!" Pagpapakilala ni Haiki, ang avatar ni Troy dito sa WOB.

"H-h-haiki? Teka.. May k-kilala akong.. Y-yung.." Napatingin siya sa akin at nginitian ko lang siya ng convincing hehe.

"Ang avatar mo sa WOB." Sagot ko.

"Ay shet!!!! Nasaan ba ko?!!!" Nagpalinga linga siya at napasabunot pa sa buhok niya. Teka bat parang ang OA nito? Ako nga tahimik lang e siya sigaw ng sigaw bobo kahit kelan sarap ibaon. "Aray! Hayop!" Binatukan ko siya at sinamaan ng tingin ng magbalak siyang gumanti.

"Rine paliwanag mo nga sa patolang ito ang nangyayari." Utos ko kay Rine pero umiling siya sa akin.

"Sorry but I'm not his WOB Avatar at wala akong karapatang makipag usap at magsalita sa kanya."

"Ha?" Sagot ko. "Paano ngayon? Sinong makakausap niya?"

"Obviously si Haiki. At syempre ikaw, pero kung ako, hindi ko makakausap ganun din si Haiki sainyo Master." Pero bakit naririnig ko siya? Gulo nito nila.

"Sus, sige sabihin mo nalang kay Haiki paliwanagan itong si Troy." Sinabi naman ni Rine ang nais kong sabihin at pinaliwanag na ni Haiki ang dapat niyang ipaliwanag kay Troy.

Habang naglalakad lakad, tahimik lang kaming nakikiramdam. Kami ni Troy. Kanina pa kami nagkakatinginan dahil simula kanina wala na kina Rine at Haiki ang gustong magsalita. Yung kahit ipaliwanag na sa amin kung bat nga ba kami nandirito? Tsk.

"Rine.."

"Yes, Master?" Nakangiti itong humarap saakin.

"Bakit--"

"Just wait.. may hinihintay lang tayo." Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng sagutin niya na ako. Mind reader ba 'to?

Naupo kami sa isang malaking bato dito pa din sa loob ng boarder line ni Haiki. Syempre alam kong safe kaya medyo lumayo layo kami ni Troy.

Not your Typical AvatarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon