Ten

24 7 0
                                    

Chapter 10


Carter Marquez

Hindi kami magkamayaw sa pakikipaglaban sa mga beast na ito.

Grabehan lang ha!! Lahat kami may mga bangas na tapos nakakakinse palang kame! Taena!

Maximum kasi ng isang game ang twenty beasts kaya kailangan naming matapos ang game na ito ng may twenty beasts na namatay o kung seswertihin ay lampas pa.

Hanepan din naman kasi!!!! Yung life bar ko bawas na! Ganon din sila Kenedy!

Pero bat galit?

"Sean!" Napalingon ako ng sumigaw si Kley at nakita kong tumakbo siya kay Sean na lumagpak sa sahig.

"Kulay orange.." Kulay orange na ang life bar niya at palapit na itong magkulay red! "Shit! Hindi pwede.."

Tumakbo ako papunta sa pwesto nila Kley kahit na hinahabol ako ng mga beasts. Dang hirap takasan ng mga 'to!

Lumusot ako sa isang beast na humarang sakin pero may sumulpot naman ding isa pa! "Putcha! Mamaya na kayo!" Tumakbo pa ako sa dumiretso na sa pwesto nila Sean.

"Anong nangyari Kley?!" Tanong ko kay Kley pero nakatalikod sakanya.

Pareho naming hinaharangan ang mga beasts na pilit lumalapit sa gawi ni Sean para tuluyang makuha ang mga power ups at achievement na nakuha nito.

"Hindi ko rin alam! Nagulat nalang ako biglang bumagsak itong si Sean kaya napatakbo nalang ako sakanya!"

Pakonti na ng pakonti ang life bar ni Sean. Unti unti na rin itong nagiging kulang red... Tsk!

Tiningnan ko sina Troy at Kenedy na parehong bawas na rin ang mga life bar pero pilit paring hinaharangan ang mga lumalapit sa gawi namin.

"Nakakailan na ba tayo?" Tanong ko kina Troy.

Tiningnan niya ko saka tumingin sa taas. "Nakalista sa taas!"

Inangat ko ang tingin ko at naamaze saglit sa nakita ko.

Putcha para kaming nasa Hunger Games!

Nakasulat sa itaas ang mga player o avatar na in game. Nasa taas rin ang achievments, power ups at life bar namin. Pati syempre ang maximum beasts to be killed para matapos ang game.

"Kailangan pa natin ng tatlo!" Putcha! Tatlo nalang! Pero lahat kami e nanghihina na!

Kaya ba naming tapusin ito? Pero tatlo nalang!

Pinasadahan ko ng tingin si Troy na hingal na at pagod na sa pakikipaglaban ganoon din si Kenedy at Kley. Pinalibutan nila kaming dalawa ni Sean at sila ang nakikipagsapalaran sa mga kalaban.

"Nakakainis!" Tumayo ako at lumabas sa pagitan nina Kley at Kenedy, saka ko pinagbababato ng Bomb Stone ang mga beasts na papalapit sa amin. "Ano?! Hindi pa rin kayo mauubos?!"

Naubos ko na ang lahat ng Bomb Stone ko matapos kong ipagbababato sakanilang lahat iyon.

*Sheesh!*

"Congratulations! 40 beasts has been slain!"

Napatingin kami sa taas ng may magsalita ng malakas kasabay ang pagwasiwas na tunog na parang may sinisirang regalo o ano.

Nanalo kami..

Nanalo kami!!!!!

"You've won the battle! Congrats! You earned 50 medals and 20 full pack power ups!"

Not your Typical AvatarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon