Six

54 6 0
                                    

Chapter Six


Carter Marquez

"Anong pag uusapan?" Tanong ko habang nakaharap sa kanila. Tapos ng gamutin sina Haiki at Nas kaya maayos na kaming lahat na nakaupo.

Medyo intense ang atmosphere dito. Parang may gusto silang ilabas pero hindi nila magawa. Ano kayang pag uusapan?

"Uhmm, hindi pa ba natin sisismulan?" Tanong ni Troy.

"Ehem.." Umubo pa bilang pasimula si Rine at humarap sakin. "So.. sisimulan natin sa simula ng problema."



Flashback

Rine the Avatar

Kasalukuyan kaming nagpapahinga dahil out ang mga master namin. Kanina pa natapos ang game nilang magtotropa. Obviously, kapag nandyan sila malalaro nila kami pero kapag patay na at out na sila sa WOB, kami na ang bahala sa buhay namin.

"Rine! Rine!!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Cher. Ang kaibigan kong may taglay na arm gun.

"Bakit?" Hinihingal siyang nakalapit sakin kaya medyo huminga muna siya.

"May.. may nakita kaming mga.."

"Mga ano?" Singit ni Haiki. Ang avatar na may taglay na poisoned carpet.

"Virus.." Nanlaki ang mata ko sa narinig.

"Virus? Paanong nagkaroon ng virus? Anong klaseng virus? Saan mo nakita Cher?" Sunod sunod na tanong ko.

"O sandale kalma! Nakita ko sila doon sa boarder line ni Glynne. Pero mukhang walang alam si Glynne sa mga virus na yon kasi mukhang mga napadaang laruan lang ang mga yon."

Bata pa si Glynne na may taglay na invisiblink at wala rin kaming naikekwento sa kanya tungkol sa mga virus kaya paniguradong wala nga siyang alam.

"Puntahan natin si Glynne." Yaya ko kay Haiki at tumango naman ito. "Ituro mo Cher kung saan banda."

Habang tinatahak namin ang daan papunta sa boarder line ni Glynne hindi maalis sa isip ko kung paanong nagkaroon ng virus sa mundo namin. Hindi pwedeng mangyari na makasama namin ang mga virus dahil paniguradong sisirain nila kami. Sisirain nila ang mundo namin.

"Ayun! Ayun! Nakikita mo ba ang maliliit na mga yon? Mukha silang laruan diba? Mga singliit ng beast na pwedeng kaibiganin." Turo ni Cher.

Unang tingin, mukha nga silang mababait at pwedeng pagkatiwalaan pero kung titingnan mong maigi..

"Sinisira nila ang barrier ni Glynne!!!" Sigaw ko. "Nasaan si Glynne?!" Aligagang aligaga ako kung saan hahagilapin si Glynne dahil ang mga mumunting virus na mukhang maaamo ay unti unti lumalaki sa bawat galaw na ginagawa nila masira lang ang barrier ni Glynne. Kaninang mga mukha silang hayop ay ngayon ay tumatayong parang tao na.

Mga ninja virus. Ninja Virus ang tawag sa mga virus na mabilis lumaki at kumalat. Kakayahan nila manira ng ari-arian ganoon din ang kumuha ng achievements at power ups ng isang avatar.

Tumakbo ako papalapit doon at naagaw ko ang atensyon nila.

"Tama ako, mga Ninja Virus."

Pero paanong nagkaroon ng Ninja Virus dito?

Patuloy lang ako sa pag ubos sa kanila at ganoon din ang iba pang avatar. Maliliit na sila, madami pa. Ang hirap makipaglaban lalo na kung alam mong hindi mo sila kalevel -_-

Not your Typical AvatarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon