Five

79 8 0
                                    

Chapter 5


Carter Marquez

"Kung nandidito pa rin kayo sa kalagitnaan ng pagpapadami ng mga ninja virus pati kayo ay hindi na makakabalik sa pinanggalingan niyo at mawawala na rin... kasama namin."

Ano ba kasing meron samin
at kami ang napili? Tsk. Ang hirap tuloy solusyunan kung paano matatalo yang lintik na virus na yan!

"Sa tingin mo paano natin matatalo yung mga ninja virus na yun?" Tanong sakin ni Troy habang nakahiga kami sa damuhan sa boarderline ni Haiki. Ligtas kami dito.

"Iniisip ko din yan e. Ala akong maisip, hindi naman din sila nagsabi kung paano."

Kasalukuyan ding wala sila Rine at Haiki dito sa pwesto namin. Ewan ko baka nagpunta kung saan. Hay.


Sumunod na araw..

*BOGGGH!*

Napabalikwas ako ng tayo ganun din si Troy pagkatapos namin marinig ang isang pagsabog.

"Ano yun?" Sabay na tanong namin at parehas pagnagkibit balikat.

Sinibukan namin maglakad paalis sa tinulugan namin at hanapin sina Rine. San ba nagsususuot yung mga yon?! Sila ang nakakaalam ng mga pasikot-sikot dito e!

*BOGH!*

Habang papalapit kami sa kung saan ay ganun din palakas ng palakas ang mga pagsabog na naririnig namin.

"Master!" Pareho kaming napalingon ni Troy ng may tumawag samin. Si Rine. Sinenyasan niya kaming tumakbo papunta sa pwesto nila kung saan malayo sa pagsabog.

Saktong pagtakbo namin ay may naramdaman akong humawak sa balikat namin at pilit pinaharap.

"Shit!" Sabay na sabi namin ni Troy ng makitang ang ninja virus ang humawak samin. "Paano?!"

Sinubukan akong suntukin ng isa at himala! TUMAMA! Hayop ang sakit!!!

"Aray! Shit! Gago ka ba?!" Hindi ko alam kung naiintindihan niya ko pero mukhang hindi kasi susuntukin niya nanaman ako kaya sinipa ko na ang paa niya at napahiga siya sa damuhan. Tiningnan ko si Troy at nakikipagsapakan na din siya. Sunod sunod na ang mga ninja virus na nakikipaglaban samin.

"Paano na?! Ang hirap nito!!" Dinig kong sigaw ni Troy. Nasilip ko siya at nakitang tatlo tatlo ang nasugod sakanya.

Wait lang? Tatlo tatlo anim yon?

Buti na lang din pala puro sapak at tadyak lang ang ginagawa ng mga ninja na ito, syempre coming sa 'ninja name' malay mo may mga espada yan sila.

*swosshhhhh*

Lintek na!!! "Kakaisip ko palang naglabas ka na?!" Sigaw ko sa virus na kaharap ko habang winawasiwas ang espada niya sa harap ko. Himala nalang na nakakailag ako.

"Yahhhhhhh!!!" Sigaw na narinig ko sa gilid ko at paglingon ko sandamukal na mga kalaban pa pala ang handang makipaglaban samin.

Grabe sa sandamukal no? HAHAHA!

"Shet hindi ko kaya 'to!!!!!" Napayuko nalang ako at ang dalawang kamay ay nasa ulo ko at handang sanggain ang mga hiwang pwedeng matanggap ko.

"Yahhh!!!!!"

*swooshhhh*

Ha?

Not your Typical AvatarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon