Fifteen

6 1 0
                                    

Chapter 15


Sean Mendes

Naglalakad ako ngayon papasok sa bahay namin ng makarinig ako ng pagkabasag. Dali dali akong tumakbo sa pinanggagalingan noon at nakita ang basag na vase galing sa mesa namin. Nandoon si Mama habang umiiyak at hawak ang kanyang ulo na tila pa nahihirapan na siya sa sitwasyong kinalalagyan niya. Napabaling naman ako kay Papa na nakatayo sa kabilang banda at nakayuko. Tahimik lang sila pero rinig pa rin ang impit na hikbi ni Mama.

"Ma.." Gulat na napaangat siya ng tingin. "A-ano pong nangyayari.."

Agad na lumapit sa akin si Mama at dinulahan ako. Patuloy na umaagos ang masasaganang luha sa mga mata niya habang hinahawi ang iilang hibla ng buhok kong lumalampas sa mukha ko.

"A-anak.. Sean.." Lumipat ang tingin ni Mama kay Papa kaya napabaling rin ako rito.

Maingat na lumapit si Papa, parang may tinatantya siya.

Dahil medyo matangkad na ako, hinawakan niya nalang ang balikat ko at bahagya siyang yumuko.

"Pa.. Nag aaway ho ba kayo?"

"Sean... I have something to tell you but please my son promise me that you'll not gonna hate me for this.."

"Bakit po?" Tanong ko.

"Anak.." Binalingan ko si Mama nang magsalita siya. "May.. May ibang pamilya ang Papa mo.." Agad kong inilipat ang tingin ko kay Papa.

Umuusbong sa akin ang galit na may iba siyang pamilya at niloko niya si Mama, pero siguro sadyang nakakatawa ang tadhana ano? "Anak, pangalawang pamilya tayo ng Papa mo.." Humagulgol si Mama sa harap ko at hindi ko na napigilan ang gulat na naramdaman ko.

Third Year Highschool ako nang malaman kong mistress si Mama. May nauna pa palang asawa si Papa at may kapatid rin ako sakanya. Kaya pala apelyido ni Mama na Mendes ang gamit ko. Ni hindi nila naayos ang mga papel ko para maging Marquez.

Kaya pala may mga araw na hindi rito natutulog si Papa, sinasabi niya laging may business meetings siya ibang lugar at pinaniwalaan ko 'yon, pinaniwalaan namin.

Simula nang malaman kong may ibang pamilya si Papa, i can't maintain the closeness we had before. Napapaisip pa rin ako kung paanong nabingwit niya si Mama gayong may nauna na pala siyang pamilya. Hindi ba ito nalaman ng maaga ni Mama?

Habang tumatagal napapansin ko rin kay Papa na gusto niyang ipakilala sa akin ang naunang pamilya niya. Pilit niyang binibring up ang topic patungkol sa mga nauna niyang anak. Isang babae at isang lalaki, halos kaedad ko lang 'yong lalaki pero mas matanda ito ng isang taon.

Nakakaloko ano? Paano kaya nagawa ni Papa'ng pagsabayin ang dalawang pamilya ano? Kalokohan.

Isang araw, nagkaroon kami ng free time at pareho kaming nasa bahay. Kinausap niya ako, pilit pinapagaan ang atmosphere sa pagitan namin.

"You know what son, your sister is a great woman now. She just graduated—"

"You know what too dad? I don't care about them. Can you be more considerate about what i feel?" Naibulalas ko sakanya.

Not your Typical AvatarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon