Seven

35 5 0
                                    

Chapter 7


Carter Marquez

Mukha kaming mga namumuhay na taga bundok dito dahil paikot ikot at nakikipaglaban sa lahat ng nakakasalubong naming mga virus.

Alam niyo yun? Yung tipong wala akong alam sa labanan dahil computer desktop lang naman ang kalaban ko araw araw pero ngayon kasama na ang bugbugan?

Shete lang!!! Marunong akong sumapak pero hindi malakas!

Marunong akong manipa pero hindi ka aatras!

SUSMIYO! Asan na ba kasi ang tatlong kasama ko pa!! Kailangan na naming makompleto e!!

Sabi kasi ni Rine, mas lalakas kami kung kumpleto kami katulad nila na kompleto sila. Parang tropa na hindi makakaalis kapag hindi kompleto? GANON!

Haynako.. sa totoo lang, nakakabading man sabihin pero.. natatakot na ko.

Natatakot ako na baka hindi na ko makaalis dito...

Na baka dito na ko mamatay..

Na baka wala na kong datnan sa bahay kung makabalik ako..

Palagi pala kong wala nadadatnan sa bahay. Tss.

"Ayos na!! Ayos na!!! Lalakad na tayo!!!!" Dinig kong pag alarma ni Troy. Kahit kelan talaga itong tukmol na ito!

Tumayo na ko saka pinagpagan ang sarili ko. Lumapit ako kay Rine para itanong kung saan ang punta namin.

"Hindi ko alam, basta kung saan ligtas." Sagot nito. Hays.

Lumapit ako kay Troy saka sumabay na maglakad sakanya. Hindi namin alam kung hanggang kailan kami titigil at magsstay sa lugar na ito.

Diba wala namang poreber? bat parang dito meron? Tsk.

Third Person's POV

"Ano? Wala pa ding balita sa dalawa?" Tanong ni Kley kay Sean na obvious ding walang alam.

"Wala e, walang kwenta din ang mga pamilya puro hindi alam kung nasaan. Tss." Sagot ni Sean habang nakatingin sa kawalan.

"Ayun naman pala guys e," Napatingin ang tropa kay Kenedy, ang may ari ng bahay na tinatambayan nila ngayon. "Their families aren't doing something para mahanap sila so why bother guys? Maybe they're just in a vacation or gala lang?"

Hindi nagustuhan ni Kley ang narinig niya kaya hinarap niya ng may masamang tingin si Kenedy.

"Show why bother guysh nyenye... Wala ka kasing alam sa mga nangyayari sa buhay non kaya pwedeng kang pepetiks petiks dyan! O ano? Di mo nagets no? Mag aral ka kasi ng tagalog!" Saka tumayo at nilayasan ni Kley si Kenedy.

Napatingin lang si Kenedy sa nilakaran niya at hindi alam kung bat uminit ang ulo ng kaibigan niya.

Umuwi ng bwisit si Kley at sumalampak sa sofa nila sa sala.

"Pakyu talaga to sila e! Di man lang magsabi kung aalis kasi o ano! Mga bobo din e!" Pagkausap ni Kley sa sarili niya at umakyat na patungo sa kwarto niya.

Troy Siban

Kasalukuyan kaming naglalakad ng walang kasiguraduhan kung saan kami patungo.

JUSKO MIYO NAMAN DIN KASI ANO!!

"MGA TROPA KO NAMAN KASI DYAN NO! MAGSILARO NAMAN KAYOOO!!" Nagulat ang ilang avatar sa pagsigaw na ginawa ko ganon din si Carter pero binatukan lang ako. "Taena kase e!"

Not your Typical AvatarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon