Twelve

18 3 0
                                    

Chapter 12




Ilang oras na kaming nananatili rito sa border line namin, ganoon rin ang ibang tropa sa kani-kanilang mga teritoryo.

Napagplanuhan kasi naming abangan ang mga ninja virus na sasalakay sa amin. Oo, Aabangan namin sila na umatake at syempre lalaban kami, pero kung kakayanin ay magbibihag kami ng isa o dalawang ninja virus para malaman kung talagang katulad sila nitong sina Rine na nakakausap at hindi lang basta virus na sunod-sunuran sa kanilang creator.

Kung sakaling marunong magsalita ang virus na mahuhuli namin, pagsasalitain namin siya o di kaya'y ipang-iinis sa kung sino mang nanonood samin mula sa taas.

Para saan pang mga loko kami sa school kung hindi namin magagamit rito hindi ba?

Nakahiga ako ngayon sa loob ng kwebang tinutuluyan ni Rine rito ng makarinig ako ng kaluskos. Parang may nagdadabog. Parang may hinahanap.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at hindi ko rin makita si Rine sa paligid.

"Rine?" Dahan dahan akong naglakad deretso papunta sa kabilang bahagi ng kweba. "Rine? Nasan ka?" Pagtawag ko ulit.

Maya-maya, tumigil ang kaluskos. Naramdaman na ata ako.

Mabilis akong nagtago sa isa sa mga bato rito. Sumilip ulit ako at meron akong naaninag na tao.

Tao nga ba?

Mas pinili kong lumapit na, kung sakaling isa ito sa mga Ninja Virus ay nako bahala na! Gagawin ko ang plano kahit pa wala si Rine dito!

Dahan-dahan ang hakbang na ginawa ko. Nang makalapit na ko at nasa likod na niya ako, doon ko napagtantong hindi ito Ninja Virus.

Hindi rin ito isa sa mga characters na nagagamit sa buong game.

Nanlaki ang mata ko nang humarap siya at makumpirma ko kung sino nga itong nasa harap ko.

"Ah!!!!!!! ANONG—"

"Shhh!" Tinakpan niya ang bibig ko. Sht! Hindi pwede! Ano 'to?!?! "Hindi ka pwedeng mag-ingay! Napapanood nila tayo!" Pabulong na sigaw niya.

Sht! Bakit?!?

"Bakit ka nandidito?!?" Bakit nadirito ang Ate ko?!?

Troy Siban

"Haiki," Pagtawag ko sa Avatar ko. "Sa tingin mo greatest plan na ito?"

Tumingin siya sa akin saka ako nginitian. 'Yong ngiting nakakapangkumbinsi.

"Oo naman Master! Magtatagumpay—"

Hindi niya natuloy ang sasabihin ng my mainirig kaming pagsabog.

"Saan 'yon?!"

Napalabas agad ako sa kwebang tinutuluyan namin pero agad ko itong pinagsisihan.

Nasa harap ko ngayon ang hindi mabilang na mga Ninja Virus. Hindi ko alam kung paanong nangyari at nandito sila ngayon sa harap ko! Paano?!!

"Haiki!!!!!"

Agad sumugod ang isa sa akin pagkatapos kong sumigaw. Nilabas ko agad ang poisoned carpet na nasa akin na simula ng makipaglaban kami rito. Agad kong pinalipad iyon papunta sakanya at nadaplisan pa ang dalawang malapit sakanya kaya sa isang iglap, ang tatlong dapat na titira sa akin ay nakulong na sa poisoned carpet na pinalipad ko.

Not your Typical AvatarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon