Eighteen

10 1 0
                                    

Chapter 18


Third Person's POV

Habang busy at may mga pinagkakaabalahan ang lahat, tuloy ang pagbukas ng portal sa iba't ibang bahagi ng real world pati ang paglabas ng mga characters dito.

Nagitla ang ilang naglalakad lang sa kalsada nang biglang may sumulpot na tigreng ibang iba ang itsura at laki sa normal na tigre. Mabilis na nagsigawan at nagtakbuhan ang mga tao. Mula sa portal ay nagsilabasan rin ang mga insektong hindi pangkaraniwan at nagsiliparan ang mga agilang doble ang laki at iba sa totoong anyo nito.

Pareho ang nangyayaring kaguluhan sa iba't ibang bahagi ng lugar nina Carter. Dahil sa kaguluhan, nagkakaroon na ng mga pagsabog at sunog mula sa mga sasakyang naaapakan ng mga hindi pangkaraniwang hayop.

Kahalo ng mga taong nagtatakbuhan ay ang ilang ninja virus na hindi lang sa WOB nagkalat. Dala dala ang kanilang mga espada, walang awang dinadaan-daanan at pinagsasasaksak ang mga taong nadaraanan nila.

"Breaking News: Isang pagsabog ang narinig hindi kalayuan sa University of Arcan. Patuloy na iniimbestigahan kung saan nanggaling at kung bakit may mga hayop na hindi matukoy ang itsura ang naglalagi at gumagawa ng gulo sa siyudad—"

"Putang..." Hindi makapaniwala si Carter sa nakita habang nagsscroll sa fb feed niya. Isang live news report na nagbabalita ng hindi magandang pangyayari.

Halos magkagulo ang mga taong napapalabas at nagahagip ng camera sa news report na binabalita sa tv.

Agad siyang tumayo at kinuha ang telepono para matawgan ang tropa lalong lalo si Sean na siyang dahilan ng lahat ng ito.

"Tangina sagutin niyo.. Ate!" Sigaw ni Carter mula sa kwarto niya.

Dumungaw siya sa pintuan para mas marinig siya ng ate niya at sumigaw muli.

"Bakit ba? Hating gabi na," pipikit pikit na sabi nito habang naglalakad palapit.

Lumagpas ang tingin ni Carter sa ate niya nang makita si Rine na lumabas rin ng pinto.

"Tangina hello?!" Bungad niya ng nay sumagot na sa group call na ginagawa niya.

Sinenyasan nuyang sumunod at pumasok sa kwarto sina Rine. Binigay niya ang iPad sa ate niya at hinayaang panoorin ang live news report about sa nangyayari sa Arcan Proper (yung lugar nila, kumabaga yun yung pinaka may maraming tao, establishments and chuchu).

"Buksan niyo ang mga iPad, tv o cellphones niyo na magagamit. Panoorin niyo 'yong latest news ngayon at tawagan niyo ko agad kapag handa na kayo. Lalo ka na Sean pakahayup mo." Binaba niya ang tawag at agad na nagbihis.

Gulat ang ate niya pati si Rine sa nakikita. Kahit hating gabi na ay marami pa rin ang pauwi at bumabyahe sa Arcan Proper kaya ganon nalang ang kaguluhang nagaganap doon dahil sa nga beasts at characters na nakalabas ng WOB.

"Tapos na kayo manood? Magsitayo na kayo diyan at kailangan na natin pumunta doon." Si Carter habang chinecheck ang palapulsuhan niya.

"Paano mga gamit niyo? 'Yong panglaban niyo?" Lumapit si Carla sa kapatid at bigla ring napaatras ng may lumabas na tattoo sa palapulsuhan ng kapatid, ganoon na rin ang life bar na 100% sa ulo niya.

"Connected 'tong lahat sa game kaya naisip kong gaganap ang pagiging avatar ko sa mundo natin. Lalo na 'nong nakalabas masok si Rine sa WOB. Rine," lumapit siya rito. "Alam kong kayang kaya mong pabagsakin ang lahat ng beast na haharang sa daanan natin. Alam kong kahit nandidirito ka sa real world magagamit mo ang pagiging avatar mo sa WOB. Kaya mo 'yon at nagtitiwala ako sayo." Ngumiti siya kay Rine saka biglang umilaw at nagglitch ang buong katawan ng avatar kaya napaatras siya.

"Gano'n ka pa rin gaya ng ginagawa mo sa'kin 'nong avatar mo pa lang ako. Patuloy kang nagtitiwala at binubuhos ang buong paniniwala mo sa'kin at 'yon ang hinding hindi ko malilimutan."

Nagpalit ng itsura si Rine saka nagluwanag ang buong kwarto, si Rine na nakapantulog kanina ay nakabihis na ng pandigmaang kasuotan na may nakasabit na daggers sa magkabilang gilid ng kanyang pantalon, isang supot ng bombstones at ang itin na porselas na ngayon lamang lumitaw sa kanyang pulsuhan.

"Ano 'yan?" Takang tanong ni Carter.

Pinindot ni Rine ang power button ng porselas saka ito nagmistulang projector at pinakita ang limang karakter ni Rine.

"Woah.."

Agad napabalikwas si Kley sa kinahihigaan niya nang matapos ang tawag ni Carter. Sinilip niya si Nas sa kwarto niya kung saan hinayaan niyang gamitin at matulog ito roon saka nakitang nakatayo ito at nakasilip sa bintana.

Pinapanood ni Kley sa cellphone ang live news report regarding sa nangyayari sa Arcan Proper at hindi makapaniwalang nakalabas ang mga characters ng WOB.

"Taena talaga.. Nas!" Nilingon ni Nas ang binata pero hindi nito mapigilang hindi matakot sa kung paano niya ito tingnan.

"Andyan na sila, kailangan na nating kumilos."

Napayuko siya sa pulsuhan niya nang umilaw ito at may lumitaw na porselas na itim katula kay Rine.

Tumalikod si Kley para kumuha ng damit sa cabinet pero napalingon rin nang magsalita siya.

"Nakuha na ni Rine ang limang karakter."

"Ha?"

Iniangat niya ang paningin niya sa binata. Umilaw ang mga mata nito saka nagreflect ng iba't ibang karakter. Limang Nas na iba iba ang suot at tindig.

"Holy shit..."

Nawala ang liwanag at tumambad kay Kley ang upgraded nang si Nas. "Wow.."

"Fuck you Sean, fuck you!" Hinagis ni Kenedy ang cellphone niya matapos mapanood ang live news report sa kumakalat sa social media.

Tumakbo siya paakyat sa guest room para tingnan at gisingin kung sakaling tulog na si Glynne.

"Glynne—" Laking gulat niya nang wala ang bata sa kwarto. "Fuck, where are you.."

Binuksan niya ang banyo at sinilip do'n ngunit wala rin. He even checked if Glynne's under the bed but she wasn't there. "Oh god.. Where the hell are you.."

"Master.." Napalingonbsi Kenedy sa tumawag sakanya.

"G..glynne..?" 'Di makapaniwalang bigkas niya.

Iba na ang kasuotan ni Glynne, may suot na rin siyang porselas na itim na siyang umilaw at ipinakita ang dalawang avatar na nag-upgrade na.

"Is that.. Nas and Rine?" Nakikita ni Kenedy ang mga pangyayaring naganap sa naunang dalawang avatar sa porselas nakapulupot sa pulsuhan ni Glynne.

Namatay ito kasabay nang pag-ilaw ng mga palad ni Glynne. Umangat ang bata at tila hangin nang magsimula itong umikot ng umikot.

"Shit! Glynne!" Pilit inaabot ni Kenedy ang bata ngunit ni hindi niya ito mahawakan. Gulong gulo na siya sa kung anong nangyayari.

Tumigil ang pag-ikot at ang Glynne na iisipin mong batang saling pusa lang sa laro ay nagmistulang kasabayan na nina Rine at ng iba pang avatar.

Hindi mapigilang hindi mapanganga ni Kenedy sa nakita at nang pumikit siya para tingnan kung totoo ang nakikita niya, biglang nawala sa harap niya si Glynne.

"Where the fuck.." Napakurap siya sa naganap nang may kumalbit sa likod niya.

"Tayo na master.." Si Glynne, the one who has the power of invisiblink.











/////unedited

Not your Typical AvatarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon