Twenty Three

28 3 3
                                    

Chapter 23
Third Person's POV


Tuluyang nabiyak ang protection barrier ng tropa pero gano'n na lang kabilis ang naging kilos nila upang masangga ang enerhiya nina Calixta.

Kita ang kaba sa mukha nina Carter pero agad iyong napapalitan ng awa gawa ng nararamdaman nina Rine. Nagkakahalo halo ang emosyon sa iisang katawan na ginagamit ng mga avatar. Lahat ng ito ay hindi nila ginusto. Maging ang sama ng loob na nararamdaman nina Calixta ay hindi nila ginusto. Paanong ang problema tungkol samga ninja virus na pumupuksa sa mga characters ng WOB ay napunta sa hindi mapigilang galit ni Calixta? Talaga nga namang sobra sobra ang surprises ng mundo. Hindi mo na mapagtagpi kung alin ang dapat pagtuunan ng pansin. Alin ang tama sa mali, lagi kasing napangungunahang ng emosyon.

Patuloy man sa pagsangga ng hindi maubos ubos na kapangyarihan ni Calixta sina Carter, sa likod ng utak nito ay ipinapakita ng mga avatar kung ano at sino ang mga god fairy noon.

Malayang lumilipad at patuloy na nakikipagsayahan ang mga diwata ng WOB. Kahit na mundo ito ng pakikipaglaban, hindi sila nawala sa laro lalo't sila ang natatanging nagtatago ng mga energies, power ups, at achievements na nakukuha ng mga avatar na ginawa nina Sean noon. Kahit pa paulit-ulit lang ang mga nangyayari hindi nagsasawa na magpaalala ang mga god fairy lalo sa pagpapakita ng kasiyahan sa bawat achievements at rankings ng mga avatar noon.  Sa bawat panghihinang nararamdaman ng mga avatar kahit pa si Sean na Cher lang ang gamit, patuloy niyang pinapagaan ang loob ng lahat ng ito lalo pa't alam niyang wala pang nagmamay-ari sa ibang avatar. Alam ni Calixta ang nararamdaman ng mga ito kahit pa may kasiyahang nagaganap dahil sa pagkapanalo nila. Hindi siya nagbago hanggang sa dumating sina Carter.

Nagbago ang lahat ng maibigay ang laro kina Carter, Troy, Kenedy, at Kley. Gawa ng paulit ulit na paglalaro nina Carter at Troy, iniiskip na nila ang bawat paliwanag ni Calixta bago magsimula ang laro. Dirediretso rin ang pagpindot na ginagawa nila upang hindi na masabi pa ni Calixta ang mga achievements at powerups na natatanggap ng tropa. Doon sumama ang loob niya ngunit kahit ganoon, nanatili siyang masiyahin at pilit pinapasaya ang iba pang diwata kahit pa siya'y tunay na nakararamdam ng sama ng loob. Naiisip niyang balewala na siya sa WOB.

"Para saan ang mga god fairy kung hindi ninyo ito pinahahalagahan?" Saad nito sa sarili habang off-game sina Carter.

"Sa tuwing lalabas ako, iniiskip niyo lang." Masamang loob pang dagdag nito.

Habang binabaybay ang walang hanggang kagubatan, nakita niya ang kauna-unahang ninja virus na nagawa ni Sean. Inakala niyang isa lamang itong bagong update sa WOB at dinagdag pang nakakalaro niya ito. Nadagdagan nang nadagdagan ang mga ninja virus at lahat 'yon ay naimpluwensiyahan siya sa pakikipaglaban. Kahit ganon, ginagawa niya ang gampanin niya bilang godfairy ng WOB.

Isang araw, nadatnan niyang sinalakay ng ninja virus ang bahay niya kung saan naroon ang mga power ups na kakailanganin bawat game. Sobra sobra ang panlulumo niya. Pinagkatiwalaan niya ang mga estrangherong nagparamdam sakanya ng pagpapahalaga pero ganoon na lang ang bawi nito sa kanya. Doon umusbong ang galit niya kina Carter. Kung hidi dahil sa pagpaparamdam nitong pagsasawalang bahala, hindi siya matutuwa't magtitiwala sa iba.

"Calixta..." Nasambit ni Carter. "Tama na.."

"Carter.." Nanggagalaiting sagot niya. "Ikaw.."

Ang kaninang pagbubuhos niya ng kapangyarihan kina Carter ay naitigil niya. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao at tinapunan nang nakamamatay na tingin ang mga nasa harapan.

Hindi niya maisatinig ang hinanakit na nasa loob niya. Ang dami niyang gustong sabihin pero talagang mas napangungunahan siya ng emosyon. Ang dating masiyahin at palaging maaasahang si Calixta ay talaga ngang napuno. Kahit pa isa itong character sa isang laro, hindi maipagkakailang ang ugaling tinataglay niya ay katulad ng isang tunay na tao. Karamihan ay napangungunahan ng emosyon at gagawa ng bagay na makapagpapabago sa kung ano ang dapat na nakatadhan rito.

"Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito. Ikaw ang sumira sa mundong ginagalawan ko. Dahil sa'yo.."

"Alam ko, Calixta.." naiiyak na sagot ni Carter. "Alam ko.."

"Jusko! Sumama ang loob mo dahil do'n?!" Bulalas ni Troy.

Agad nagliyab ang mga mata ng mga diwata at niliyaban ang inaapakan nito. Mabilis na hinarangan ng poisoned carpet si Troy pero nasunog ang ibabang bahagi nito.

"Wala kang karapatang maliitin ang damdamin ko! Kayong lahat! Hindi ninyo alam kung paanong naging gampanin ko sa araw araw na binabaliwala ninyo ang presensya ko!" Gigil na saad ni Calixta.

"Oo, Calixta!" Napalingon ito kay Kley. "Hindi namin alam lahat ng naging gampanin mo kaya humihingi kami ng tawad sa pag babaliwala sa'yo. Sobra, sobra naming pinagsisisuhan lahat ng nangyari. Alam.. Alam.."

"..alam naming hindi kami karapat-dapat maging owner ninyo." Si Sean. "Kahit ako, kahit ako na gumawa sainyo. Hindi ko kayo nacontrol ng maayos. Lahat dapat ay maramdaman ang kahalagahan nila at kung bakit sila nailalang sa larong ito. Ako, ako na gumawa ng larong ito ang humihingi ng kapatawaran sa'yo. Hindi mo deserve ang ganito, Calixta."

"Sobra sobra ang naging ambag mo sa WOB." Si Carter. "Mula sa pagatago ng gems, power ups, hanggang sa pagpoprotekta nito sa mga ninja virus. Calixta ikaw ang dyamante ng mundong ito. Sa ngayon, hindi kami ang dapat na kalabanin mo."

Tila natauhan sa huling sinabi ni Carter si Calixta. Ang mataas na enerhiya nito kanina ay bumaba na nagresulta ng pagkawala ng liwanag sa paligid nila. Napalitan ito ng liwanag ng araw.

"Malapit nang maubos ang oras natin. Pasikat na ang araw," sinipat ni Carter ang araw. "Kailangan nating maging magkakampi para matapos ang labang ito. Ang mga ninja virus ang uubos hindi lang sa mundo ninyo, pati na rin sa mundo namin. Mapapayagan mo ba 'yon, god fairy ng WOB?"

Tuluyan nang nawala ang sakit sa mga mata ni Calixta at napalitan iyon ng matinding tapang. Agad niyang hinarap ang ibaba at tiningnan ang mga characters ng WOB na naggglitch gawa ng matagal na pakikipaglaban sa mga ninja virus.

Hindi ito ang mundong inaasahan niya. Malayong malayo ito sa mundo ng WOB noon kung saan ang players lang ang iniintay nila para magkaroon ng labanang ganito.

Binalikan niya ng tingin ang mga players. "Simulan na natin."







Last 3 chapters!!! Hehehehe

Not your Typical AvatarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon