Two

189 22 0
                                    

Chapter 2

"Una na ko mga pre!"

"Ako din!"

"Me too!"

Nagsipaalamanan na kami sa isa't isa saka nagsisakayan sa mga sarili naming sasakyan.

Nang makauwi ako dumiretso agad ako sa kwarto saka binuksan ang computer ko.

Oo wala nanaman akong kasama dito, sanay naman ako e. Palagi kasi silang nasa trabaho, galaan, layasan o kung saan man!

Bumaba uli ako pagkatapos magbihis habang nag oopen pa ang computer. Kukuha ako ng pagkain para sa kalagitnaan ng game di ako magugutom.

Umakyat na ako dala dala ang dalawang boteng tubig saka ilang chichirya saka biscuit. Sana pala dinala ko nalang ref namin dito ano?

"Antagal naman nito.." Sabi ko habang nakatingin sa screen. Dati-rati mabilis magboot itong computer ko e pero ngayon ikot lang ng ikot yung bilog.

Kumain muna ako ng biscuit saka ko pinagbububuksan yung mga chichirya.

"Sa wakas! Bumukas din!" Nagsimula ng magsilabasan yung mga files and apps na nakainstall dito sa desktop at ng wala ng nakasunod na bilog sa arrow ko pinindot ko na ang WOB.

As usual game start agad sakin kasi naudlot yung laro ko kaninang umaga diba. Natapos ko yung level ng madalian at kinongratulate ako ni Rine! HAHAHAHA! Realtalk! Nagpop-up si Rine with matching Congratulations Banner.

Nang makolekta ko lahat ng achievements ko, nagstart ulit ako ng isa pang game. Solo ko lang ito dahil ito yung pinili ko. Bago kasi magstart yung game pipili ka muna kung solo or group, syempre isa lang ako kaya solo nalang. Hindi naman din malalaro ng computer yung mga avatar nila Kley dahil sakanila iyon. Hindi pwedeng galawin hangga't di nag bubukas ng computer sina Kley.

"Ayan! Sipain mo! Boom! WAHAHAHAHA bobo hayup." Kung ano anong katalkshitan pa ang sinabi ko hanggang sa naudlot yung game. "Anong nangyari?" Para siyang nag hang.. "Tsk."

Hinintay ko lang gumalaw ulit yung mga character sa game pero walang nangyayari. Wala akong choice kundi iclose yung game at irefresh yung computer. "Nakakainis naman, patapos na yun e. Uulit nanaman ako diba tsk."

Binuksan ko ulit yung WOB saka nag open uli ng game. Ngayon maayos na at dirediretso ang laro ko. Nakakalaban ko na rin ang mga beast kasama ng ibang kalaban dito sa WOB. Tingin ko malapit nako sa Rank switch!

Ang rank switch ay obviously pagpapalit ng rank kung nalagpasan mo na ang sampong lebel na dapat mong pagdaanan.

"Bullshit!" Napamura nalang ako ng tumigil na naman yung game. "Ano bang nangyayari?! Bwisit naman o! Mapapatay ko na yung beast e!"

Sa kasamaang palad hindi ko na naman natapos yung game at hindi ko nakuha yung panibagong rank.

"Bwisit!" Kinlose ko uli yung game saka nagrefresh ng nagrefresh. Siguro pagpahingahin ko muna yung computer no? Or kahit yung game baka sakaling bukas ay maayos na. Nakakainis na kasi.


Kinabukasan

Naligo na ko saka nag ayos para sa pagpasok. Hindi ko na nagawang buksan at paglaruan iyong WOB kasi tinanghali na ako ng gising. Ni hindi na nga ko nakapasok sa first and second subject ko e. Tadtad na din ako ng tawag at text galing kina Kenedy.

Pagdating ko sa school, tahimik ang hallway dahil malamang nasa mga room pa nila ang mga estudyante, pero malapit na din namang maglunch kaya magsisilabasan na sila.

Tinext ko sina Kenedy na sa canteen na ako dumiretso para dito nila ko pupuntahan. Sabagay kakain din naman ang mga yon kaya dito rin ang punta nila panigurado.

Habang naghihintay, nilaro ko muna ang kapatid ng WOB na si Mobile War sa cellphone ko. HAHAHAHA! Bumili din ako ng snacks na makakain habang hinihintay ang mga tropa ko.

Sa kalagitnaan ng paglalaro, "Shit!" Namatay lang naman cellphone ko. Bwisit! "Baket?!"

Blackout. Low battery na ba ko? e 95% pa ito kanina?

Sinubukan ko siyang buksan, nang lumabas na ang logo ng cellphone ko naghintay lang ako. Nagsilabasan na ang mga applications at games ko sa cellphone kaya okay na.

Anong bang meron? Kagabi yung computer, ngayon naman tong cellphone ko? Tsk.

Hindi na ko naglaro at tinabi nalang yung cellphone sa gilid ko saka kumain habang hinihintay sila Kenedy. "Antagal naman nila."

Dahil sa pagiging bored, binuksan ko uli ang cellphone ko. "Sana di na ito mamatay kundi papatayin ko na yung creator. Tsk."

Pipindutin ko na sana yung game na nilalaro ko kanina ng magpop-up si Rine.

NAGPOP-UP SI RINE?! T-teka..

Sorry we're having some trouble in the game. I hope you'll understand.

Inokay ko siya saka nawala si Rine.

YUNG TOTOO?! BAKIT NAGPOP-UP SI RINE?! Anong kababalaghan ito?!

Dumating na yung mga tropa ko at nag ingay na sila. Nakita nilang nakabusangot ako at may halo na ring pagtataka kaya sinagot ko na ang itatanong nila. "Naghang ang computer ko, namamatay ang cellphone ko at nagpop-up si Rine kanina lang."

Sabay sabay silang nagsitanong at sinamaan ko lang sila ng tingin para manahimik.

"Sakin din.. naglalaro ako kanina biglang namatay cellphone ko." Napatingin ako kay Troy.

"Sakin din. NagmoMobile War ako kaninang umaga naghang din tapos inulit ko, naghang ulit." Sabi ni Kley.

Hindi sumagot sina Sean at Kenedy pero maya-maya.. "Nagpop-up sa desktop kanina si Glynne asking for help, I declined it 'coz I'm going to school na." Sabi ni Kenedy.

"Ganun din sakin. Nagpop-up si Nas pero saying na 'Sorry we're having some trouble etc.'"

Nagkatinginan kami. "Ako magtatanong sa creator ng WOB at Mobile War." Sabi ko.

"Bakit kilala mo?" Tanong ni Troy.

"Hindi edi hahanapin bobo." Natawa ako ng magbago ang expression ng mukha niya.

Nagtataka ba kayo? Kasi kahit ako hindi kilala ang creator ng game na kinababaliwan ko? Hahaha, ewan ko e. Kasi noong pinainstall ito ni father dear sa PC ko at ng mga tatay ng mga kaibigan ko sa sari-sariling PC nila, hindi nila sinabi samin kung sino or kung saang lupalop galing itong game na ito. Well okay lang naman kasi kung sino man ang gumawa nito abay luluhuran ko talaga! Binaliw ba naman ako ng ganito?!

"Magsikain na nga tayo. 45 minutes nalang natitira o." Tumayo na si Sean at sinamahan siya ni Kenedy umorder.

"Tatanungin mo nga yung creator?" Tanong sakin ni Troy.

"Oo nga." Binuksan ko yung cellphone ko at sinubukang maglaro, nakatingin sa cellphone ko si Troy at hinihintay namin kung anong susunod na mangyayari pagkatapos kong pindutin yung game.

Nagulat ako ng bumukas siya at nagloading. Nagbukas siya ng walang nagpapop-up o kung ano.

"Baka naghang lang mga cellphone natin. Wag mo ng abalahin yung creator ng WOB baka naghang lang din yung computer mo." Saka umalis sa tabi ko si Troy para humarap naman sa cellphone niya.

"Ang weird niyo ha.." Bulong ko at naglaro nalang.




---------

OHMYGHAD THIS IS LIT HIHI I'M SHOOKT HIHI Highest Rank #290 Adventure hihi ohmyghad guys ikennat. Keep supporting guys hihi labyuol.

Not your Typical AvatarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon