IMK-15

3.1K 130 7
                                    

IMK-15

"CEREINA," tawag niyang muli sa akin. 

"Pilit ko siyang iniiwasan pero bakit patuloy pa rin siyang lumalapit sa akin. Nagtapat siya ng kanyang damdamin at aminado akong may kakaibang nararamdaman doon ngunit pilit ko pa ring itinatanggi. Bakit ako nangangamba sa tuwing nagbabago ako ng anyo kapag nandiyan siya? Bakit takot na takot ako na mapaslang ko siya? Bakit!?" umiiyak kong wika.

"Hindi mo dapat inibig ang lalaking iyon." 

Natigilan ako sa aking narinig. 

"U-umiibig ako sa kanya?" 

Bigla naman niya akong niyakap. 

"Alam kong bago sa iyo ang lahat nang ito Cereina ngunit pakiusap. Hangga't kakayanin mo'y umiwas ka sa kanya. Pakiusap."

Napahagulhol ako. 

"Bakit ba lahat kayo'y pilit ninyo akong inilalayo kay Shanty? Ano bang mayroon sa kanya at parang mainit siya sa mga mata ninyo?" 

Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. 

"Ikaw ang nag-iisang babae sa ikat'long henerasyon. Natural lang na pangalagaan ka namin ng lubusan."

Nakagat ko ang aking labi at hindi na sumagot pa. Hindi iyon ang gusto kong marinig. 

"Umalis ka na. Ayos na ako." 

Hinagkan niya ang aking noo at biglang nawala sa aking harapan. Diretso ako sa paghiga sa aking kama. Nahawakan ko ang aking ibabang labi at nasapo ang aking dibdib. Hindi man tumitibok ang puso ko ngunit biglang naliwanagan ang aking pag-iisip. Umiibig ako kay Shanty. Napatingin ako sa gilid ng aking kama. Nakagat ko ang aking labi nang makita ang asul na payneta. 

Napabuga ako ng hangin. Dapat ko pa rin siyang iwasan dahil mapanganib pa ri ako para kay Shanty. 

SA SUMUNOD na araw ay pumasok na ako sa Cerine Bahay Kalinga. Diretso rin naman ako agad sa opisina at nag-ayos ng mga papeles ng mga bata. Lalo na ang paghahanap ng mga bago nilang pamilya. Maraming nagsumite ng kanilang mga papeles upang makapag-ampon at nakakatuwa lamang dahil marami pa rin ang may mabubuting loob na kumupkop sa kanila. 

Napatigil ako sa pagbuklat nang mga papeles nang maramdaman ko ang presensiya ni Madre Irene. Kumatok ito sa pinto ng aking opisina at itinulak.

"Maari ka bang maabala sandali, senyorita Cereina?" anito pa at bakas sa mukha ang pag-aalala. 

Napatayo ako mula sa aking pagkakaupo. 

"Bakit po?" 

"Hinahanap ka ni Shanty. Ang ibig kong sabihin ay panay ang kanyang pagdedeliryo at ikaw ang hinahanap niya." 

Napaawang ang aking bibig dahil sa aking narinig. Lihim kong nakuyom ang aking isang kamao habang ito ay nakataho sa aking likuran. 

"H-hindi naman na siguro po ako—"

"Pakiusap," sumamo nito. Laglag ang aking balikat at tipid na napatango lamang. 

Lumabas na ito at sumunod lang din naman ako sa kanya. Mariin akong napapikit. Bakit ba ako ang hinahanap niya? Kahibangan at pati sa panaginip niya'y ako pa rin ang laman nito. 

Tinungo namin ang ika'lawang palapag ng bahay ampunan. Itinuro sa akin ni Madre Irene ang kuwartong okyupado ni Shanty. 

"Hahatiran kita ng pagkain mamaya, senyorita Cereina. Nakakahiya man ngunit gusto ko lamang na gumaling si Shanty. Hindi ko alam kung anong ugnayan ninyong dalawa ngunit kailangan ka niya ngayon." 

Umiling ako. 

"Ayos lang po. Kung maari lang sana ay ang naiwan ko lamang na bote sa aking opisina ang ihatid ninyo sa akin dito. Salamat po." 

"Masusunod, senyorita Cereina." 

Iniwan na nito ako. Nakatayo na ako sa harap ng silid ni Shanty at alanganin ako sa pagpasok. Mariin akong napapikit at huminga ng malalim. Diretso ako sa pagpasok. Agad akong nakaramdam ng awa sa nakita kong ayos ni Shanty. Pawisan ang buong katawan nito at panay pa ang pagsambit sa aking pangalan. 

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang bimpo sa lamiseta. Umupo ako sa gilid ng kanyang kama. Pinunasan ko ang pawisan niyang mukha at leeg. 

"Cereina..." muling tawag niya sa aking pangalan.

Hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay. 

"Nandito ako Shanty," sagot ko. Bahagyang kumalma ang kanyang itsura ngunit habol pa rin ang kanyang mabigat na paghinga. 

"Hangal ka talaga. Bakit ka nagkasakit? Dahil ba sa nangyari kahapon?" Pino akong napatawa sa aking sarili. 

"Ako itong nasugatan ngunit ikaw naman itong nagkasakit. Kakaiba nga kayong mga mortal."

Binasa ko ang bimpo at inilagay sa kanyang noo. Sinalat ko ang kanyang leeg. Mainit pa rin siya. Sinulyapan ko ang hugis bilog na orasan sa dingding. Magtatanghali na at hindi pa siya kumakain. Hindi pa rin siya nagigising. Pinagmasdan ko ang kanyang mga labi. Natutuyo na ito at nagsisimula nang bumitak ang maninipis na balat. 

Kinuha ko ang baso at ininom ang laman nitong tubig. Inipon ko ito sa aking bibig at inilapit kay Shanty ang aking mukha. Itinapat ko ang aking mga labi sa kanyang bibig at ito'y aking ibinuka. Walang pag-alinlangan ko siyang hinagkan at inilipat ang naipong tubig sa loob ng aking bibig. Naramdaman ko ang kanyang paglunok ng marahan. Paulit-ulit kong ginawa ang prosesong iyon. Dinurog ko na rin ang gamot at inihalo sa tubig at muling pinainom sa kanya gamit ang sarili kong bibig. Marahan ang kanyang naging paglunok at kasabay pa niyon ay ang pagkunot ng kanyang noo. Marahil ay nalalasahan na niya ang gamot. Lihim akong napangiti sa aking sarili. Ang sabi ni ina ay mapait ang lasa ng gamot ngunit hindi ko naman iyon nalalasahan. Ngunit sa kagaya ni Shanty ay malalasahan niya ito. 

Inulit ko muli ang pagpapainom sa kanya ngunit ganoon na lang aking aking gulat nang gumalaw ang kanyang mga kamay upang ikulong ako sa kanyang mga bisig. Nanigas ang aking leeg. 

Dahan-dahan na dumilat ang kanyang mga mata. Namumungay ang kanyang mga mata habang nakatitig din sa akin. Ang mga labi namin ay magkalapat pa rin sa isa't isa. 

Gumalaw ako upang magkahiwalay ang aming mga labi ngunit kinabig niya ako ng husto at bigla akong siniil ng halik. Marahan niyang hinagkan ang aking mga labi habang marahan niyang kinakagat ang aking ibabang labi. Sa tuwing ibinubuka niya ang kanyang bibig ay sumasalubong sa akin ang matinding init ng kanyang hininga. Init na gustong-gusto kong maranasan sa tanang buhay ko.

Wala sa aking sarili na ako'y tumugon sa kanyang halik. Gumapang ang kanyang kaliwang kamay sa aking batok upang dumiin pa ako sa kanya. 

"Shanty..." anas ko. 

I'M HIS KNIGHT [Zoldic Legacy Book 7]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon