IMK-21

3K 107 4
                                    

IMK-21

NAPAKAMOT naman si Shanty sa kanyang batok. 

"Pasensiya ka na Selly ngunit masiyado akong abala sa pagtulong dito sa bahay ampunan. Alam mo namang mahalaga sa akin ang bahay ampunan na ito," paliwanag ni Shanty. 

Malungkot naman ang mukha ni Selly. Mukhang hindi niya maramdaman na isa akong bampira. Kung ganoon ay mahina siyang nilalang. 

"Sino siya?" tukoy pa ni Selly sa akin habang nakataas ang kangang kilay sa akin. Umigting ang aking panga. 

"Si Cereina, ka-i-bigan ko," ani pa Shanty at matamis na ngumiti sa akin. Tipid ko rin naman siyang nginitian.

"Ah," reaksyon ni Selly. 

"Tara na Shanty. Puwede namang ngayon mo na lang puntahan si Jeoffrey. Sige na oh," ani Selly na may halong pagtatampo at paglalambing pa kay Shanty. 

"Bukas na lang talaga. May tinatapos pa kasi kami," sagot naman ni Shanty. 

"Hays, sige. Mauna na ako," aniya pa at akmang hahalik sa pisngi ni Shanty nguniy agad din naman siyang napigilan nito. 

"Umuwi ka na," taboy ni Shanty sa kanya. 

Konti naman siyang napapadyak.

"Sige," anito habang laglag ang mga balikat dahil sa pagkadismaya. Nang tumalikod na ito ay hindi nakaligtas sa aking pandinig ang kanyang sinambit na salita. 

"Bruha!" bulong ni Selly. Umigiting muli ang aking panga at umipod upang silipin si Selly na lumalakad at panay pa ang paggaya nito sa ekspresyon ng aking mukha kanina. Agad na umarko ang aking kaliwang kilay. 

Nang makita ko ang maliit na balde sa gilid ng estante ay pasimple ko itong sinipa ng malakas. Tumama ito sa likod ni Selly at agad din naman akong bumalik sa aking puwesto nang hindi napapansin ni Shanty. 

"Aray!" malakas na daing ni Selly. 

Nagtaka naman si Shanty kaya agad niyang sinundan si Selly. Sumunod lang din naman ako habang pilyang napapangiti sa kawalan nang hindi nila nakikita. 

"Selly, ayos ka lang ba?" usisa pa ni Shanty. 

"Tumama sa akin iyong balde," nakangiwi niya pang sagot habang nakasalampak sa sahig. 

"Pasensiya ka na Selly. Marahil ay naiwan iyan ng mga bata at baka nasagi ng daga at sakto pang natamaan ka. Ipagpaumanhin mo sana," singit ko pa.

Matalim niya naman akong binalingan ng tingin. Konti rin namang umangat ang isang dulok ng aking labi. Tinulungan siyang makatayo ni Shanty.

"Kaya mo ba?" ani pa Shanty. Hinawakan ni Shanty ang kanyang balikat ngunit inagaw ko sa kanya ang pag-alalay kay Selly. 

"Ipahahatid ko na lamang siya sa ating tsuper," wika ko pa at walang ingat na hinila si Selly palabas ng silid-akalatan. 

"Sino ka ba!?" ani Selly. Hindi ko siya kinibo. 

"Puwede ba, bitiwan mo ako!" Tinabig niya ang pagkakahawak ko sa kanyang kanang braso. Binitiwan ko naman ito nang matapat na kami sa pinto ng bahay ampunan. 

Humalukipkip ako. 

"Hindi ka naman pala mukhang nasaktan. Magaling kang umarte." 

Naningkit naman ang kanyang mga mata. Taas noo siyang nakapamaywang sa aking harapan. 

"Ano naman ngayon kung nag-iinarte lang ako sa harapan ni Shanty? Sino ka ba? At ano bang pakialam mo?" 

Matamis ko naman siyang nginitian. 

"Hindi mo ako gugustuhing makilala. Sa susunod, huwag kang papasok dito ng basta-basta nang wala man lang pahintulot. Maliwanag?" 

Inirapan naman niya ako at akmang sasampalin ngunit agad kong nasalag ito at binaliko upang malagay ang kanyang kamay sa kanyang likuran. Itinulak ko siya. Sumalampak siya sa lupa.

"Walanghiya ka!" galit niyang wika sa akin. 

"Kung gusto mong makaapak ulit dito sa poder ko, matuto kang rumespeto sa patakaran, Selly."

Tinalikuran ko na siya ngunit agad din naman akong napahinto sa paghakbang nang bigla itong tumayo at akma akong susugurin. Agad ko siyang nilingon at ipinakita kung paano magbago ng kulay ang aking mga mata. Napaatras siya sa kanyang nakita. 

"May problema ka pa?" tanong ko habang matalim akong nakatitig sa kanya. Napaatras itong muli at para bang takot na takot sa kanyang nasaksihan. Agad siyang tumalikod at lumakad palayo. 

"Cereina," tawag ni Shanty sa akin. Napapikit ako at muling napadilat, kasabay nang paglingon ko kay Shanty. 

"Hmm?" 

Umawang ang kanyang labi at ngumiti sa akin. 

"Umalis na si Selly?" tanong niya pa nang makalapit sa akin. 

"Oo, nagmamadali yata siya," sagot ko naman. 

"Nagseselos ka ba kay Selly?" Umawang ang aking labi at agad ko rin naman itong itinikom.

"H-hindi," sagot ko. 

Pino naman siyang tumawa. 

"Alam kong nagseselos ka sa kanya." Tumingin ako sa kanyang mga mata. Kinuha naman niya ang aking kanang kamay at itinapat sa kanyang kaliwang dibdib. Ramdam na ramdam ng aking palad ang makalas na pagtibok ng kanyang puso. Naririnig ko rin ang paggalaw ng mga ugat nito, lalo na ang mabilis na pagdaloy ng dugo niya sa bawat ugat na bumubuo sa kanyang puso. 

"Ikaw lang ang magiging laman nito. Kahit sa kabilang buhay pa."

Nakagat ko ang aking labi. 

"Huwag kang magsalita ng ganyan." Nakaramdam ako ng matinding lungkot. Isa siyang mortal. Paano kami magsasama ng matagal kong hindi siya isang kagaya ko. 

Hinaplos naman niya ang aking kaliwang pisngi gamit ang kanyang kanang kamay.

"Mahal kita. Iyan ang tatandaan mo." 

Napatango ako. Hinawakan niya ang aking kanang kamay at bumalik na kami sa silid-aklatan upang tapusin ang naiwan naming trabaho. 

I'M HIS KNIGHT [Zoldic Legacy Book 7]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon