IMK-17

3.2K 127 6
                                    


IMK-17

Kinabig ako ni Shanty sa aking batok at inihiga sa kanyang kama. Ang mga labi pa rin niya'y nakadikit sa aking mga labi. Banayad niya akong hinahagkan habang ako naman ay ingat na ingat na huwag siyang pang gigilan dahil baka'y masugatan ko ang kanyang labi. 

Mabigat ang aking hininga. Sa bawat haplos ng mainit na mga palad ni Shanty ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Isang pakiramdam na maalwan sa katawan at parang dinadala nito ako sa isang mainit na bukal. 

Napasinghap ako nang ang mga labi ni Shanty ay naglandas sa aking leeg, pababa sa aking nakalantad na dibdib. Nahigit ko muli ang aking hininga. Agad na pumasok sa aking isipan ang mga nababasa ko sa libro. Ito yata ang tinatawag nilang pagniniig. 

Habol ko na ang aking hininga nang huminto ang kanyang mga labi sa aking tiyan. Ibinaba niya ang aking bestida, kasunod ang natitirang saplot sa aking katawan. Napasinghap akong muli nang banayad niyang haplusin ang aking mga hita. 

"Shanty..." anas ko. Buong pagnanasa ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Ito naman ang naghubad ng kanyang saplot at dumagan sa akin pagkatapos niyang mahubad ang kanyang mga damit. 

Muli niya akong hinagkan at para bang may isang matigas na bagay siyang unti-unting ipinasok sa akin. Nakagat ko ang aking labi. Dahil pakiramdam ko'y parang may bahagi sa akin ang napunit. 

"Ah..." daing ko nang magsimulang gumalaw si Shanty sa aking ibabaw. Hindi ko maintindihan ang aking sariling katawan. 

Ngayon ko lang naranasan ang ganitong pakiramdam. Nag-iinit ang aking katawan kahit hindi naman talaga ganito ang aking balat. Ngunit sa tuwing hinahaplos ng mga labi ni Shanty ang aking balat ay para akong nakababad sa isang batyang may mainit na tubig. 

Nakagat ko ang aking labi. Muling gumalaw si Shanty sa aking ibabaw at ganoon na lamang ang aking pangamba nang biglang humaba ang aking mga kuko. Agad ko itong ikinubli sa likod ni Shanty. Habol nito ang hininga at patuloy pa rin ang pagbayo sa akin. 

"Ah! Shanty!" anas ko. 

Mas bumilis pa ang kanyang pag-ulos at halos kumapit na ako sa kanyang batok. Ngunit pigil na pigil ako sa aking lakas dahil baka'y mabali ko ang kanyang leeg. 

Napaliyad ako nang unti-unti kong maramdaman ang parang isang bolang namumuo sa aking puson hanggang sa tuluyan itong sumabog. 

"Ugh!" ungol ko kasabay nang pagbabago ng kulay ng aking mga mata. Agad kong tinakpan ang aking mga mata gamit ang aking bisig. Narinig ko rin naman ang pag-ungol ni Shanty at ang pagbagsak ng kanyang katawan sa aking ibabaw. Pawisan siya at habol ang kanyang hininga. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Parang napuno aking aking puson at hindi ko alam kung bakit.

"Cereina..." tawag niya sa akin at akmang tatanggalin ang aking braso ngunit pinigilan ko siya. 

"Huwag. Hayaan mo muna akong ganito," pakiusap ko at mabilis na hinila ang isang unan upang takpan ang aking mukha, lalo na ang aking mga kamay. 

Hindi siya umimik at hinayaan lamang ako. Umalis siya sa aking ibabaw at kinumutan ang aking hubad na katawan. 

"Galit ka ba sa akin?" malungkot nitong ani. 

"Hindi," sagot ko at pilit na pinakakalma ang aking sarili. 

"Cereina, ang iyong buhok..." aniya. Agad akong napabangon. Nagsisimula nang pumuti ang aking buhok. Dali-dali kong pinulot ang aking mga damit. Dali-dali kong isinuot ang aking mga damit habang nakatalikod kay Shanty. 

"Pumikit ka!" utos ko sa kanya. 

"Ngunit..."

"Bilisan mo!" galit kong wika. Nang lingonin ko siya'y nakapikit na ito. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Nagsisimula nang umangat ang aking mga ugat sa balat. Mabilis kong hinagkan si Shanty sa kanyang labi at biglang nawala sa kanyang harapan. 

Diretso ako sa aking opisina at hinanap ang aking inoming dugo na nasa bote. Inubos ko ang lahat ng laman nito at pabagsak na naupo sa aking silya. Habol ko ang aking hininga habang inuusisa ang aking katawan. Unti-unti nang bumabalik sa dati ang kulay ng aking buhok. Naging kalmado ang aking paghinga. 

Mariin akong napapikit. Kahit ang pakikipagniig ko kay Shanty ay nagdudulot din ng matinding panganib. Bakit? Anong mayroon sa kanya at kung bakit nagkakaganito ako?

DAPIT HAPON na at naglalakad na ako pauwi. Nang mangyari ang pagniniig naming dalawa at ang pagbabago ko muli ng anyo ay hindi na ako pumanhik sa kuwarto ni Shanty. Pinilit pa ako ni Madre Irene ngunit umayaw na ako. Hindi naman sa umiiwas ako dahil sa may nangyari sa amin ngunit umiiwas ako sa mga tanong na maari niyang isumbat muli sa akin. Mariin akong napapikit at pinilig ang aking ulo.

 Malapit na ako sa tulay nang biglang may humila sa aking kanang kamay. Napatigil ako sa paghakbang. 

"Shanty!?" gulat kong bulalas nang makita ito. Agad akong napabitiw sa kanyang pagkakahawak sa akin at sinalat ang kanyang noo. Bumaba na ang kanyang lagnat.

"Hindi ka dapat lumabas. Magkakasakit ka ulit kapag pinuwersa mo ang iyong sarili," litanya ko pa sa kanya ngunit wala siyang imik at nakatitig lamang sa akin. 

"Bakit? Tungkol na naman ba ito sa nakita mo kanina?" tanong ko at akma siyang tatalikuran ngunit mabilis niya akong kinabig muli at niyakap ng mahigpit. 

"Hindi. Hindi kita kukulitin o ang magtanong man lang ay hindi ko gagawin. Ayaw kong magalit ka ulit sa akin. Ayaw ko. Kung anuman ang nakita ko at makikita ko pang muli ay babalewalain ko Cereina. Paniniwalaan kita maging sino ka man." 

Bumagsak ang mga luha ko sa aking mga mata. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ito mula sa kanya. Ang pagtanggap na inaasam ko. Hindi man niya alam kung ano ang tunay na ako ngunit isa pa rin itong senyales na kapag nalaman niya ang tunay na pagkatao ko'y tatanggapin niya pa rin ako ng buo. Nang walang halong pag-aalinlangan. 

Niyakap ko siya pabalik. 

Ganito pala kasaya ang umibig at kung paano ka matutunang tanggapin ng taong iyong iniibig. Masaya. 

Kumalas siya sa akin at hinagkan ang aking noo. 

"Hihintayin kita bukas. Ngunit pakiusap mahal ko, ayaw ko na sanang makikita kang lumuluha dahil lamang sa akin. Nasasaktan ako," aniya habang tinutuyo ang aking magkabilang pisngi. Napatango-tango ako. Kinuha naman niya ang aking mga kamay at hinagkan ang likod ng aking mga palad. 

"Umuwi ka na." 

Tumango ako. 

"Magpagaling ka." Siya naman ang tumango. Bumitiw na siya sa akin at humakbang na ako upang tumalikod. Naka isang dipa na ako ng layo mula sa kanya nang siya muli ay aking lingonin. 

Matamis siyang ngumiti sa akin. Nakagat ko ang aking labi at tinakbo ang aming pagitan. Tinalon ko siya at hinagkan sa kanyang mga labi. 

"Salamat," anas ko sa pagitan ng aking halik sa kanya. 

"Mahal na mahal kita Cereina..." aniya at tinugon ang aking halik.


I'M HIS KNIGHT [Zoldic Legacy Book 7]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon