IMK-23

2.7K 104 0
                                    

IMK-23

Ngunit bago pa man niya maibaling sa aking direskyon ang kanyang sulong hawak ay mabilis na kilos ang aking ginawa upang mapatay ang sulo na kanyang hawak. Nabitiwan niya ito nang hindi namamalayan ang ginawa kong pagkilos. 

"Teka... Cereina..." pigil niya pa sa akin at nangangapang bigla sa dilim. Hindi niya makita ang piligid dahil ang mayayabong na dahon ng mga puno ay natatakpan ang liwanag ng buwan kung kaya'y parang bulag siya ngayon at hindi makita ang kanyang paligid. 

"Nandito ako sa iyong likuran Shanty," wika ko dahilan parang humarap siya sa akin habang ang dalawang kamay niya'y iwinawasiwas niya sa ere upang makapa lamang ako. 

Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay. 

Napatigil siya sa kanyang pagkilos at hinawakang mahigpit ang aking kanang kamay na nakahawak din sa kanya. 

"Pinag-alala mo ako Cereina. Bakit nandito ka sa labas, ha?" may himig pa nang pag-aalala ang kanyang boses. 

"Ikaw ang dapat kong tinatanong nang ganyan Shanty. Bakit ka narito? Bakit ka pumasok muli sa lugar namin? Alam mong ipinagbabawal iyon." 

Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. 

"Hindi ako makatulog. Inaalala ko pa rin ang mukha mong lumuluha kanina. Hindi ako mapalagay." Umawang ang aking labi sa kanyang sinabi. Paano ko ba hindi iibigin ang isang kagaya niya gayong labis na napakamatapat nito sa kanyang damdamin. 

"Masiyadong madilim mahal ko. Hindi kita makita. Hindi ko rin mahanap ang aking sulong ginamit kanina." 

"Wala rin akong makita," pagsisinungaling ko. Bumitiw ako sa kanya. 

"Cereina!" gulat niya pang sambit. 

"Nandito lang ako Shanty. Sandali lang," sagot ko at pinunit ang laylayan ng aking damit. Agad kong ipiniring kay Shanty ang isang kapiraso ng tela sa kanyang mga mata. 

"Ano 'to mahal ko?" taka niya pang tanong sa akin. 

"Sundin mo lang ang lahat nang sasabihin ko." 

"Pero..." 

"Ayaw ko lang na mapahamak ka," dagdag ko. 

Hindi na siya umimik pa at nagpakawala lamang ng isang malalim na buntong-hininga. 

Hinawakan ko ang kanyang kamay at kinayag siya papunta sa tagong hardin. Wala siyang imik, maging ako ay ganoon din. Gustuhin ko mang ipaliwanag sa kanya kung bakit kailangan ko siyang piringan ay hindi ko magawa. Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang aking ayos? Duguan ang aking itsura, maging ang aking mga kamay at mukha. Nang tumapat kami sa ilog ay agad kong nakita ang aking replika sa tubig. Binitiwan ko si Shanty at ako'y lumusong sa tubig upang mawala ang mga dugong nakadikit sa aking balat. Hinubad ko rin ang aking damit. Nakatalikod ako kay Shanty. At nang matapos ako sa paghilamos ay ramdam ko naman ang pagtanggal niya sa telang nakatakip sa kanyang mga mata. Bumaling ako sa kanya. 

Dito sa puwesto namin ay makikita na niya ako sa pamamagitan nang liwanag ng buwan. 

"Cereina," anas niya. 

Humarap ako sa kanya at umahon ako sa tubig. 

"Alam mo bang mapanganib ang iyong ginawa? Maari kang mapahamak. Hindi mo alam kung anong lugar ang pinasok mo. Hindi mo alam kung anong posibleng sumalubong sa iyo rito. Paano kung hindi ako dumating? Paano kung wala ako rito?" may himig ng konting galit ang aking mga binitiwang salita at kinuha ang isa ko pang damit na una kong suot kanina. 

Humakbang naman siya palapit sa akin at agad na hinubad ang kanyang tsaketa upang takpan ang aking hubad na katawan. 

"Bakit ba naghuhubad ka habang naliligo? Posibleng may makakita sa iyo rito," aniya kasabay nang pagkulong niya sa akin sa kanyang mga bisig. 

"Walang makakakita rito sa akin Shanty dahil napakatago nang hardin na ito," sagot ko at kumalas sa kanyang yakap. 

"Huwag mong ibahin ang usapan nating dalawa. Mapanganib ang iyong pagparito, hindi mo ba iyon naiintindihan?"

Napabuga naman siya ng hangin.  

"Nag-aalala lamang ako. Tulad na lamang ngayon. Mag-isa ka sa ganito ka liblib na lugar. Sa tingin mo ba'y hahayaan kitang mag-isa."

Marahas akong napabuga ng hangin. Ngunit agad din naman akong natigilan nang makarinig ako ng kaluskos sa paligid. Lalo na ang pamilyar na amoy. 

"Arthyseuos Ynue," anas ko sa kawalan. 

Agad kong hinila si Shanty papunta sa tubig. Nahulog ang tsaketang ibinalot niya sa akin. Diretso ko siyang inilublob sa tubig at ganoon na lang din ang gulat niya dahil sa aking ginawa. Nagpamiglas siya upang makaahon ngunit agad akong sumunod sa ilalim ng tubig at kinabig ang kanyang batok. Hinagkan ko siya upang bigyan siya ng hangin. Nang kumalas ako'y itinapat ko ang aking hintuturo sa aking mga labi upang suminyas sa kanya na huwag maingay. 

"Cereina," tawag sa akin ng aking pinsan. 

Inangat ko nang konti ang aking ulo sa ibabaw ng tubig. Naramdaman ko naman na kumapit sa aking baywang si Shanty. 

"Istorbo ka sa aking pagliliwaliw, mahal kong pinsan. Anong sadya mo?" tanong ko. 

"May kasama ka bang iba?" tanong niya. Mariin akong napalunok. 

"Wala!" agad na tanggi ko. 

Inismiran niya lamang ako. 

"Napadaan lamang ako. Aalis na ako," anito pa. Tumango lamang ako. 

Nang mawala ang aking pinsan ay agad akong bumalik sa ilalim ng tubig at hinila si Shanty. 

Nahigit niya ang kanyang hininga at halos habulin ang kanyang hininga dahil sa matagal na pagkakalublob niya sa ilalim ng tubig. 

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya. 

"Sino ang dumating?" 

"Ang aking pinsan," sagot ko. 

Bigla naman niya akong niyakap. Wala siyang imik habang yapos ako. Nakagat ko ang aking labi. Pakiramdam ko'y parang may bumabagabag sa kanya. 

"Shanty," halos pabulong ko nang sambit. 

"Nagseselos ako." 

Umawang ang aking bibig. 

"Selos? Saan?" 

"Dahil hindi ko nagagawa ang mga nais ko sana. Gusto kitang mapasaya Cereina." 

"Masaya ako." 

Umiling naman siya. 

"Hindi kasing saya noong unang beses kitang makita."

Kumalas ako sa kanyang yakap. 

"Masaya ako Shanty na nakilala kita. Higit pa sa iyong inaakala." 

Ikinulong ko ang kanyang mukha sa aking mga palad. 

"Buong buhay ko, hinangad ko na sana kahit sa sandaling panahon man lang ay makakilala ako nang isang kagaya mo. Nangyari iyon Shanty. Ikaw ang una at huling iibigin ko." 

Kinabig niya ang aking batok at hinagkan nang mariin ang aking mga labi. 

I'M HIS KNIGHT [Zoldic Legacy Book 7]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon