Chapter 4

23.6K 511 40
                                    

Nasa tabi ng maliit na ilog sa loob ng lupain nila si Alyssa. Nakatali sa malapit na puno ang kabayo niyang si Snow. Kulay puti kasi ito kaya iyon ang naisip niyang ipangalan dito. She was throwing rocks into the river. But no matter how much rock she throws, hindi niya mapatigil ang pag-agos ng tubig sa ilog na iyon. 

Napatawa siya sa sarili. Of course, she won't be able to stop it.

"So beyond my control..." she whispered to herself. Just like her life right now. Pakiramdam niya ay isa siyang chess piece na pinaglalaruan ng kanyang mga magulang. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa na gumawa pa rin ang mga ito ng paraan para mapasakanya ang hacienda o malungkot dahil hindi man lang siya kinonsulta ng mga ito sa mga plano nila.

"Tanghaling-tanghali, nagmumukmok ang mahal na prinsesa," sambit ng isang binata sa likod niya. She knew the voice well. It was Thomas.

She turned around and smiled at him. He was a playmate turned friend when she was young. Anak ito ng isa sa mga matagal na nilang trabahador. "Nag-iisip lang."

"Tungkol saan?"

"Naisip mo na ba kung sinong pakakasalan mo?"

Napatawa si Thomas sa tanong niya. "Nako, senyorita. Matagal ko na siyang kilala."

Nagulat siya sa sagot ng kababata. "Thomas, grabe ka! Hindi ka naman nagkwekwento. Sino?"

Nagkibit-balikat ito. "Kahit naman sabihin ko sa'yo, hindi niya ako pakakasalan kahit kailan."

"Bakit naman?" 

"Langit siya. Lupa ako," makahulugang wika ni Thomas na ikinapatawa ni Alyssa.

"Ang drama mo. May hitsura ka naman. Alam mo, magtapat ka na lang sa kanya, kaysa para kang baliw diyan." At binasa niya ito ng tubig galing sa ilog. "Torpe!"

"Aba, senyorita!" Gumanti ito sa kanya at binasa rin siya ng tubig. 

Tatawa-tawa siyang gumanti rin sa binata. 

"Alyssa Katrina!" sigaw ng isang baritonong boses na nagpahinto sa kanilang dalawa. Napatingin sila sa lalaking nagmamay-ari ng boses na iyon. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ng binata sa kanya pero nakatingin kay Thomas ng masama.

"Ahh... Anton, I was just... passing time. Nangabayo lang at napagod kaya tumigil ako dito," sagot ni Alyssa. Halata niya sa mga mata ng binata na gusto nitong patayin ngayon din si Thomas.

"Liblib na lugar dito. Hindi maganda kung may makakakita sa inyong dalawa na kayo lang ang magkasama," saad nito. "At sino ka?" tanong nito kay Thomas.

"T-Thomas po." Nakatungo na ito ngayon at hindi makatingin sa mga mata ni Anton.

"Anton, kaibigan ko si Thomas," pakilala ni Alyssa. Nilapitan niya sa Anton dahil parang gusto na nitong sapakin si Thomas. "N-nadatnan niya lang ako dito."

Inilahad ni Anton ang kamay niya kay Thomas. "I'm Anton. Anton Olivares."

At nanlaki ang mga mata ni Thomas sa nadinig nitong buong pangalan niya. "Ah, k-kamag-anak po kayo ni Senyor at senyorita?"

"Yes, I'm her future husband." At inakbayan ni Anton si Alyssa. She was shocked at his introduction that she couldn't open her mouth to speak or at least defend herself. 

Nagtatanong ang mga mata ni Thomas. Halatang hindi maintindihan ang mga nangyayari.

"I'm a far-off cousin. No incest involved, don't worry," depensa ni Anton.

Nakahinga ng maluwag si Alyssa. Hindi pa siya handang ipaalam sa buong hasyenda na ampon lang siya. Pero sigurado siyang alam na ito ng ibang mga matatagal ng trabahador doon. Pero hindi pa niya yata kakayanin kung pati mga kaibigan at kababata niya ay makakaalam noon.

"I'll bring you home, Alyssa," yaya ni Anton. He held her right arm at hinila siya papalapit sa puno kung saan nakatali ang kabayo nitong si Snow. Nakatali rin doon ang isang itim na kabayo. Malamang iyon ang sinakyan ni Anton.

Thomas also left and went on the other direction. As soon as he was gone, Anton spoke up. "Sa susunod na makita kong nakikipaglandian ka pa sa Thomas na 'yon, ipapatanggal ko ang buong pamilya niya dito sa hacienda," pagbabanta ni Anton.

She looked at him in annoyance. "Ano bang problema mo? Wala kaming ginagawang masama. Matagal ko na siyang kaibigan. Mas may tiwala ako sa kanya kaysa sayo! Naiintindihan mo?"

"Don't test my patience, Alyssa." Seryoso ang mukha nito. "I will fire anyone I want." And he gazed at her top. "At nakikipagbasaan ka pa sa kanya. Look at you! I can see your bra with your wet top! My God! At siguradong nakita rin yan ni Thomas."

"Magkababata kami!" giit niya.

"Tigilan mo ko sa mga dahilan mo. Lalaki pa rin 'yon!" At dali-daling hinubad nito ang long-sleeved polo na suot.

"B-bakit ka naghuhubad?" At patuloy pa rin sa paghuhubad ang binata. And she caught a glimpse of his well-chiseled chest and six pack abs. Dali-dali siyang tumingin sa langit. "Ano na namang trip mo, ha, Anton?" saway niya rito.

Then, he handed her his dry polo. "Isuot mo to. Hubarin mo 'yang polo mo ngayon na. Kung ayaw mong palakarin kita pabalik ng Villa ng naka-bra lang."

"Are you fucking kidding me right now? So ikaw ang nakahubad?"

"Di bale ng ako. Bilisan mo! Tatakpan kita sa likod ng puno." 

She was annoyed and totally pissed off. Pero nakikita niya sa mga mata ni Anton na galit ito at seseryosohin nito ang mga banta nito kung hindi siya makikinig. She went behind the tree to unbutton her top. "Huwag kang maninilip."

"Oh, come on. I've seen almost your entire boobs last night and this morning."

"Fuck you!" mura niya dito.

"I would love to." At kinindatan siya nito. Gone was the angry Anton in a second.

Nagmadali siyang maghubad dahil alam niyang nakatingin si Anton. Pagkatapos ay isinuot niya ang polo nito. It has his scent. So manly and comforting. 

"Sumakay ka na sa kabayo ko. Hahawakan ko na lang ang renda ng kabayo mo," anyaya ni Anton.

"I can ride my own horse. Thank you very much," she said mockingly. 

Bumalik na naman ang kunot sa noo ng binata. "Gusto mong buhatin kita para makasakay sa kabayo ko o aakyat ka ng sarili mo? Mamili ka. Either way, kabayo ko ang gagamitin natin."

Halos mapasigaw na siya sa inis sa binata. "Unbelievable," she hissed and climbed up his horse. 

"Good. You'll learn how to be..." He rode behind her and pulled her closer by her waist. "An obedient girlfriend... and wife, eventually," he whispered in her ear. 

"Wow, sinong nagsabing magpapakasal na ako sayo. Mr. Olivares, wala pa akong sagot."

"That's because I haven't made my proposal yet, Ms. Olivares." And he made the horse start walking.

At bumalik sila sa Villa gamit ang kabayo nito habang hawak hawak din ni Anton ang renda ni Snow. 


***

#PossessiveNaSiya 

HAHAHAHAHAHA Ano favorite nyong landian form?

A. #LandianSaIlog 

B. #LandianSaPuno 

C. #LandianSaKabayo

Comment and vote now!!!!

Back To You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon