Epilogue

24.6K 537 70
                                    

"Aray," sigaw ng isang batang babae. Nasugatan ito sa tuhod ng madapa matapos makipaghabulan sa isang batang lalaki. She fought her tears habang hinahaplos ang sugat. She knows na magagalit ang Mama niya pag nakita iyon. Nagpaawa pa naman siya kanina para makapaglaro sa playground.

A little boy was beside her immediately. "You're so clumsy," kumento nito at tiningnan ang sugat niya.

"This is your fault! I hate you!" sigaw ng batang babae.

"Cara! Cara!" a woman was calling out from behind them.

Napalingon si Cara, ang batang babae. "Mama!" sagot niya sa pagtawag nito.

The woman found them at kaagad silang nilapitan nito. "Cara, what happened to you?" Dinaluhan kagad ng babae ang anak niya.

"Mama, we just played and-" pahikbing wika ni Cara.

The little boy interrupted her. "It was my fault po. I was chasing her. I'm sorry," pag-amin nito.

"What's your name, little boy?" tanong ng Mama ni Cara.

"Andrew or Drew," sagot nito.

"I'm Alyssa, Cara's mom. Halika, gagamutin natin ang sugat ni Cara," anyaya nito. "Nasaan ang mga magulang mo?"

"They're in this hotel as well. We're staying at room 415 po," magalang na sagot nito.

Kinarga ni Alyssa ang anak na si Cara at dali-daling dinala sa hotel room nila. They're currently staying in a nice resort in Boracay dahil naka-leave sa trabaho si Anton. At isinama muna niya sa kwarto nila ang batang si Andrew.

Ginamot niya ang sugat ng anak at pagkatapos ay tumawag sa lobby para ipagtanong ang numero ng taga room 415 para maiuwi si Andrew.

"Ikokonekta na raw tayo sa mga magulang mo, Andrew," magiliw na balita ni Alyssa. "Baka nag-aalala na sila sayo."

"My dad said he'll pick me up in the playground, actually. At exactly 5PM."

Napatingin si Cara sa relo niya. 5:15PM na. Malamang hinahanap na ang bata. "The lobby will give me their contact number in a while. Chinecheck pa lang ang info ng mga magulang mo. Dapat hindi ka nila iniwan."

"Nagpaiwan po ako talaga sa playground," sagot ng bata.

"Bakit naman?" Alyssa asked.

"Because..." And the boy looked at Cara sitting on the couch while blowing at her wound. "Because I like her."

Nanlaki ang mga mata ni Alyssa sa narinig. "Nakakatuwa kang bata ka. How old are you?"

"Six," sagot nito.

"Magkaedad nga kayo ni Cara. Who are your parents?"

Umupo si Andrew sa couch na katapat ni Alyssa habang tinitingnan pa rin si Cara. "My dad is Andrei. My mom is Mhace."

She heard a ring from the phone. "Baka ito na yung lobby." Alyssa answered the phone. And true enough, alalang alala na nga ang mga magulang ni Drew para sa kanya. Papataas na ngayon ang mga ito para sunduin siya.

"They're coming to get you here, Drew," balita ni Alyssa sa bata.

The little boy just smiled. He stood up and sat beside Cara now. Cara instantly looked at him, in annoyance. "Stay away! I don't like you!" sigaw kaagad nito.

"Why is my baby angry?" tanong ng kakapasok lang na si Anton. Nilapitan nito ang asawa at napatingin sa batang lalaking katabi ng anak niya ngayon.

"Nasugatan si Cara habang naglalaro sila," Alyssa explained.

"Oh," sagot ni Anton. "And this little man is?"

Tumayo si Andrew and stared at Anton. "I'm Andrew Lozatin," he bravely answered. "I'm going to marry your daughter po."

Nanlaki ang mga mata nina Anton at Alyssa. Then, he laughed at the little boy. "Oh no, kid. I'm afraid pahihirapan muna kita," Anton said and winked at the little boy.

Back To You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon