Chapter 22

21.8K 416 7
                                    


Kinabukasan ay maagang nagising si Alyssa. Nagbihis kaagad siya upang makapag-agahan sa paboritong spot niya, ang patio nila. Papalabas pa lamang siya ng patio ng makitang naglalagay ng mga pagkain doon si Anton. He was holding a plate of scrambled egg and sausages. May pancakes din sa mesa pati hash brown and bacon. There was a vase with a single rose in the middle of the table.

"Alyssa!" masayang bati nito sa kanya ng makita siya. "Let's eat breakfast?" anyaya nito.

She  looked at him stoically. Nakasuot ito ng apron. Malamang ito ang nagluto ng agahan nila. "Hindi ka na dapat nag-abala. Nandyan naman si Manang Lita," mataray na kumento niya at umupo na.

Umupo na rin ang binata sa tapat niya. 

He actually looks cute in his apron, she thought to herself.

"Pinag-day off ko si Manang Lita. Para naman makapagpahinga siya o makapag-date man lang sila ni Mang Jose," wika nito. "Tyaka para masolo din kita." At ngumiti ito saka nilagyan ng pancakes ang plato niya. 

Hindi niya alam pero may kumakatok na namang mga emosyon sa puso niya dahil sa ginagawa ng binata. 

"Kain na! Siguradong gutom ka na at si baby," alok nito. "You want bacon or sausage? Or both?"

"Bacon, please," sagot niya at tinitigan lang si Anton habang pinagsisilbihan siya nito. 

"Naisip ko sanang mag-date tayo pagka-agahan. I realized na napakatagal na nang huli tayong mag-date. At nakidnap ka pa nung araw na 'yon," pagbibiro nito. "This time, I promise you, wala ng kikidnap sa'yo. At syempre kay baby. I'll protect you with all my heart."

"Wala ako sa mood lumabas," sagot niya. Then she looked up at the sky. Makulimlim. "And look at the weather. Uulan din mamaya."

He looked up at the sky and saw how dark the clouds were. "Okay, then let's have a movie marathon after? Netflix and chill?" At kinindatan siya nito.

Hindi na lang niya iyon pinansin at nagsimula ng kumain ng agahan. Nasarapan naman siya sa luto nito pero hindi niya pinuri ang binata. Alam niyang nagpapasikat ito sa kanya ngayon dahil nililigawan siya nito muli. Hanga siya sa determinasyon nitong makuhi muli ang tiwala niya.

Pagkakain nila ng agahan ay si Anton ang nagligpit ng pinagkainan nila. Pinataas na siya nito sa kwarto niya. Pinadala din ni Anton ang laptop niya. May Netflix account ito at ikakabit na lang daw niya sa TV niya para malaki ang screen nila. 

She was on her bed scanning through some romantic comedies. Iyon ang genre na gusto niya. Wala siyang pakialam kung ma-boring-an si Anton basta ito ang gusto niyang panuorin. She already has three movies to watch: Sex and the City, How To Lose A Guy in 10 Days and Sweet Home Alabama. She has watched them all pero gusto niya ulit mapanuod lahat ng 'yon.

Saktong nakapili na siya ng papanuorin ng dumating si Anton.

"Here are the movies I wanna watch," sabi niya at ipinakita iyon kay Anton.

Kumunot ang noo ng binata. "Babe, lahat to romcom."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit? May angal ka ba? Eh di manuod ka mag-isa."

Ngumiti ito bigla sa kanya. "Ikaw naman, hindi na mabiro." Ikinabit na nito ang laptop sa TV para  makapagsimula na silang manuod. He closed her windows and curtains para mas dumilim sa kwarto. Then, they both sat on the bed para simulan na ang panunuod. Inuna nila ang Sweet Home Alabama. 

Tahimik lamang si Alyssa habang nanunuod. Ganoon din naman si Anton. Pareho silang nakasandal sa headboard ng kama.

In the midst of the movie, he felt his arm snaking around her waist. Hindi niya ito pinigilan. Nang maramdaman ng binatang hindi siya tumututol, he snuggled up closer to her and hugged her. 

Back To You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon