Hi, guys! Working on a new project. Hope you'll support me on this one. ;) Vote and comment naaa! or subcribe for daily story updates from me. :D
***
Alyssa was busy staring out the window of her late Papa's study room. Nasa third floor ito ng villa nila at tanaw mula roon ang nagtatayugang puno ng mangga na hitik na hitik sa bunga. Kasalukuyang pinipitas ng mga trabahador nila ang mga kulay gintong prutas para ipagbenta sa nalalapit na pista sa bayan. Kakalibing lamang ng kanyang mga magulang ng nakaraang linggo ngunit kailangang ipagpatuloy ang buhay ng Hacienda Olivares.
And she is proud to have graduated with a degree in Management sa US dahil makakatulong ito sa pagpapatakbo niya sa naiwang ari-arian ng mga magulang niya. She is already twenty-four after all at panahon na para pangasiwaan niya ang buong lupain nila. Her Papa never forced her to work ever. Itinuring siya nitong tunay na prinsesa. Pagka-graduate niya sa US ay apat na taon siyang namahinga kung saan hinayaan siya nitong mag-travel sa iba-ibang bansa kasama ang mga kaibigan nito. Panahon na siguro para magseryoso siya sa buhay ngayon.
Isang katok ang nakapagpabalik sa isip niya sa hinaharap. She quickly moved to the door and opened it for her visitor - the lawyer of her parents bearing their last will and testament.
"Condolences again, Alyssa," seryosong bati nito.
She smiled and guided the lawyer to the table in the middle of the big room. "Tito, maupo muna kayo. Nagpadala na ako ng meryenda kay Manang Lita."
Paboritong tambayan ng Papa niya ang study room na ito dahil mahilig itong magbasa. At makikita sa paligid ng buong kwarto ang mga nagtatayugang shelves na puno ng mga libro. Oh, how she wished he was still alive at hindi niya kailangang marinig ang last will nito ngayon!
"Salamat, hija." Binuksan nito ang dalang attached case at kinuha ang isang brown envelope doon.
Alam na naman niya kung anong nakasulat doon. Nag-iisa siyang anak ng mga magulang niya kaya tiyak na ipapaalam lamang ng Tito Alberto niya na sa kanya mapupunta lahat ng ari-arian ng mga magulang. Wala siyang nakagisnang kapatid o pinsan na Olivares dahil nag-iisang anak ang Papa niya. Ang lolo din niya ay nag-iisang anak. Kung kaya't wala siyang masyadong kilalang kamag-anak sa side ng Papa niya.
"Let's get this over with, Tito. I know busy kayong tao. Narinig kong may kaso na naman kayong ihahandle sa susunod na linggo."
Tumango ang abogado ngunit bakas sa mukha nito ang pag-aalala habang binubuksan ang envelope.
"Hija, gusto ko lang malaman mo na ginawa ng mga magulang mo ang last will na ito habang iniisip ang kapakanan mo."
Tumango siya. "Yes, of course. I know how much they love me."
Huminga ng malalim ang abogado at nagsimulang magbasa. "I, Geronimo Olivares of Hacienda Olivares, revoke all former wills and testamentary dispositions heretofore made by me and declare this to be my last Will. I appoint my good friend and lawyer Alberto Sy to be co-executor of my Will." Tumingin kay Alyssa ang abogado, nakikiramdam sa lagay ng emosyon ng dalaga.
"Go on, please, Tito Alberto."
"Specific Cash Legacies. I direct all banks holding cash under my name to execute payment on the following legacies: P1,000,000 to my housekeeper Lita Joson; P1,000,000 to my personal driver Jose Joson and all the rest of my cash legacies to my only daughter Alyssa Katrina Olivares currently amounting to P65,670,097."
She gasped. Hindi niya akalaing may ganoon kalaking pera ang mga magulang niya. Ang tanging alam niyang ipinagmamalaki ng mga ito ay ang hacienda.
BINABASA MO ANG
Back To You [Completed]
Roman d'amourAlyssa Olivares always gets what she wants. She's a spoiled, rich brat. But reality hit her hard when her parents died from an airplane crash. Then, she meets Anton Alissandro Olivares, the next owner of her parents' prized property Hacienda Olivar...