Chapter 23

21.2K 454 8
                                    

The storm was pouring down heavily. Rinig na rinig ang kulog at kidlat sa buong kabahayan. Alyssa was sitting at the receiving area sa second floor. She was huddled on the corner of the huge, brown couch habang nakabalot ng kumot. Bukas ang telebisyon sa receiving area habang nanunuod siya ng balita.

Pero hindi nagre-register sa utak niya anuman ang nakikita niya mula sa TV. It was 5PM. Halos limang oras na ang nakakaraan simula ng malaman niyang nakasama ang pickup ni Anton sa mga natabunan ng lupa at nabagsakan ng mga puno.

According to the news, there were ten other men with him na nasa ilalim ng lupa.

Kasalukuyan ngayong hinahanap ang mga ito ng rescue operators, looking for bodies. And right now, dahil sa lakas pa rin ng ulan ay mabagal ang progress ng mga ito. Apat pa lang ang nahahanap, three of them dead nang makita sa ilalim ng lupa.

She was crying silently to herself. Napakagmapagbiro ng tadhana. She was finally allowing herself to trust him again. For the past days, nakita niya sa mga mata nito kung gaano ito nasaktan sa paghihiwalay nila and how he was very determined to win her back at whatever cost.

Sinayang lang niya lahat. Because of her unforgiving heart, narito siya ngayon sa sitwasyon na ito. Ni hindi man lang niya naiparamdam sa asawa na mahal niya ito... She was vile and selfish...

"Hija, uminom ka munang gatas para mainitan ang tiyan mo. Hindi ka pa kumakain ng ano simula kanina. Ang baby, Alyssa," paalala ni Manang Lita habang inaabot sa kanya ang isang mainit na baso ng gatas.

"S-salamat..."

Manang sat beside her on the couch at inayos ang nakabalot na kumot sa katawan niya.

"Manang, am I a bad person for not forgiving?" seryosong tanong niya sa matanda..

"Alyssa... Hindi kita kukunsintihin. Pero mas magiging malaya ang puso mo at mas magiging magaan ang buhay kung patatawarin mo ang mga nagkasala sa'yo. Kung si Anton ang iniisip mo ngayon, huwag kang mag-alala. M-makakalabas ng buhay sa trahedyang ito ang asawa mo..." bulong nito sa kanya.

Tumango siya at yumakap sa ina-inahan. "Sana nga po... I was so selfish, Manang..." she sobbed on her chest.

Inalo naman siya nito by stroking her long, black hair. "Hija, alam kong lalaban ang asawa mo para mabuhay. Para sa inyo ng baby. Kaya kung ako sa'yo, inumin mo na ang gatas mo at nagugutom na 'yang anak mo. Baka magalit si Anton kapag hindi mo inalagaan ang sarili mo at ang anak 'nyo. At kapag nakabalik na siya, huwag mo ng itaboy, Alyssa. Patawarin mo na siya. Kung anumang nagawa niya dati, nagawa niya iyon para protektahan ka. Dahil ayaw ka niyang masaktan."

Tatango-tango siya sa sinabi ng ginang. Inubos niya ang laman ng gatas at iniabot iyon sa matanda.

Paalis na ang matanda ng tawagin niya muli ito. "Manang..."

Nilingon siya ng matanda.

"Manang, pwede po bang hanapin ninyo ang numero kung saan pwede kung tawagan ang... ang pinagdalhan kina Alejandro at Jeremy."

Nagulat si Manang Lita sa tinuran ni Alyssa. "S-Sigurado ka ba, hija?"

Tumango siya, determined this time. "Gusto ko po silang makausap."

"Sige... May magagawa ako. Sandali lang." At dali-dali itong bumaba.


***


She was looking at their landline phone sa tabi ng couch na inuupuan niya. Manang was able to find the number of the correctional facility where Alejandro and Jeremy were brought. Gusto niyang makausap ang mga ito. Gusto niyang maintindihan ang mga ginawa ng mga ito. But most of all, she wanted to forgive them.

Back To You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon