Chapter 6

22.8K 489 7
                                    


Si Mang Topasyo ang namamahala sa mga pag-aani sa hacienda. Kaya ito ang kinakausap ni Alyssa nitong mga nakaraang araw. Gusto na niyang matutunan ang pasikot-sikot ng pagpapatakbo sa lupain nila para mapangasiwaan niya itong mabuti balang araw. Pinaghirapan itong palaguin ng ama niya kaya gagawin niya ang lahat para mas mapabuti pa ang hacienda.

Dalawang araw ng wala si Anton. Dalawang araw na rin niyang hindi ito nakakausap. Akala niya ay tatawagan siya nito ngunit wala siyang natanggap ni isang text message mula dito. Hindi niya alam bakit naiinis siya sa isiping  iyon. 

Pero imbes na magmukmok, naki-usyoso na lang siya sa pag-aani ng mga natitirang mangga sa manggahan. Nagpatulong siya kay Thomas sa pag-akyat sa mga punong nandoon. Nakilala rin niya ang iba pang mga trabahador doon. Sina Elmo, Jaime at Tonyo. Nakilala rin niya ang asawa ni Jaime na si Melissa. Magaling itong magluto at ito ang nagluluto ng pananghalian ng mga lalaking nag-aani. Mas napalapit siya sa mga tauhan niya sa loob ng dalawang araw na 'yon.

Nasa ilalim siya ng puno ng mangga at tinutulungan si Melissa na mag-ayos ng pinagkainan ng mga mag-aani. 

"Ang ganda po ng singsing, Senyorita. Congratulations po!" bati nito sa kanya.

"S-salamat." Hindi niya alam kung dapat ba siyang i-congratulate considering the fact that she was just forced to marry him. In fact, even up to now, hindi pa siya sigurado kung magpapakasal nga siya sa binata. According to Attorney Alberto, the stipulated clause should be fulfilled within six months. So may ilang buwan pa siya para mag-isip. Pero hindi niya maintindihan bakit suot-suot na niya kaagad ang singsing na iyon.

"Balita ko po isang Olivares din ang mapapangasawa ninyo. Ang galing naman po!"

"Oo nga," tipid na sagot niya. 

"Nasaan po siya?"

"Nasa Maynila. Inaasikaso 'yong mga negosyo niya doon."

"Ahh, balita ko po sobrang gwapo daw ni Senyor Anton. Siguro habulin din siya ng mga chicks, 'no?" biro ni Melissa.

Napatingin lang siya dito. Hindi niya alam ang isasagot. Hindi naman kasi sila masyadong magkakilala pa ni Anton para malaman niya ang personal na buhay nito. Kung babaero ba ito o hindi. But the thought of him being surrounded by other women kinda infuriates her now. What if busy ito sa ibang babae ngayong nasa Maynila ito? Kaya siguro hindi ito tumatawag sa kanya ngayon.

"B-biro lang po, Senyorita." 

Tumango lang siya. "Papasok muna akong bahay, Melissa." At naglakad na pabalik ng Villa. Kailangan naman niya ngayong kamustahin ang kusina nila kung nakahanda na ba si Manang Lita para sa pista bukas. Naglalakad siya sa may masukal na bahagi ng manggahan dahil shortcut ito. Bata pa lang siya ay dumadaan na siya dito kahit na pinagbabawalan siya ng Papa niya. Delikado daw kasi. Pero sa tinagal tagal na niyang dumadaan doon, wala namang nangyayaring masama sa kanya.

But perhaps, today was just not her lucky day. Malapit na siya sa bahay ng mapansin ang isang gumagapang na hayop malapit sa paanan niya. Isang ahas. Mataas kasi ang damo sa bahaging ito ng manggahan.

Napatigil siya sa kinatatayuan. Hindi niya alam ang gagawin. Nagpalinga-linga siya ngunit walang ibang tao. Malapit na ang ahas sa paa niya. Nakabestida pa naman siya at sandals kaya exposed ang ibabang binti niya. 

Kaya imbes na makinig sa utak niya na wag gagalaw, kumaripas siya ng takbo at naabutan siya ng ahas na siyang tumuklaw sa kanya. Napasigaw siya sa sakit. At  doon naalerto ang mga trabahador na malapit sa kinaroroonan niya.

Agad siyang dinaluhan ng mga ito at pinatay ang ahas na malapit sa kanya. But it was too late, nakagat siya sa kanang paa. Dali-dali siyang pinangko ni Thomas hanggang sa nawalan siya ng malay.

Back To You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon