Kakagising lang ni Alyssa. Sinubukan niyang tumayo pero masakit pa rin talaga ang paa niya kaya paika-ika siyang naglakad sa banyo para maligo at mag-ayos. Today is the feast. Siguradong abala na si Manang Lita sa pag-aayos sa baba at ayaw niyang hindi masaksihan ang pista.
This is her mom's favorite tradition in the hacienda. Maraming pagkain at nagsasaya ang buong kabahayan nila. Imbitado ang lahat ng mga trabahador na makikain sa hapag nila. She has to be there.
As soon as she got on another of her vintage dresses in lemon-print, she went out of her room. Trying her best to not put too much pressure on her right foot.
Pababa na siya sa hagdan papuntang grand sala ng makita ang ilang mga trabahador na tinutulungan si Mang Jose na magdala ng mga silya sa may patio kung saan ihahain ang mga pagkain.
"Magandang umaga, senyorita!" bati sa kanya ng mga ito.
Tumaas ng hagdan kaagad si Thomas para alalayan siya. "Senyorita, hindi pa kayo masyadong magaling. Dapat hindi pa kayo naglalakad."
"Ayos lang ako. Gusto ko lang sanang makita 'yong pag-aayos."
Tinulungan siya ni Thomas na bumaba sa hagdan. "Patapos na po. Dadaan dito ang banda ng mga musikero mamayang panaghalian para simulan ang kasiyahan."
Napangiti siya sa narinig. Even as a young girl, natutuwa siya sa mga musikerong palagiang hina-hire ng Papa niya. Magkakaroon ng salu-salo sa labas habang nagsasayawan ang iba. "Mabuti naman kung ganoon."
"Hija, gising ka na! Gusto mo bang ipaghain kita ng agahan?" si Manang Lita.
"Huwag na po. Hindi po ako gutom." Nginitian niya ito at tuloy-tuloy na lumabas sa may patio. Gusto niyang i-check kung naayos na ang mahabang mesang gagamitin sa paghahain mamaya. Alas nueve na at malapit ng magtanghalian.
Nagulat siya ng makitang nandoon si Anton. At napapaligiran ito ng mga kababaihan na tumatawa marahil sa ikinekwento ng binata.
Nagpanting ang tenga niya sa nakita. Mukhang enjoy na enjoy ang binata sa atensyong ibinibigay sa kanya ng mga probinsyanang ito. Lumabas siya ng paika-ika para kunin ang atensyon ng isa sa mga babaeng nandoon.
"Laura, maayos na ba ang lahat para sa lunch mamaya?"
"Senyorita!" bati nito. Naramdaman ni Alyssa na napatingin din si Anton sa pagdating niya. "Malapit na pong matapos ang pagluluto. Maghahain na po kami ng mga bandang alas-onse."
Tumango siya. "Kung ganon, bakit pa kayo nandito? Maayos na naman ang lamesa. Pero iniwan niyo ang mga niluluto ninyo?" mataray na tanong niya.
"Pasensya na po, Senyorita," sagot ng isa sa kanila. At nagsimula na ang mga itong umalis. Kung kaya't naiwan silang dalawa ni Anton.
"You know, for your people to care for you and listen to you, you should be a bit nicer to them," kumento ni Anton.
Tinitigan niya ito ng masama. At may gana pa itong punahin niya matapos nitong makipaglandian sa mga babaeng 'yon. "I don't care about your opinion, Mr. Olivares."
"You are such a brat and are reinforcing what everyone here has in their minds - that you are the spoiled daughter of Senyor Geronimo. Do you know they say that about you?" tanong nito.
Alam niya iyon. Matagal na. "Yes, in fact, I do. But I don't care at all. I do as I see fit."
"You see, that's where you're wrong. And that's why you can't handle Hacienda Olivares on your own. You can't make people follow you out of fear. If you want them to work for you wholeheartedly, you need to show them your heart."
BINABASA MO ANG
Back To You [Completed]
RomanceAlyssa Olivares always gets what she wants. She's a spoiled, rich brat. But reality hit her hard when her parents died from an airplane crash. Then, she meets Anton Alissandro Olivares, the next owner of her parents' prized property Hacienda Olivar...