Alas siete na ng marating ni Anton ang mataas na gate kung saan nagsisimula ang Hacienda Olivares. The gates were opened by the guards ng makitang siya ang sakay sa sports car. Nagpasalamat siya sa mga gwardya at nagdrive na papasok sa malapad na lupaing iyon.
It had been three months since he's seen the entire place. Madilim na pero kitang-kita pa rin niya ang kagandahan niyon. Isang mahabang driveway ang dinaanan niya before he saw Villa Olivares welcome him. The house was still a sight to see, his ancestors' house and now his and Alyssa's.
When he reached the driveway before the double doors made with narra, he turned off the ignition and breathed deeply. Inihanda niya ang sarili para sa muling paghaharap nila ni Alyssa.
Inabot niya ang bouquet ng bulaklak sa likod ng sasakyan niya. Saktong nagbukas ang pinto at lumabas doon si Manang Lita.
He got out of the car and greeted the old woman. "Magandang gabi po."
"Welcome back, Senyor Anton. Kamusta po ang lakad ninyo sa kabilang bayan?"
"Maayos naman ho," pagsisinungaling niya.
"Pasok po kayo. Nakahanda na ang hapunan. Baka po pagod na kayo."
He entered the house and was greeted by the chandelier illuminating the big portrait of Don Geronimo Olivares and Andrea Olivares na nakasabit sa gitna ng grand sala. It never ceases to amaze him. Kitang-kita sa mata ng dalawa ang pagmamahal ng mga ito para sa isa't isa. He hopes he can get a portrait like that with Alyssa. Someday.
"Si Alyssa po?" tanong niya.
"Nasa kusina. Kakatapos lang magluto ng hapunan," nakangiting sagot ni Manang. "Halika na."
***
Kinakabahan talaga si Alyssa. Bakit ganon ang puso niya? Parang hindi mapakali dahil darating ang crush niya. "Ugh!" she groaned in frustration.
Kaka-set lang niya ng table. Nakahanda na ang niluto niyang adobo at calderetang baboy. Naghanda rin siya ng gulay at dessert. Hindi niya alam kung bakit ng malaman niyang darating ang binata ay bigla niyang naisipang ipaghanda ito ng pagkain.
Siguro kasi ang tagal mo nang na-neglect ang asawa mo... , bulong ng isip niya. Tatlong buwan nga niya itong hindi pinansin o inalagaan. Napakawalang kwentang asawa niya.
She removed her apron at naghugas ng kamay. Narinig niyang may mga paparating. She turned around to see.
And there he was.
"Anton...," she mindlessly said.
He was still as handsome as ever. His eyes were still the blackest pair of orbs she's ever seen. At nalulunod na naman siya sa mga mata nito. He walked towards her and gave her a bouquet.
"Hi, Alyssa," bati nito and kissed her cheeks. "How have you been?"
She was still rooted to her place while holding the bouquet of red roses he gave her. "F-fine. I've been... fine. Ikaw?"
"Okay lang," tipid na sagot nito.
To ease the tension, naglakad na siya papalabas ng kusina to the dining room. Napansin niyang walang katao-tao. Mukhang pinagtataguan siya ni Manang Lita. "Let's eat? Tatawagin ko lang sina Manang."
"She left," wika ni Anton. "Kakain daw siya kasabay nina Mang Jose at ng ibang mga trabahador sa may manggahan."
"Ow," she exclaimed. Manang Lita was very sly. Talagang iniwan silang dalawa. "Okay, sit down."
Naupo silang pareho sa magkatapat na silya.
"Do you cook now?" tanong ni Anton, probably to ease the tension in the air.
BINABASA MO ANG
Back To You [Completed]
RomanceAlyssa Olivares always gets what she wants. She's a spoiled, rich brat. But reality hit her hard when her parents died from an airplane crash. Then, she meets Anton Alissandro Olivares, the next owner of her parents' prized property Hacienda Olivar...
![Back To You [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/141625682-64-k145683.jpg)