"Hay nako, senyorita. Hindi kayo dapat nandito. Baka masugatan kayo dito. Nakakahiya naman po!" biro ni Mang Topasyo kay Alyssa. Kasalukuyan siyang nasa gitna ng niyugan nila at tumutulong siya sa pagbibilang ng mga nakuhang buko bago isakay sa truck.
"Ako na po diyan, senyorita," si Thomas, isa sa mga kaibigan niyang trabahador at inagaw ang ballpen at notebook sa kanya. "Baka mamaya masugatan ka pa diyan sa mga buko. Umiyak ka pa!"
"Ang kapal mo! Hindi ako iyakin," tatawa-tawang sagot niya. "At hindi ako tanga para masugatan habang nagbibilang."
Iiling-iling na lang si Thomas. "Alam mo, mabilis kang masugatan kahit nung mga bata pa lang tayo. Kaya huwag ka ng tumanggi. Ako na dito. Doon ka na sa kubo. Mainit pa ang araw at masama sa balat."
Napangiti na lang siya sa binata at tinungo ang maliit na kubol kung saan mayroong tubig at mga kakaning nakahanda para sa meryenda ng mga tauhan niya. Alas-tres na kasi ng hapon.
Inabutan siya ni Melissa ng isang basong tubig. "Salamat, Melissa."
"Walang anuman, senyorita." At naglagay ito ng suman sa isang platito. "Suman po."
Tumango siya at tinanggap ang platito. Tinikman niya ang kakanin at napangiti. "Ang sarap mo talagang magluto, Melissa!"
"Hay nako, senyorita. Pinaglilihian nyo yata yang kakanin ko. Lahat na lang yata ng lutuin kong kakanin, masarap para sa inyo."
"Masarap naman kasi talaga."
"Kamusta na po kayo? Dumuduwal pa ba kayo sa umaga?"
Napaisip siya. "Alam mo, tumigil na siya ilang araw na ang nakakaraan."
"Unang trimester lang naman po kasi yung mga morning sickness na 'yan. Naka-tatlong buwan na naman po. Pero sexy pa rin kayo! Ang daya naman ng kapalaran!"
Napatawa siya sa sinabi ni Melissa. "Hay nako, Melissa. Naka-maluwag na T shirt lang ako kaya siguro hindi halata. Pero nasisiguro ko sayo may bukol na 'tong tiyan ko. Lalo na't kain ako ng kain ng mga kakanin mo." At nagkatawanan silang dalawa.
Three months have passed quickly. Nanumbalik ang saya sa mga mata ni Alyssa. Simula ng pangasiwaan niya ang hacienda ay tuluyang napalapit na sa mga tauhan nila ang loob niya. Nawala na sa isip ng mga ito ang dating imahe sa kanya na spoiled brat. She was now that caring senyorita. And Melissa became a close friend of hers through that short amount of time dahil ina na rin ito.
"Hindi pa po ba uuwi si Senyor Anton? Ang tagal na niyang hindi nalalagi dito. Simula po yata ng umuwi kayo sa Maynila ay hindi na tumuntong dito ang asawa ninyo," puna ni Melissa. Wala sa mga trabahador ang nakakaalam sa current setup nila ni Anton na bawal magkita.
He promised to stay away from her, because it's what she wanted. Pero hindi naman niya ito pinagbawalang dumalaw sa hacienda at icheck ang lupain. Pero may tiwala nga yata sa kanya ang binata dahil hinayaan nitong siya ang magpatakbo sa buong Hacienda Olivares in his place. They would communicate via email as promised but everything was strictly business. Puro mga pagpapa-approve sa mga desisyon at kung ano-ano pang issue na may kaugnayan sa hacienda lang. Nothing more, nothing less.
"He's still busy kasi mag-eexpand ng branches si Anton para sa mga restaurants niya," dahilan ni Alyssa. It was true na may expansion plans si Anton pero hindi naman talagang ito ang dahilan kung bakit hindi ito tumutuntong sa hacienda.
"Pero sigurado akong excited na si Senyor na lumabas ang baby ninyo, ano?"
That struck a cord in her heart. Ngumiti na lang siya kay Melissa and remembered the talk she had with Polly three months ago...
"Polly, please, don't tell anyone," she begged of her. "Not even Anton."
Polly's eyes were still dilated sa tamang hula nito. She knows her best friend never says no to wine. Iyon ang unang pagkakataong umayaw ito sa napakasarap na wine sa harapan nito.
"Nalaman ko lang kahapon sa ospital. When Anton left my room yesterday, saktong dumating ang isang nurse to talk to me about my physical exam results. Nalaman kong buntis ako. But Polly, I just can't tell Anton right now... I don't want to..."
"You are insane, Alyssa Katrina! You have to tell Anton!" she said in a low voice to keep anyone from hearing.
"I can't... Not now. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya... Heck, I'm not even prepared to have a child."
"So anong balak mo? Itatago mo sa kanya ang anak niya?"
She remained quiet.
"Malalaman at malalaman ni Anton ang katotohanan. May pakpak ang balita. Lalaki ang tiyan mo, Alyssa."
"I just need time. Sasabihin ko rin naman sa kanya. But not now... I don't want to face him or be with him in any way..."
Halata sa mukha ni Polly ang pagtutol pero tumango na rin ito kapagkuwan. "Okay fine. But tell Anton when you're ready or he will hate you, Alyssa. I swear."
Pagkatapos magmeryenda sa kubo ay bumalik na sa kabahayan si Alyssa para maghanda ng hapunan. Simula ng magbalik siya sa hacienda ay nagpapaturo na siyang magluto kay Manang Lita.
Kahit na nakuha na nina Manang Lita at Mang Jose ang ipinangakong pamana ng ama niya, nanatili pa rin ang mag-asawa sa tabi niya. Sinabi nilang itatabi na lang ang pera para sa mga anak nilang ngayon ay nasa Maynila at nagkokolehiyo.
"Manang Lita!" bati niya sa matanda ng makitang nasa kusina na ito at nag-titimpla ng manok.
"Nandyan ka na pala. Ipinatawag pa naman kita kay Jaime." May pag-aalala sa mukha nito.
"Bakit ho? Hindi ko nakasalubong si Jaime. Baka nagkasalisi kaming dalawa." Dumampot siya ng apron at isinuot iyon.
"Darating ang asawa mo ngayong gabi."
Kinabahan bigla si Alyssa sa narinig.
"May inasikaso daw ito sa karatig bayan at dito siya magpapalipas ng gabi."
"Ganoon po ba?" she whispered. Sinikap niyang patatagin ang sarili. Three months na ang nakakaraan. Ngunit kaya na ba niyang pakiharapan ito at patawarin?
"Hija, hindi pa halata ang bata sa sinapupunan mo. Alam kong kaya mo pang itago sa kanya ang katotohanan. Pero mas maganda kung-"
"Hindi pa rin ako handang sabihin sa kanya, Manang. Pasensya na. Magluto na po tayo. Pakikiharapan ko siya bilang bisita sa bahay ko. Nothing more." At kumuha siya ng kutsilyo para simulang gayatin ang natimplang manok.
****
Anton was driving through the expressway going to Pangasinan. Kakatawag lamang niya kay Manang Lita na doon siya matutulog ngayong gabi. He had to make up an alibi na may ginawa siya at a town near Hacienda Olivares para hindi magmukhang sinadya niya talagang puntahan ang hacienda.
He had so many times tried to stop himself from seeing her. Pero hindi siya nagwagi sa sarili niya ngayon. He missed her so bad... so damn bad na ngayon ay halos paliparin na niya ang sasakyan para lang makarating sa hacienda kaagad.
Those business e-mails sent back and forth were their only form of communication. And it kills him to reply to her and not be able to ask how she is or tell her he loves her.
Sa palagay naman niya ay sapat na ang binigay niyang tatlong buwan sa asawa para makapag-isip. Babawiin na niya ngayon ito. Gagawin niya ang lahat para mapatawad siya nito. Even if it means going to hell and back.
***
Ayan, dapat talaga lalaki ang nanunuyo after ng away. But where to find such a man with balls to say sorry and win u back???? 🙂🙄😒
Oh well, magVOTE na lang kayo. Baka may mapala pa ako sa VOTE nyo kesa sa paghihintay sa lalaking hindi na nageexist.
#BitterAuthor
#WalangBoyfriendSiAuthor
#HanapNyoKoBoyfriendPlease
BINABASA MO ANG
Back To You [Completed]
RomanceAlyssa Olivares always gets what she wants. She's a spoiled, rich brat. But reality hit her hard when her parents died from an airplane crash. Then, she meets Anton Alissandro Olivares, the next owner of her parents' prized property Hacienda Olivar...