"KATE," Malakas na boses ng kanyang mama. Tinatawag siya nito mula sa baba. Nasa ikalawang palapag ng bahay ang kuwarto ni Kate. Kung kaya ay kailangan pa ng mama niya na lakasan ang pagtawag sa kanyang pangalan.
Nag-aayos siya ng kanyang sarili nang sandaling iyon. ” Bilisan mo na riyan at bumaba ka na dito, ” narinig niya na sabi pa ng mama niya sa malakas pa rin na boses nito.
" Opo, pababa na po ako,Mama. " sagot naman ni Kate. Habang mabilisan niyang sinusuot ang kanyang mga damit. Simpleng blouse at medyo may kaluwagan na palda ang kanyang suot. Nang matapos na siya ay kinuha niya agad ang kanyang maliit na shoulder bag . At saka sinukbit niyon sa kanyang balikat. Saglit pa siyang dumaan sa harap ng salamin upang saglit din pasadahan ng tingin ang kanyang sarili. Pagkatapos niyon ay tuloy-tuloy na siya bumaba at dumiretso sa sala. Kung saan ay naghihintay mula pa kanina sa kanya ang kanyang Mama Marla at ang boyfriend niyang si Ritchard.
Nang makalapit na siya sa mga ito ay kaagad niyang binati. ” Good morning Mama, ” nakangiting bati niya rito at saka lumapit dito para halikan sa pisngi ang mama niya.
Pagkatapos kay Ritchard naman siya lumapit para halikan din ito sa pisngi. ” Good morning, Honey, ” aniya nakangiti rito.
" Good morning , Hon. " ningitian siya nito at saka niyakap. " Are you ready? " tanong pa ni Ritchard ng nilayo na ang sarili nito sa kanya.
Baliwala lang naman iyon sa mama niya ang yakapan na ginawa nilang magkasintahan. Palibhasa kasi botong-boto ang Mama niya rito sa binata. Kaya okay lang kahit ganun ang ginawa nilang magkasintahan.
"Yeah, I’m ready," sagot naman ni Kate.
"Nasa kotse na ang Traveling bag na dadalhin mo, Hon." Saad ni Ritchard.
"Thank you, Hon," nakangiting pasalamat dito. Siya na ang pinaka masuwerte na babae sa buong mundo. Dahil sa binigyan siya ni God ng mapagmahal na boyfriend. Hindi lang iyon isa rin itong maalagain para sa kanya. Sa tuwing sila ay magkasama tila isa siyang babay kung itrato nito.
"Start ko muna ang engine ng kotse, Hon," paalam ni Ritchard..Kinuha niya ang susi ng kotse at saka lumabas na roon sa labas upang i-start na ang makina ng sasakyan ng sa ganun ay maging mainit ito.
"Kate, pagnandoon ka na sa bagong iskuwelahan at bagong dorm mo. Doble ingat ang gagawin mo roon, hah. Huwag ka basta-basta magtiwala agad kahit kanino man," sunod-sunod na paalaala sa kanya ng mama niya. At paulit-ulit pa iyon. Paano naman kasi mula pa nagdaang gabi ang paalaala nito sa kanya. Kung puwede lamang ay ginawa niya nang i-record ang boses ng kanyang ina. Sa ganun ay hindi na ito mahirapan sa paulit-ulit na pag-remind. At lalo na ang mga do and don’t ang mga kailangan niyang gawin .
"Opo, mag-iingat po ako doon. Huwag po kayo masyado mag-alaala Mama. Big girl na po ako at kayang-kaya ko na po alagaan at protiktahan ang sarili ko," tugon niya rito sa kanyang Mama. Inihanda na rin nito ang mga mangilan-ilan pang mga gamit niya upang dalhin sa pupuntahan niyang bagong iskuwelahan.
NASA second year college na si Kate. Dahil sa pangarap niyang makapag-aral sa paaralan ng Saint Braint University ay kumuha siya ng entrance exam. Likas na talaga siyang matalino kaya pinalad naman siyang makapasa sa exam na iyon. Her dreams come true. Na makapag-aral sa sikat na university.
Halos tatlong oras din ang kailangan nilang ilaan na oras sa pagbyahe patungo sa lungsod ng Binan Laguna. Mula Tanawan Batangas .Dito kasi ang paaralan ng Saint Braint University.
Pagkalipas ng tatlong oras sa mahang byahe ay sa wakas narating din nila ang Saint Braint University.
Hinto naman ni Ritchard ang sasakyan sa bakanting parking lot. Pagkatapos niyon ay umibis na sila mula sa loob ng kotse.
BINABASA MO ANG
LIES BEHIND OF LOVE
RomanceCOMPLETED KATE-simpleng buhay lang ang mayroon siya. Taglay ang ugaling malambing, masunurin at mapagmahal sa kanyang ina. Ganoon din sa kanyang boyfriend na umaasa na babalikan niya ito kapag makatapos na siya ng kanyang pag-aaral sa college. HARVE...