"LETS GO..." ani Rocile, sabay siko rito kay Harvey na nakatitig lamang dito kay Kate.
Napabaling naman ang tingin ni Harvey, dito kay Rocile na nakangisi ito sa kanya.
" Pumasok na kayo sa loob ng sasakyan ng makaalis na tayo, " Si Harvey sabay talikod at hinakbang ang mga paa patungo sa kabilang pinto ng kotse.
" Kate, go na tayo, " Si Rocile na hinawakan pa si Kate sa kamay nito.
Si Harvey ang tagamaneho ng sariling sasakyan nito. Nasa unahan din si Jayson nakaupo na katabi ni Harvey doon sa driver seat. Nasa passengers seat naman sila Kate.Nasa gitna si Rocile nila Tristan at Kate.
Habang tumatakbo ang kotse papuntang fraternity house ay tahimik lamang ang mga ito.Paminsan-minsan nagbibiruan sina Jayson at Tristan.Slow rock ang musika mula sa mp3 ng sasakyan ni Harvey ng sandaling iyon.
Bumungad sa paningin ni Kate, ang malaking bahay. Malamang ito na ang tinatawag na fraternity house.Habang papunta sila dito ay may mangilan-ilan din silang fraternity house na nadadaanan.Subalit mas malaki itong fraternity house nila Rocile.
Iba't ibang kulay ang nakikita ni Kate sa compound ng fraternity house, maliwanag din sa kapaligiran. At ang nakakabinging tugtog ng musika na galing sa loob ng nasabing bahay.
Marami na rin tao nang sandaling iyon na kapwa istudyante rin ni Kate. Mahalata na meyembro ng fraternity ang mga ito dahil na rin s mga tattoos ng mga ito .Umibis na sila mula roon sa sasakyan. Alanganin naman si Kate, nang nasa labas na siya ng kotse. Tama nga si Rocile sa sinabi nito kanina.Kakaiba nga ang kanyang suot. Tanging siya lamang ang may kahabaan na damit na suot.
May isang babae ang lumapit sa kanila agad ng sila ay makita nito. Malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi nito.
" Bakit ngayon lang kayo?" tanong nito agad ng makalapit na siya rito.
" May hinintay pa kasi kami," sagot naman ni Harvey.
" Sino?" nakangising tanong nito kay Harvey.
" Siya, " Si Harvey sabay turo nito kay Kate, nakatayo sa tabi ni Rocile.
Tinignan naman ng babaeng ito si Kate. Agad napawi ang ngiti nito sa mga labi. " Oh,bagong recruit at new member?" tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.Pabalik sa kanyang mukha.
" Saan ka nanggaling? Mukhang galing ka pa sa year seventies, " Walang ka gatol-gatol na sambitla nito. Habang nakatingin pa rin kay Kate, ito.
" Aida, " ani Rocile, tinaasan niya rin ito ng kilay. Hindi iyun nakaligtas sa paningin ni Kate.
" Hindi si Kate,bagong recruit. Nandito siya dahil sa inanyayahan ko lang na pumunta rito kaysa magkulong siya doon sa kuwarto namin." Ani Rocile.
" So you mean, siya ang bagong roommate mo, Rocile? Hindi siya boring na kasama? Will im imagine napakaboring niyang kasama, " Sambitla nito na walang pakialam sa mga sinasabi patungkol kay Kate, kahit na nandito siya at naririnig niya ang mga sinasabi nito.
Bastos din ng ugali ang babaeng ito. Nababagay nga naman sa kanya ang kulay pink nitong buhok, naka kulay pink din ito ng damit na halos makikita na ang kaluluwa nito.
" Aida...Kate is a good friend of mine. Please kaunting respeto naman. Sinama ko siya rito para mag-enoy. Hindi 'yung pag-iinitan mo," Kusang tumaas ang kaliwang kilay ni Rocile.Saka mataray niyang pinagsabihan si Aida.
Habang si Kate, nakikinig lamang sa uaapin ng dalawang ito.Ayaw niyang sumabad sa mga ito para iwas gulo na lamang siya. Ayaw niya na pag-iinitan siya ng Aida na ito. Kahit na halata rito na ayaw siya niyo.Pero wala naman siyang pakialam dahil pagkatapos gabing ito hinding-hindi na siya babalik pa rito.
BINABASA MO ANG
LIES BEHIND OF LOVE
RomanceCOMPLETED KATE-simpleng buhay lang ang mayroon siya. Taglay ang ugaling malambing, masunurin at mapagmahal sa kanyang ina. Ganoon din sa kanyang boyfriend na umaasa na babalikan niya ito kapag makatapos na siya ng kanyang pag-aaral sa college. HARVE...