" WHAT DO YOU MEAN JAYDAN?" nagtatakang tanong ni Kate. Nasa canteen na sila ni Jaydan, ng sandaling iyon.
Tumikhim muna si Jaydan, bago ito nagsalita. Tila ba tinanggal muna nito ang animo ay bikig na nasa lalamunan. ” Magkapatid kami ni Harvey, sa ama, ” saad ng binata.
" What? " bulalas na tanong ni Kate. Tila ayaw maniwala sa sinabi ni Jaydan. At saka niya tinititigan sa mukha ng maigi ang binata na nasa tapat lamang niya’ng nakaupo. Ngayon niya lamang napansin na medyo maykahawig nga sina Harvey at Jaydan.
"Yeah, tama ang narinig mo Kate, " Si Jaydan, saglit lang siya nito tinignan. At binaling na nito ang atensiyon sa snacks na nakalapag sa harap lamang nito. " Kainin mo na rin ‘yang sa’yo, "anito na inuumpishan ng papakin ang cheese burger.
" Jaydan, can I asked you something? " atubiling tanong ni Kate.Hindi man lang niya nagawa’ng galawin ang pagkain na nakalapag sa harap niya. Mas curious siyang malaman ang tungkol sa pagkatao ni Harvey.
Ninguya muna ni Jaydan, ang pagkain na nasa loob ng kanyang bibig bago ng nagsalita muli. Pagkatapos niyon ay uminom siya ng juice mula sa tetra pack. At saka nagsalita na ito.
" Yeah,sure. Anything Kate. You can asked me, " ani Jaydan,na may malalapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito.
" Paano kayo naging magkapatid ni Harvey sa ama? Weehh…I know is a kind of stupid question but I want to knew is…" aniya na hindi kayang tumbukin kung ano talaga ang gustong malaman tungkol kina Harvey at Jaydan. She’s knew is that a family matter.
" Okay, but please don’t tell to others. " pakiusap na sambitla ni Jaydan. Seryoso na ang facial expression nito.
" Promise, hinding-hindi ko sasabihin kahit kanino man, " sagot naman ni Kate, sabay taas ng kanan palad sa ibabaw ng kanyang ulo. At saka nag-sign of peace pa ito.
Natawa naman si Jaydan, sa ginawi ni Kate. ” Ang cute mo talaga, ” Patawa-tawa pa rin ito.
" Hmmm…Atleast nagkaroon ka ng kaibigan na kasing cute ko, " nakangising turan ni Kate. " Tell me, what about Harvey? " pangungulit pa rin niya rito sa binata.
" Okay, Sabi ni Mommy magkasintahan sila ni Daddy no’on. Nang mabuntis din daw ni Daddy, ang Mommy ni Harvey. Pero mas pinili raw ni Daddy ang Mommy ko. Maniwala ka Kate, hindi ko rin alam ang totoong nangyari noon. Basta ang natatandaan ko lang limang taong gulang ako nang makita ko si Daddy, sa kauna-unahang pagkakataon. " Mahabang saad ni Jaydan. " Kahit gano’n pa man ay hindi naman ni Daddy, kinakalimutan ang obligasyon niya bilang ama kay Harvey. ‘Yon nga lang ayaw tanggapin ni Harvey. Masyado siya’ng matigas pagdating sa ama namin. Kahit ako at si Mommy,nadadamay sa galit niya na para sa Daddy Alfie namin. " dagdag na wika pa nito.
" Sorry, Jaydan. Kung nagtanong pa ako, " Hinging paumanhin niya, at saka buntong hininga naman si Kate, sa nalaman niya mula rito kay Jaydan. Ang tungkol kay Harvey. Paunti-unti niya nang naintindihan kung bakit gano’n na lamang ang ugali ni Harvey. Mabilis ang mood swings ng binata. Hindi niya naman masisi si Harvey na hindi magtanim ng galit sa ama nito.
" It’s okay, Kate. I’ll understand. Sana maiintindihan mo ang sitwasyon namin ni Harvey. At saka balang araw ay makikita mo na lang kami na nagrarambulan hindi ka na magtataka pa, " pabirong wika nito.
Bumalik na lang si Kate, sa dorm pgkagaling niya ng canteen. Nang buksan niya na ang pinto, naabutan niya si Tristan, Mike at Rocille. Noon nakaramdam siya ng inis kapag ganitong may mga hindi inaasahang bisita,pero ngayon kailangan niya ng distraction.
" Uy, Kate! kamusta naman ang mga klase mo ngayon? " tanong ni Rocille, at saka ngumiti ito ng malaki sa kanya. Hindi mapigilan ni Kate, ang sarili na hindi mabigyan pansin ang pagliwanag ng mukha ni Tristan, nang ngumiti si Rocille.
BINABASA MO ANG
LIES BEHIND OF LOVE
RomanceCOMPLETED KATE-simpleng buhay lang ang mayroon siya. Taglay ang ugaling malambing, masunurin at mapagmahal sa kanyang ina. Ganoon din sa kanyang boyfriend na umaasa na babalikan niya ito kapag makatapos na siya ng kanyang pag-aaral sa college. HARVE...