"Nice to meet you, finally we meet," nakangising turan ni Elly sa kanya. Sabay lahad ng palad nito para makipagkamay. Nagdadalawang isip si Kate kung tatanggapin niya ang pakipagkamay nito o hindi. Sinulyapan niya uli si Harvey ngunit hindi niya 'to makitaan ng kahit anong reaksiyon.
Tinanggap ni Kate ang pakipagkamay ni Elly sa kanya," Nice to meet you too," pilit na ngiti ang binigay niya rito. " You're a college student? Hindi yata kita nakikita sa school campus or else masyadong malaki lang ang campus."
" Lol! sa mukha kung ito mukhang college student?" nakangising turan ni Elly." I hate bieng student," dagdag pa nito. " Kamusta naman Harvey nakuha mo na ba?" nakangising baling nito kay Harvey.
Kumunot ang noo ni Kate nang tingnan niya si Harvey naging matalim ang tingin nito kay Elly na cool lamang ito. Binalingan niya rin ng tingin si Mike at Tristan pero tila baliwala lang ang mga ito at parehas na tahimik.
" Lets go Kate," naramdaman niya na lang bigla siyang hinawakan sa kamay sabay hila ni Harvey. Napasunod na lamang siya rito at ang
laki ng mga hakbang nito." Wait, Harvey, nasasaktan ako," awat niya rito ramdam niya ang mahigpit na pagkahawak nito sa kanya. Naguguluhan si Kate sa mga nangyayari. Bakit bigla na lamang umiba ang modo ni Harvey nang makita sina Mike? Alam niyang nagseselos si Harvey sa kay Mike pero 'yong Elly anong mayroon sa pagitan nila ni Harvey? May sinasabi iyon na hindi niya maiintindihan tila mayroon kahulugan ang mga 'yon.
" Sorry," hinging paumanhin ni Harvey. Nasa loob na sila ng sasakyan nito at parehas ng nakaupo. Namumula pa rin ang mukha ng binata malamang sa galit pa rin nito.
"Harvey bakit sinabi mong magkaibigan lang tayo? Bakit harap-harapan mo akong dine-deny sa harap ng mga kaibigan mo? Kinahihiya mo ba ako?" sunod-sunod na tanong ni Kate habang an kanyang mga luha ay nagsimula ng magsilandasan sa kanyang pisngi. Ramdam pa rin niya ang sakit na naramdaman niya. Hindi niya lubos maisip na nagawa iyon ni Harvey sa kanya.
" Sorry, hindi ko sinasadya," tanging nasabi ni Harvey.Hindi ito makatingin ng diretso sa kanya. Itinaas nito ang kamay at nilapit sa kanyang mukha ngunit agad din binawi iyon tila nag-atubili pa sa gagawin nitong pagpunas sana sa luha ni Kate.
" Sorry? Ganoon lang 'yon? Alam mo ba kung ano ang naramdaman ko sa ginawa mo,hah, Harvey?"
" Kung ginawa ko man iyon para rin sa ikabubuti mo Kate, kaya kung puwede lang tigilan mo na ang pag-iiyak mo. Hindi makakatulong ang mga luha mo na'yan!" Pasigaw na sabi ni Harvey.
"Makakatulong sa 'kin? Hindi mo alam kung ano ang epikto ng ginawa mo!" Binuksan ni Kate ang pinto ng sasakyan upang umibis doon. Ano pang dahilan para mananatili siya rito sa loob ng kotse kasama si Harvey. Hindi pa niya naibaba ang kanyang mga paa sa lupa ay agad siyang pinigilan ng binata. Mahigpit siyang hinawakan sa braso.
" Please don't go," pagsumamo na pakiusap ni Harvey. Hawak pa rin niya sa braso si Kate." Sorry," hinging paumanhin uli nito. " Kapag sinabi ko ang dahilan kung nagawa ko man na ideny ka, hindi mo pa rin maiintindihan Kate," humugot ito ng hininga at saka nilabas din.
" Paano ko maiintindihan kung ayaw mo naman sasabihin. Tell me para maintindihan ko Harvey," nakikita niya na may alinlangan sa mga mata nito. Pakimbot-kimbot din ang mga bibig ng binata gustong magsalita subalit tila nagdadalawang isip 'to.
"Okay, hindi mabuting tao si Elly, his not good for you. Baka sakaling magkikita kayo uli sa susunod please umiwas ka na," Si Harvey sabay hawak sa palad ng dalaga at bahagya niyon pinisil.
" Masamang tao pala siya bakit nakikipag-kaibigan ka pa rin sa kanya?" tanong ni Kate ramdam niya ang ginawang pagpisil ni Harvey sa kanyang palad. Pero binaliwala niyon gusto niyang malaman ang tungkol sa Elly na'yon.
BINABASA MO ANG
LIES BEHIND OF LOVE
RomantikCOMPLETED KATE-simpleng buhay lang ang mayroon siya. Taglay ang ugaling malambing, masunurin at mapagmahal sa kanyang ina. Ganoon din sa kanyang boyfriend na umaasa na babalikan niya ito kapag makatapos na siya ng kanyang pag-aaral sa college. HARVE...