ILANG ARAW na ang lumipas simula nang pumunta sina Kate at Harvey sa bahay ng ama nito. Muntik ng magkagulo sina Jaydan at Harvey sa harap mismo ng kanilang ama. Kahit kailan ay hindi pa rin kayang kontolin ni Harvey ang temper nito. Simula nangyari ang pangyayaring iyon ay hindi na rin sila nagkikita ni Harvey tila ba sinasadya nito na iwasan siya. Ilang beses niya na rin sinubukan na tawagan 'to sa cellphone ngunit kina-cancelled ng huli ang mga tawag niya.
Nang matapos na ang klase ni Kate sa huling subject niya ng hapon iyon ay mabilis niyang nilagay sa kanyang bag ang mga notes at libro. Nagmamadaling lumabas sa classroom. Balak niyang pumunta roon sa D'boyz canteen na baka sakali nando'n si Harvey. Doon kasi ang madalas na tambayan nito at ng mga kaibigan ng binata. Nag-alala na rin siya para kay Harvey.
" Kate!" tawag ng boses lalaki sa kanya na kahit hindi na siya lumingon dito upang alamin kung sino man iyon ay kilalang-kilala niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Huminto siya sa paglalakad at pasimpleng humarap siya sa kinaroroonan ni Jaydan. Hinintay niya na lamang itong makalapit sa kinatatayuan niya. Nang nakalapit na ito dito ay ningitian siya nito.
" Sorry kung pati ikaw nadadamay sa gulo namin ni Harvey," Hinging paumanhin wika ni Jaydan. Bumuntong hininga pa ito na tila ba nahihirapan sa paghinga nito.
Tinitigan niya naman ito sa mga mata. Tila ba sa pagtingin ni Kate sa mga mata nito ay makikita niyang sincere talaga si Jaydan sa paghingi ng paumanhin. Simula naganap ang pangyayaring iyon ay hindi na rin siya nito kinikibo lalo't nalaman nito na boyfriend niya na si Harvey.
" Okay lang besides kasalanan naman ni Harvey. Kasalanan ko rin na pinagpilitan pa sa kanya na pupunta sa bahay ni'yo," aniya rito. " Anyway if you don't mind. I have to go may pupuntahan pa kasi ako," Tiningnan pa niya ang writchwatch niya.
" Kalimutan mo na lang ang nangyaring iyon Kate, gano'n talaga kami ni Harvey kapag nagkikita parang mga aso't pusa." nakangising turan ni Jaydan. " Puwede ka naman sumabay sa 'kin then I will drop you," anito nagpatiuna nang lumakad.
" No. Thank you but out of your way ang pupuntahan ko Jaydan," Aniya rito.
" So, paano aalis na ako Kate. See you tomorrow, " anito at umalis na rin.
Tinanguan niya na lamang ito. Nang nawala na sa paningin niya si Jaydan. Hinakbang na rin ni Kate ang kanyang mga paa patungo sa D'boyz Canteen na malapit lamang sa school campus.
Abot-abot ang kanyang hiling na sana matagpuan niya roon si Harvey. Animo ay pusa at daga silang dalawa. Siya ang pusa na naghahanap ng daga at iyon ay si Harvey.
Nang narating ni Kate ang D' boyz canteen agad siyang pumasok sa loob ng nasabing canteen. Palinga-linga siya sa mga naroroon ngunit hindi pa rin niya nakita si Harvey doon. Minabuti niya na lamang lisanin ang lugar. Laglag ang kanyang mga balikat habang naglalakad paalis doon.
" Kate, right?" tanong ng lalakig itong nakasalubong niya sa pathway. Tumingala siya rito dahil sa may katangkaran din ang lalaking ito. Kunot-noo siya habang tinititigan ang itsura nito at pilit niyang inaalala kung saan nga ba niya nakilala ang lalaking ito?
Tila nahuhulaan naman ng lalaking ito ang nasa isip niya. " Elly, remember?I'm Harvey's friend," nakangising saad nito.
Naalala naman ni Kate ang lalaking ito. Ito 'yong lalaking nakausap ni Harvey nang nasa mall sila no'ng nakaraan. " Oh, Hi!" aniya alanganin ngumiti rito.
" Looking Harvey?" nakangising tanong pa rin nito sa kanya.
"Yeah," maikling tugon naman ni Kate.
BINABASA MO ANG
LIES BEHIND OF LOVE
Lãng mạnCOMPLETED KATE-simpleng buhay lang ang mayroon siya. Taglay ang ugaling malambing, masunurin at mapagmahal sa kanyang ina. Ganoon din sa kanyang boyfriend na umaasa na babalikan niya ito kapag makatapos na siya ng kanyang pag-aaral sa college. HARVE...