MALAKAS na tunog ng alarm clock ang gumising kay Kate .Mula sa mahimbing niyang tulog.Papungas- pungas siyang bumangon mula sa malambot niyang higaan, at saka kinuha ang kanyang towel at toiletries bag pati na rin ag damit na susuotin niya sa araw na iyon. Sa ganun ay makaligo na rin siya.
Problema niya rin 'to dahil ang shower room ay nasa labas at common bathroom pa iyun.Unahan sa paligo roon, kapag marami ay kailangan pang pumila. Kung bakit kasi hindi na lang nilagyan ng shower room as ng bawat kuwarto ng sa ganun ay hindi mag- uunahan sa paggamit ng shower room ang kapwa niyang estudyante.
Bago siya umalis doon sa kuwarto ay sinigurdo niya muna n a naka-padluck ang seradura ng pinto. Mabilis ni Kate, tinungo ang shower room. May mangilan-ilan ng kapwa niya estudyante ang naroon upang maligo rin. Pumasok na sa loob si Kate, at ganun na naman ang pagkadismaya ng makita na tanging shower curtain lamang ang pagitan ng bawat paliguan.No choice na siya kaya kailangan niyang magtiis.
Mabuti na lamang ay may bakante pang dutsa. Mabilis niyang tinungo iyun. Nilagay ang mga gamit niya sa maliit na lalagyan na nasa gilid lamang. Pagkatapos niyon ay sinimulan ni Kate ang maligo.
Nang matapos na siya ay hindi sinasadya nasagi ng braso niya ang kanyang mga damit. Nahulog iyun at kahit kinuha niyon agad mula sa tiles na sahig ay basang- basa pa rin iyun. Padabog niyang dinampot ang mga damit. At tanging tuwalya na lamang ang nakabalot sa katawan niya. ' Kapag minalas ka nga naman, oh, ' aniya sarili.Lumabas na siya mula roon.At tanging tuwalya nga lang ang tapis ni Kate.Hanggang gitna ng hita niya ang haba niyon.Malalaking hakbang ng kanyang mga paa ang ginawa niya upang marating agad ang kuwarto nila ni Rocille.
Binuksan ni Kate , agad ang dahon ng pinto ngunit ng pinihit niya na ang seradura. Napakunot noo siya ng mapagtanto na bakit hindi na iyun naka-luck ,ang natatandaan niya bago siya umalis dito kanina ay sinugurado niyang naka-padluck ang dahon ng pinto. Saka niya naisip na maaari ay nakauwi na rito si Rocille. Kung kaya ay hindi na naka-padluck ang pinto. Pinihit na lamang ni Kate ang pinto para makapasok na siya sa loob ng kuwarto.
Nadatnan ni Kate naka bukas ang flat screen tv ni Rocille.Malamang umuwi na nga si Rocille dito . Subalit nang tignan niya ang kama ni Rocille. Ganun na lang ang paglaki ng kanyang mga mata ang malaking bulto ng katawan ni Harvey, nang mapagsino niya ang nakahiga sa kama ni Rocille.
" Ikaw? ano ang ginagawa mo dito? "sunod-sunod na tanong niya kay Harvey ,na kumportabli nakahiga sa kama ni Rocille.
Mahigpit naman hinawakan ni Kate, ang tuwalya na nakatapis sa kanyang sarili. Tanging iyun lamang ang saplot sa katawan niya. Litaw ang mapuputi at makinis niyang balikat at hita, hanggang kalahati lamang niyon ang natatakpan.
" Nakahiga,nanonood ng palabas sa tv, " baliwalang sagot ni Harvey. Hindi man lang nag-abalang lingunin ang dalaga .
"Nasaan si Rocille? Bakit ka nandito? " Tanong uli ni Kate rito. Wala talaga itong pakialam.Habang siya ay malapit na mag-panic.
" Bakit tanong ng tanong? nakita mo naman na wala rito si Rocille, " pasuplado na sabi ni Harvey.Nakatutok pa rin ang mga tingin nito sa pinapanood doon sa television.
" Lumabas ka nga muna. Magbibihis lang ako. " Si Kate, sana nga lang ay lumabas si Harvey.
Tinignan naman siya saglit ni Harvey. " Bakit pa ako lalabas? 'di magbihis ka.Marami ng babae ang nakita ko na mas higit pa sa ayos mong iyan, " Turan ni Harvey. Binalik ang tingin doon sa pinapanood niyang palabas sa television." Ayaw mong lumabas takpan mo muna ang mga mata mo, " pakiusap ni Kate.Sana nga lang ay pumayag ito kahit takpan na lang ang mga mata nito.
" Napakaarti mo naman. Magbibihis ka lang naman , eh. " Reklamo ni Harvey. Pero tinakpan naman nito ng mga kamay niya ang kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
LIES BEHIND OF LOVE
RomanceCOMPLETED KATE-simpleng buhay lang ang mayroon siya. Taglay ang ugaling malambing, masunurin at mapagmahal sa kanyang ina. Ganoon din sa kanyang boyfriend na umaasa na babalikan niya ito kapag makatapos na siya ng kanyang pag-aaral sa college. HARVE...