Chapter Seven

1K 25 0
                                    

UMIIYAK ng lihim si Kate, habang nakaupo sa hindi kalakihan na bato  sa  loob ng bakuran ng fraternity house. Bumalik siya rito ng matapos na siya gumamit ng comfort room. Hinanap niya kanina si Rocile upang yayain na itong umuwi . Subalit hindi niya naman iyon nakita.
Maingay pa rin doon sa loob ng fraternity house. Nakikinita niya na ang lahat na tao rito ay talagang nag-e-enjoy, maliban  lang sa kanya .
Malaki ang kanyang pasisi na kung bakit pa siya sumama rito kina Rocile. Sana ay nanatili na lamang siya roon sa dorm at nag-aral .

"Alone ? " Anang lalaki na may baritunong boses. Si Jake na lumapit rito sa kinaroroonan ni Kate . Nakita niya kasi kanina na lumabas ito at nag-iisa lang kaya lihim nito sinundan ang dalaga.

"Yeah ,"malungkot siyang ngumiti, pa-simpleng pinunasan ang kanyang mga luha sa pisngi.

"Are you crying, Kate ? " may pag-alaala sa boses na tanong ni Jake. Hinakbang nito ang paa papalapit dito sa inuupuan ni Kate .

"Ako, umiiyak? " Sabay turo ni Kate sa kanyang sarili .

"Are you, okay ?" sa halip na tugunin nito ang sinabi ni Kate . Kahit e-deny pa ni Kate na hindi ito umiiyak ay nahahalata pa rin nito na kagagaling lang sa iyak ng dalaga. Dahil sa namumula ang mga mata at pisngi ng dalaga .

Yeah , I’m okay . Nakita mo ba si Rocile ? Gusto ko sana siya kausapin . Gusto ko nang umuwi sa dorm namin , "

" Nasa loob si Rocile . Pero hindi yata kayo makakauwi .She’ll busy until now …" nakangising turan ni Jake . " Bakit hindi mo subukan na sumali doon sa kanila . Sigurado mag-e-enjoy ka roon Kate , " anito .

" Nasaan si Rocile ?Jake puwede mo ba ako samahan roon ?Gusto ko lang makausap si Rocile , " Si Kate . Kakilala niya lamang kay Jake , subalit magaan na ang kanyang loob para rito sa binata.

" Ofcourse…sure …" Nakangiting sabi ni Jake .
Dinala siya rito ni Jake sa isang silid . Malaki ang kuwartong ito . May mga grupo rin rito na naghihiyawan .Tinignan ni Kate , ang nasa gitna ng malaking silid na ito . Ganun na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makita kung sino ang sumasayaw sa gitna . Si Rocile , ka-partner nito si Tristan na nagsasayaw sa gitna ng silid na ’ to . Hindi lamang normal na sayaw iyun , kung di may kasamang intimate ang sayaw nila Rocile , Tristan at ng iba pang sumasayaw .

" Palagay ko , hindi mo makakausap si Rocile .Nakita mo naman busy siya . " Si Tristan na nakatingin rin sa gitna ng silid na’ to . Ginawa na yatang dance floor .

Naiisip tuloy ni Kate ,ganito ba talaga ang tinatawag na fraternity ? Kanya-kanyang grupo at kanya- kanya rin ideya kung paano magiging masaya ang isa ‘t isa .

" Ganyan ba talaga ang sayaw na kailangan isayaw ?," tanong ni Kate . Hindi pa rin maalis-alis ang kanyang mga titig doon sa dance floor na sumasayaw sina Rocile at Tristan .
Sumasayaw nga ang mga ito pero may kasamang intimate , paminsan -minsan ay hinahalikan pa ni Tristan si Rocile sa mga labi nito . Sabay himas sa pribadong parti ng katawan ng dalaga . Sa dahilan iyun ay naghihiyawan ang mga naroroon na nakinonood lamang .

" Yup , " nakakalokong sagot ni Jake . " Bakit ngayon ka lang nakakita ng kagaya sa sinasayaw nila Rocile ? " Tanong pa ni Mike .

" Hindi naman sayaw lang ang ginagawa nila . Hindi mo ba nakita ang mga ginagawa nila habang sila ay nagsasayaw ? " naiiritang sambitla ni Kate .Sabay hakbang ng kanyang mga paa.Palabas sa silid na ‘yun .

" Kate , nagtatanong lang naman ako, Huwag ka naman mag-walk out doon . " Si Jake ,sinundan si Kate na umalis doon s silid na iyon .Binilisan pa niya ang kanyang paghakbang ng kanyang mga paa upang makaagapay si Kate .

Huminto naman si Kate sa paglalakad .Para hintayin si Jake ,nang makalapit na ito . ” Bakit ? ” tanong ni Kate , kusang tinaasan ng isang kilay si Jake .

" Umalis ka lang kasi ng biglaan . " Saad ni Jake .," Some cup ofvodka ? Ikuha kita kung gusto mo ? " alok ni Jake , may malapd na ngiti nakapaskil sa mga labi nito .

Ngayon lang napansin ni Kate ,na guwapo rin pala ang Jake na ‘to . Matangos ang ilong at mahaba ang pilik mata nito dagdagan pa ng adam’s apple nito na nakadagdag sa alindog taglay nito .

" No,salamat na lang .May bakanteng kuwarto ba rito na puwede matulugan ? " tanong ni Kate , Dito na lamang siya palipas ng gabi.Hindi na rin siya makauwi doon sa boarding house .Dahil sa gabi na at makamang ay wala ng pampasaherong bus sa ganitong oras .

" Nasa ikalawang palapag ng bahay na ’ to . Siurado marami pang bakanting kuwarto . Gusto mo samahan pa kita roon sa itaas ? " alok ni Jake n samahan si Kate ,upang maghanap ng bakanting kuwarto .

" No , okay lang , Kaya ko naman maghanap ng bakanting kuwarto , " nakangiting turan ni Kate .
" Paano maiwan muna kita ," Paalam niya rtito kay Jake . At saka binaybay na ang hagdan paakyat sa pangalawang palapag ng bahay na ‘to . Saglit si Kate, huminto sa tapat ng kuwarto kung saan ay nakita niyang naghahalikan sina Harvey at Aida . Hindi niya na nakita ang dalawang iyun kanina sa
ibaba . Malamang ay magkatabi natulog ang mga iyun sa loob ng kuwarto na ‘to . Piniling niya ang kanyang ulo sa naiisip . Pakialam niya ba kung magkatabi man natulog sina Harvey at Aida . Natural lamang iyun sa magkasintahan .
Muli niya hinakbang ang kanyang mga paa upang maghanap na ng kuwarto na puwede niyang matulugan pasamantala .

Pinihit ni Kate, ang seradura ng pinto . Hindi naka-luck iyun ,ang ibig sabihin lamang niyon ay bakante ang kuwarto ‘ng ito . Pinihit ni Kate ang dahon ng pinto upang siya ay makapasok na roon sa loob . Dalawang double deck ang nakikita niyang laman ng kuwarto na ito. Ni-luck ni Kate ang seradura , pagkatapos niyon ay dumiritso na siya roon sa bed spacer . Saka niya na may natutulog pala sa katabing double deck rin . Hindi lang siya sigurado kung ito ay babae o lalaki . Dahil sa nakatalukbong ito ng kumot . Binaliwala na lamang iyun ni Kate .Humiga na siya sa kama upang pawiin an antok na siyang naramdaman .

Nagising si Kate , sa mababaw niyang tulog . Naramdaman niya na tila may humihimas sa binti niya at braso . Hindi siya maaari magkamali maiinit na palad iyun . Dinilat niya ang kanyang mga mata at nakita niya ang lalaki .

Bigla na lamang ni Kate sinipa ang lalaking ito sa pagitan ng mga hita nito sabay takbo palabas ng kuwartong iyun . Subrang takot ang siyang naramdaman . Alam niyang hinahabol din siya ng lalaking iyun . Ang tanga-tanga niya kung bakit naisipan i-padluck ang seradura ng kuwartong iyon , at natulog roon na hindi inalam kung sino ang natutulog sa katabing bed spacer na ‘yun .

" Bumalik ka rito … Pagbabayaran mo ang ginawa mong pagsipa sa akin ! " Sa malakas na boses ng lalaki na tila isang tigre na mabangis na kahit anong oras ay manlapa ng tao .

Hindi ni Kate , pinansin ang lalaking iyun . Patuloy pa rin siya sa pagtakbo sa coridor na ’ yun . Napatapat siya sa pinto ng kuwarto ni Harvey . Hindi nagdadalawang isip si Kate , at kinatok ng malakas ang dahon ng pinto .

" Harvey …please open this door…parang awa mo na ! " pasigaw na tawag niya sa pangalan ni Harvey . At saka malakas na katok sa dahon ng pinto ang ginawa ni Kate . Halos ay sirain niya na ang pinto upang siya ay pagbuksan ni Harvey .

Nakikita niyang ilang dipa na lamang ang agwat nila ng lalaking humahabol sa kanya . Nakangisi ito habang nakatingin ito sa kanya . Namumugay at pulang -pula ang mga mata ng lalaking ito.

" Harvey…Harvey…! Parang awa mo na buksan mo ‘tong pinto , " tawag niya na nanginginig sa takot ang kanyang katawan . Hindi niya na rin mapigilan ang kanyang mga luha na nagsilandasan sa kanyang pisngi .
Bumukas ang pinto . Niluwa ng pinto si Harvey na tila kagigising lamang nito . Tanging boxer shorts lang ang suot ni Harvey . Kinukusot-kusot pa ang mga mata nito .

" Kate , ano nangyari sa ’ yo ? " nagtatakang tanong ni Harvey . Habang tinitignan ang dalaga na umiiyak . Saka na lamang naintindihan ang nangyari nang makita niya si Rex . Nang makita rin siya ni Rex ay bigla na lamang umalis .

" ’ Yung lalaking iyun . Hinahabol ako…" Pasigok-sigok na sagot ni Kate . Nang nilingon niya ang lalaki na amimo ay isang tigre kanina . Nang makita nito si Harvey , ay tila isa ng tuta . At agad din umalis doon .

" Sinaktan ka ba niya ? Pumasok ka muna dito sa loob , " Si Harvey , may pag-alaala sa boses nito para kay Kate .

Pumasok naman si Kate sa loob . At saka naupo sa gilid ng kama ni Harvey . Naupo rin si Harvey sa kanyang tabi . Sa ‘di niya inaasahan ay pinunasan ng binata ang mga luha niya sa kanyang pisngi gamit ang hintuturo nito .

" Huwag ka nang umiiyak , ang pangit mo na tuloy tignan , " nakangiting turan ni Harvey .

LIES BEHIND OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon