Chapter 4

1.1K 24 0
                                    

MULA SA labas ng kuwarto ay naririnig ni Kate ang malakas na halakhak. Napakunot noo siya ng marinig ang halakhak na iyun. Kung hindi siya nagkakamali ay may bisita na naman si Rocille.

Pinihit ni Kate ang dahon ng pinto upang siya ay makapasok na roon sa loob. Ganun na lamang ang dismaya niya ng makita ang tatlong lalaking kasama ni Rocille. Mas lalong nainis siya ng makita ang lalaking antipatiko na si Harvey. Natatandaan pa niya ang pangalan ng isa pang lalaki, si Jayson atleast ito hindi bastos ang ugali at friendly pa.Subalit 'yung isang lalaki ay hindi pa niya nakilala.Ngayon niya lang ito nakita na pumunta rito. Si Harvey at Jayson ay nakaupo sa kama niya. Samantala si Rocille at ang lalaking hindi niya kilala ay nakaupo naman doon sa kama ni Rocille.

Nakatingin ang mga ito sa kanya.At saka natigil din ang mga halakhak ng mga ito, siguro nagbibiruan ang mga ito kung kaya ay ang lalakas ng mga tawanan ng mga ito.Namumula pa nga ang pisngi ni Harvey sa kakatawa nito.

" Oh, Kate ,bumalik ka na pala? Tanong ni Rocille, sa kanya ng makabawi na ito mula sa kakatawa. Nakikita niya na nakabihis na naman ito at naka make-up na rin.

Sigurado na may pupuntahan na naman ito. Hindi naman kasi namamalagi rito si Rocille, palaging nasa labas ito. Mas pabor naman iyun sa kanya. Dahil makapag-aral siya ng mabuti.

" Hi, Kate... Kamusta? " Nakangiting tanong naman ni Jayson.

"Doing fine, " gumanti naman siya ng ngiti rito.

Habang si Harvey. Nakatingin lamang ito, ng tumingin siya rito ay nagkasalubong ang kanilang mga titig. Subalit mas nauna niyang binawi ang pagkatitig niya sa binata.

" Hindi niyo man lang ba ako , ipakilala sa bago ninyong kaibigan?" sabad ni Tristan. Nakaupo sa tabi ni Rocille. Habang ang isang braso ay nakapulupot sa baywang ng dalaga.

" Anyway, Kate. Si Tristan. Tristan , si Kate. Bago kung roommate. " pakilala ni Rocille sa kanila Kate at Tristan.

" Hello Kate.Nice to meet you, " nakangiting sabi ni Tristan. Tumayo ito mula sa pagkaupo at saka lumapit kay Kate. Nang nakalapit na ito ay tinaas nito ang kamay upang makipag-shake hands sa kanya.

" Me, too, " Matipid na sagot naman ni Kate. Tinignan niya muna si Rocille bago inabot ang kamay ni Tristan. Upang ay makipag-kamay dito.

" Sumama ka na lang kaya sa amin? " suhistiyon ni Jayson.

" Ano kasi may..."Hindi niya naituloy ang sasabihin niya sana.

" Wala naman pasok bukas. Sigurado mag-enjoy ka roon sa party, " ani Tristan.

Madaling magaanan ng loob sina Tristan at Jayson. Kaysa kay Harvey na ubod ng sungit. Dagdagan pa ng bruskong ugali nito. Hindi pa rin ito umiimik, Tila ba walang pakialam sa mga pinag-uusapan. May ugali yata itong pagkamanhid.

" Kate sumama ka na, promise mag-enjoy ka talaga roon, "si Rocille na kinukumbinsi rin siya nito. " At saka hindi ka ba nababagot dito? " anito.

Naging intresado tuloy si Kate, kung anong uri ng party ang kanilang pupuntahan kung sakali man ay sasama siya sa mga ito.

" Party ng ano ang pupuntahan natin? at saan naman lugar iyon? " sunod-sunod na tanong ni Kate. Gusto niya muna alamin anong party ang pupuntahan at kung saan.

" Fraternity party, at apat na block lang ang layo mula dito sa dorm "turan ni Tristan.

" Fraternity party?" tila nabigla pa siya.

" Yeah, fraternity party. Don't tell me hindi ka pa nakasali sa grupo ng mga fraternity?" ani Rocille. " But don't worry. Kasama mo naman ako, "

" Next time na lang. May gagawin pa kasi akong mga assigment, " aniya pero sa totoo ay wala naman talaga siyang assignment na gagawin Ayaw niya lang sumama dahil sa fraternity party pala ang party na pupuntahan ng mga ito.

LIES BEHIND OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon