LUMINGON naman si Harvey ng marinig na tinatawag ang pangalan nito. Bigla na lamang itong natigil sa pagsasayaw at lumayo mula kay Aida. Kitang-kita ni Kate ang pagkagulat na nakalarawan sa mga mata nito nang makita siya. Pakimbot-kimbot ang mga labi nito tila ba may ibig sabihin iyon. Subalit bigla na lang din umiwas ng tingin si Harvey atsaka binaling sa ibang direksiyon ang mukha nito.
Maraming lakas nang loob ang inipon ni Kate sa dibdib niya. Hindi siya puwedeng magpahalata rito na apektado siya sa nadatnan niyang ginagawa ng mga 'to. Kahit na parang sasabog na ang kanyang dibdib dahil sa subrang sakit at sama ng loob na kanyang naramdaman. Pasalamat na lamang at nakainom siya ng vodka kanina kahit paano ay nakatulong iyon sa kanya. She needed more vodka because if not any time she's going to explode her feelings.
" Oh! Kate anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito?" nakangising tanong ni Aida. Isa-isa nito dinadampot ang mga damit nito mula sa carpet na kumalat lamang ang mga iyon. Tila baliwala lang dito ang hubo't hubad nitong katawan. At may mga nakatingin pa rito. Parang proud na proud pa nga ito, eh.
" Hello, Aida. How are you? Hindi ka ba nilalamigan sa ayos mong 'yan?" nakangisi rin sagot ni Kate. Over dead her sexy body hinding-hindi siya magpapatalo sa babaeng 'to. Nang may dumaan na namimigay ng inumin ay kumuha siya roon at saka tinungga agad iyon. Hindi alintana ang mapait na lasa ng vodka. Kung kailangan pa niyang uminom ng marami pa ng sa gano'n ay mapaglabanan ang kanyang naramdaman ng sandaling iyon. Lalo't batay sa kanyang nakikita ay walang pakialam si Harvey sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang paminsan-minsan pagsulyap nito sa kanya.
" Well nag-enjoy ako kasama si Harvey. Lalong-lalo na ang halikan namin. His a good kisser wala pa rin mintis kahit kailan." Nakangising turan nito. "Sayang hindi mo yata naabutan," anito na pumalatak pa 'to.
Sasagot pa sana si Kate. Ng magsalita ang babaeng may kulay violet ang buhok at kulay violet din ang maiksing damit nito.
" Guys we need to proceed our next game. Are you ready?" tanong nito at tinaas ang kapirasong papel na hawak-hawak.
"Simulan na!" sabay-sabay naman sagot ng mga naroon. Tumayo ang mga 'to mula sa inuupuan carpet. Lahat sila ay nakatayo at hugis pabilog ang porma ng mga ito.
" Kate, sali ka, "yaya ni Mike sa kanya. Sabay hawak sa kanang kamay niya. Atubili naman siya kung sasali ba siya o hindi. Dahil wala naman siyang kaalam-alam kung anong klasing laro ang laruin ng mga ito. Nakikita niya sa gilid ng kanyang mata na hawak kamay sina Harvey at Aida. Kung makakapit ang malanding babaeng ito ay tila tuko kung makapit. Panay ang dikit nito kay Harvey. Bahala na si wonder woman o super man basta sasali na siya sa larong ito kahit wala siyang ka ide-ideya.
" Blow job ang next game natin," pagbigay alam ng babaeng may kulay violet ang buhok nito. " So...ang ibig sabihin ay opposite partner kayo. Tanging bibig lamang ang gagamitin ninyo sa larong ito. At ang hindi makasalo sa papel, halik ng katabi n'yo ang magiging penalty," nakangiting saad nito.
Kinakabahan si Kate ng sandaling iyon. Tiningnan ang kabilaang kapareha niya sa kanan ay si Elly at sa kaliwa naman si Mike. Pasimple niyang tiningnan sina Harvey at Aida. Nakaabresiete ang malanding Aida na'to kay Harvey. Tila baliwala lang din iyon kay Harvey nandiyan siya at nakikita niya ang paglambitin dito.
Maraming pasensiya pa Kate, aniya sa sarili. Tila kagaya ng istranghero at istranghera sila sa isa't isa ng mga sandaling iyon. Wala talagang pakialam 'to sa kanya.
Nang mag-umpisa na ang laro ay naparusuhan na si Rocille hinalikan siya nito ni Tristan pero okay lang 'yon dahil magkasintahan naman ang dalawang 'to. At ang iba pang hindi nakasalo ng papel ay naparusahan na rin. Habang papalapit ang papel sa kinaroonan nila Kate ay lalo siyang kinakabahan. Saglit niyang sinulyapan ang katabing si Elly. Nakita nito ang ginawa niyang pagsulyap rito ningisihan siya nito subalit ignora niya na lamang.
BINABASA MO ANG
LIES BEHIND OF LOVE
RomansaCOMPLETED KATE-simpleng buhay lang ang mayroon siya. Taglay ang ugaling malambing, masunurin at mapagmahal sa kanyang ina. Ganoon din sa kanyang boyfriend na umaasa na babalikan niya ito kapag makatapos na siya ng kanyang pag-aaral sa college. HARVE...