Chapter 16

1K 19 0
                                    


" KANINA pa kita hinihintay, bakit ngayon ka lang?" bungad ni Harvey nang bumalik na siya rito sa kotse. Pumasok na siya sa loob ng sasakyan at naupo na rin.

Tiningnan niya ang binata na gagitla ang kunot noo nito. Ningitian niya ito sana  nga lang makuha niya sa ngiti  si Harvey at mapapayag niya 'to na pupunta roon sa bahay ng ama nito." Babes pagbigyan mo naman si Tito," pakiusap niya sa binata.

" Huh! Tito? Kailan mo pa siya nsging Tito, Kate?" tila nakaka-insultong tanong ni Harvey.

" Tatay mo siya kaya may karapatan akong tawagin siyang Tito. Respeto na rin sa ama mo," aniya nagtitimpi para hindi mapatulan ang  tila pang-insulto nito sa kanya.

Hindi siya sinagot ni Harvey sa halip ay narinig niyang bumuntong hininga ang binata saka in-start na ang makina ng sasakyan. " Babes pagbigyan mo naman si Tito. Kahit anong mangyari at balik-baliktarin man ay ama mo pa rin siya," pinatong ang kanyang kamay sa kamay ni Harvey na nakahawak sa manobila ng sasakyan. Subalit wala pa rin itong kibo.

" Hindi tayo pupunta Kate. Masaya na siya kapiling ang pamilya niya. Ano pa ang dahilan para pumunta ako roon at humarap sa pinili niyang pamilya kaysa sa amin ni Mommy," nagtatagis na bagang sambit ni Harvey.

" Babes hindi mo ba nakikita ang reaction ni Tito kanina ng makita ka niya? Masayang-masaya siya pero bigla na lang din siyang nalungkot sa inasal mo sa kanya."

"Sinabi ko na hindi tayo pupunta Kate! Is that clear!" sigaw ni Harvey binalingan siya nito kaya naman ay hindi  napansin ang makasalubong na truck.

" Harvey! watch out may truck...." hindi ni Kate natapos ang sasabihin sa subrang kaba at takot naramdaman. Pinikit niya na lamang ang kanyang mga mata.

Nang makita ni Harvey ang truck na masalubong kaagad niyang naapakan ang selendro at saka nagawa niya iwasan ang truck na muntik niya ng makabanggaan.  Hininto niya ang kotse ng malagpasan niya na ang truck na iyon mabuti na lamang at maagap siya kung sakaling hindi malamang nayupi na ang sasakyan niya at kasama pa sila ni Kate.

Tiningnan niya si Kate nakapikit ang mga mata nito at butil-butil ang mga pawis nito sa noo saka namumula rin ang mukha ng dalaga malamang sa takot naramdaman nito. Hinawakan niya ang kamay ni Kate bahagya niyang pinisil iyon para ipaabot rito na ligtas sila. Nahaplos niya ang isang kamay sa kanyang mukha dahil sa subrang inis para sa sarili niya.  Muntik na sila madisgrasya kung 'di sa kapabayaan niya at kung hindi niya pinairal ang init ng kanyang ulo para sa ama niya.

" Babes sorry," hinging paumanhin ni Harvey sa mahinahon at mababang boses.Pinisil uli ang palad ng dalaga.

Nagmulat naman ng mga mata si Kate na may iilang butil ng luha nag-alpasan mula sa kanyang mga mata. " Kung gusto mo magpakamatay huwag mo akong idadamay!" may kalakasan bigkas ni Kate inalis ang kamay sa pagkahawak ni Harvey.

" Sorry hindi ko naman sinasadya. Huwag kang makulit para sa ganoon hindi tayo madisgrasya," sinuklay ni Harvey ang kanyang buhok gamit ang mga daliri niya. Kasalanan niya naman kung muntik na sila madisgrasya sa daan.

" Ayaw mo kasi intindihin ang mga sinasabi ko Harvey. Inimbitahan ka ng tatay mo para kumain ng pananghalian sa bahay niyo. Hindi mo ba nakikita na masaya siya kanina nang makita ka niya at nasasabik din siya sa'yo?"

" Bumuntong hininga at nilabas din iyon ni Harvey. " Hindi mo maiintindihan Kate."

" Alin ang hindi ko maiintindihan Harvey?" tanong ni Kate.

" Why  do you have alot of questions Kate? Lahat na lang ba itatanong mo?"

" Harvey ang sa 'kin lang naman mapag-usapan kung ano ang problema mo about sa inyo ng tatay mo. Well if you don't  want to talk, fine." Pinihit ni Kate ang pinto ng kotse. Upang umibis na siya roon subalit hindi pa nakaapak ang isang paa niya sa lupa. Maagap siya ni Harvey hinawakan sa braso. Binalingan niya 'to ng tingin. " Let me go."

LIES BEHIND OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon