BINITAWAN naman ni Harvey si Kate. Sa pagkahawak nito sa baywang ng dalaga. Walang likod lingon siya na umalis doon. Malalaking hakbang ng kanyang mga paa ang ginawang paglalakad ni Harvey.
Samantala naiwan naman si Kate, Ngitngit ang kalooban at Naiinis siya. Habang nakasunod ang tingin niya sa lalaking walang modo at antipatikong iyun nang kabanggaan niya.
Unang araw pa lamang niya sa University na ito ay puro kamalasan na yata ang nangyari sa kanya. Sana nga lang ay wala nang kasunod ang kamalasan na ‘to.
Binaybay niya na lamang ang Coridor pabalik doon sa kuwarto nila ni Rocille. Kaysa naman tumanganga pa siya roon. Marami pa siyang gamit na dapat aayusin . Kailangan pa niya ang mga iyon ilipat at isalansan sa kabinet niya nandoon din mismo sa kuwarto.
Nang nasa harapan na siya ng pinto ay medyo nakaawang ang dahon ng pinto. Hindi iyon naisara ng maiigi. Pinihit ni Kate ang dahon ng pinto upang siya ay makapasok na sa loob ng kuwarto.
Wala si Rocille, tanging nakikita niya lamang ang mga mangilan-ngilan na gamit ni Rocille naiwan nito na nagkalat sa ibabaw ng kama nito. Napapailing na lamang si Kate habang tinitignan ang bahagi ng kuwarto kung saan maraming bandboy poster.
Hinubad niya ang kanyang sapatos pagkatapos niyon ay kinuha naman ni Kate. Ang traveling bag niya. Binuksan niyon at saka inisa-isa kinuha ang kanyang mga damit mula roon. Sinalansan niya ang mga gamit sa loob ng kabenit na para naman talaga iyon ang space na ‘yun sa mga kagamitan niya.
Habang sinalansan ni Kate ang kanyang mga gamit. Naririnig niya ang ingay ng dahon ng pinto na animo’y pinihit iyun. Kung kaya ay lumingon naman siya doon sa pinto. Si Rocille lang naman pala. Mukhang naligo ito, halata naman basa pa ang mga buhok nito.
" Hi, nakabalik ka na pala? " nakangiti na tanong ni Rocille.
" Yeah! Pasensya ka na sa inakto ni Mama ko kanina, " hinging paumanhin ni Kate. Nginitian niya rin si Rocille..
" Okay, lang naman ‘yun sa akin. Sanay na ako sa mga ganyan.
Tumigil muna si Kate sa ginagawa niyang pag-aayos sa mga gamit niya. At saka tinignan si Rocille, nagbibihis na ito ng damit. Kitang-kita ng mga mata niya. Ang mga tattoos ni Rocille. Mayrun din pala itong tattoo sa dibdib nito. Ang akala niya lang ay sa braso at binti lang. Subalit nagkamali siya nang inaakala dahil mayrun nga itong tattoos sa dibdib. Napaansin niya rin na mayrun din itong hikaw sa dila nito. Makikita iyon kapag nagsasalita si Rocille o ‘di kaya ay kapag tumatawa ito.
" Hindi ka ba nasaktan nung nagpalagay ka ng mga tattoos na ‘yan sa balat mo? " out of curiosity na tanong ni Kate.
Saglit naman tumigil si Rocille sa ginagawa nito. “Hindi naman gaano ka sakit Alam mo ‘yung parang kinagat lang ng langgam. ’ Yun yong pakiramdam. ” sagot ni Rocille at sinabayan nito ng malakas na tawa.
" Hindi ba bawal ’ yan dito? " Tanong uli ni Kate. Habang tinititigan ang mga tattoos ni Rocille. Tila ayaw pa rin niyang maniwala, dahil sa kayang-kaya nito magpalagay ng mga tattoos na’yun sa balat kahit napakababaeng tao nito.
" Hindi, ah. Ano ka ba naman? Nasa College na tayo kaya hindi na binabawal ito, " saad ni Rocille. " Kung hindi ako magkakamali ay na-curious ka rin sa ‘kin, noh? "
" Pasensya ka na.Masyado na yata akong matanung sa’yo. " Hinging paumanhin dito ni Kate. " Oo, inaamin ko, na-cu-curious nga ako sa’yo . " turan ni Kate.
Tumawa naman ng malakas si Rocille. Nang mahismasan na ito saka nagsalita na ‘to. ” Ngayon ka lang ba nakakita ng babae na may mga tattoos na kagaya ko? But don’t worry, I’m not harmful besides mabait naman ako. Kahit na ganito ang hitsura ko, ” ani Rocille na pinagpatuloy ang pag-aayos sa sarili nito.
BINABASA MO ANG
LIES BEHIND OF LOVE
RomanceCOMPLETED KATE-simpleng buhay lang ang mayroon siya. Taglay ang ugaling malambing, masunurin at mapagmahal sa kanyang ina. Ganoon din sa kanyang boyfriend na umaasa na babalikan niya ito kapag makatapos na siya ng kanyang pag-aaral sa college. HARVE...