Chapter Six

1K 24 0
                                    


KUNG PUWEDE nang gumuho si Kate, sa kanyang inuupuan ng sandaling iyon ay malamang ginawa niyon.
" Ayoko nga, may boyfriend ako. At alam ninyo iyon . Bakit ako makipaghalikan kay Harvey ? " Tanggi niya, at saka palipat-lipat ang tingin niya sa mga naroroon na nakatingin din sa kanya maliban kay Harvey na nakayuko pa rin ito ,at abala sa pagkalikot ng cellphone nito.

" Remember, this is all about part of our game , walang personalan at hindi usapin dito kung may syota o wala . Ang lahat sa atin ay willing gawin ang maaaring consequences sa larong ito , " Si Tristan na nakangisi habang nakatingin ito kay Kate.

" Basta ayoko, Iba na lang ang ipagawa ninyo sa akin ," giit na tanggi pa rin niya. Hindi niya maatim na makipaghalikan kay Harvey . At may mga mata na nanonood sa halikan nila ni Harvey kung sakali .

" Okay, kung ayaw mo talagang gawin. Iba na lang ang gawin mo. Kate uminum ka ng isang bote ng vodka , " kibit balikat na turan ni Trista . She don't care kung na dismaya ito sa hindi niya pagsunod sa dare nito.

Tinignan niya uli si Harvey.Wala pa rin itong pakialam sa mga nangyayari sa paligid nito . Nilaro- laro na nito ang hawak nitong baso . Sadyang manhid yata ito .

Kinuha naman ni Kate , ang bote ng vodka na inabot ni Jake, sa kanya. At saka basta-basta niya lamang iyon nilapit sa kanyang bibig at tinungga agad. Gusto niya tuloy pagsisihan ang ginawa niyang iyon dahil sa nalanghap ng kanyang pang-amoy ang hindi kanais-nais na amoy ng vodka. Masakit iyon sa pang-amoy. Sa kauna-unahang pagkakataon siya ay uminum ng inumin na nakakalasing. Kasunod n'un ay naramdaman ni Kate ang mainit at mapait na hindi niya kayang ipaliwanag ang lasa ng likido na iyon.Basta ang alam niya ay mainit iyon sa kanyang lalamunan . Gustuhin man niyang pagsisihan na sumali pa siya sa larong ito.Wala na siyang magawa pa.

Nang kalaunan ay nakaramdam na siya ng kakaiba sa kanyang sarili. Animo ay isa siyang magaan na bagay at saka para bang lumakas bigla ang loob niya na kayang- kaya niya nang makisabayan sa mga ito. Malamang ito na ang epekto ng vodka na iniinum niya.

" Bravo ! " Si Jake nakangisi ito sabay taas ng dalawang palad saka pumalakpak. Habang nakatingin kay Kate na tinutungga ang bote ng vodka. Halos nangalahati na iyon ni Kate.

" Paayaw-ayaw ka kanina. Iyon pala gusto mo rin palang uminum." Si Aida na sambakol ang mukha nito nakatingin din sa kanya. Pinulupot nito ang isang braso sa kay Harvey na katabi lamang nito nakaupo . Subalit tinanggal din ni Harvey ang braso nito. Umusad ng kaunti palayo si Harvey . Nagkaroon ng ispasyo sa pagitan nito at ni Aida .

" Anong magagawa ko? Ginawa ko lang ang pinaggagawa ni Tristan , " Sagot naman ni Kate.

Hindi ni Aida pinansin ang sagot n iyon ni Kate. Sa halip ay binalingan nito si Harvey. " Ano ba ang problema, mo, hah ? " Si Aida na hindi nakasimangot at ngitngit ang kalooban. Animo ay anong oras sasabog ito sa inis na naramdaman dahil ginawang pagtanggi ni Harvey.

" Wala , masyado kang dikit ng dikit " maikling turan ni Harvey.

Narinig ni Kate ang sagutan nila Harvey at Aida . Napangiti siya ng lihim sa narinig niya . Hindi lang pala siya amg sinusungitan nito pati na rin pala si Aida. Subalit hindi ni Harvey iniisip ang mga salita nitong binibitawan at tila wala itong pakialam sa maaaring maramdaman ng ibang tao.

Hindi na rin napigilan ni Kate ang tumawa. Malamang ay epekto na rin iyon ng vodka na iniinum niya.Hindi pa rin iyon naubos ngunit kaunti na lang ang vodka na natira sa bote .

" Anong nakakatawa? " Nakasimangot parin na tanong ni Aida. Nakatingin ito sa kanya.

" Wala , bakit bawal na ba ang tumawa ? " si Kate , tumatawa pa rin ito . Basta ang alam niya ng sandaling iyon ay bigla na lamang siya nagkaroon ng lakas nang loob na makipagsagutan dito kay Aida .

LIES BEHIND OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon