ALANGANIN si Kate, na sumama kay Harvey. Alam niya na kapag ginawa niyon ay lalong magagalit sa kanya ang Mama niya.
" Sorry pero hindi ako sasama sa’yo. This is it’s all about my fault. Kaya dapat ko lang harapin ang galit ng Mama ko, " Malumanay na sabi ni Kate, at saka tinignan si Harvey sa mga mata nito. Totoong concern nga ito sa kanya dahil sa klasi ng mga titig nito sa kanya.
" Are you sure? Aalis na lang ako kung hindi mo naman kailangan ang tulong ko, " Si Harvey, na binitawan na rin ang pagkakahawak niya sa kamay ng dalaga.
" Umalis ka na, ano pa ang hinihintay mo!? " sabad ng Ginang.
" Mawalang galang na po, kung pumunta man si Kate, sa fraternity party, wala naman po siyang ginawang masama roon. At saka kararating ko lang din dito ng dumating kayo. Sinundanko lang naman si Kate, para makatiyak ako na ligtas siyang umuwi dito, "mahabang paliwanag ni Harvey. Sana lang ay maminiwala ang ina ni Kate.Tinignan niya rin ang kasintahan ng dalaga. Hindi man lang ito umiimik, naiisip niya tuloy kung anong klasing kasintahan ang lalaking ito na hindi man lang kayang ipagtanggol ang nobya na sinaktan na ng ina.
" Sino ka para manghimasok sa problema naming mag-ina? Hala umalis ka na at hindi ka kailangan dito. Dahil sa inyo mapapahamak pa ang anak ko, " matigas na sambit ng Ginang. Sabay kumpas ng isang kamay nito sa hangin kung kaya ay kitang-kita ang kulay pula nitong nail polished. Dagdagan pa ng kulay pula rin na lipstick nito.
" Harvey po ang pangalan ko. " sagot ni Harvey.
" Mama, tama na, kung pumunta ka lang dito para mangulo mas ma uti pang hindi na kayo pumunta rito," Naiiyak na sabi ni Kate. " Harvey, umalis ka na please." Baling niya rito sa binata. Tila wala yata itong planong umalis.
" Okay, aalis na ako,Pero kung kailangan mo ng tulong ko. Tawagan mo lang ako, " sabay abot ni Harvey, ng isang maliit na pirasong papel. Nakasulat ang kanyang numero. Bago siya umalis ay saglit pa niyang tinignan si Kate na pasigok-sigok. Dahil sa impit na pag-iyak nito. Hinakbang na rin niya ang kanyang mga paa upang lisanin na ang lugar.
"Mama, totoo naman po na wala akong masamang ginawa sa party na’yon. " Pasigok-sigok na sabi ni Kate. Kahit kailan ay hindi niya maramdaman ang kalayaan mula rito sa ina niya.
" Palagpasin ko ang nangyaring ito Kate, pero huwag mo ng uulitin pa.Alam mo na ang mangyayari kapag inulit mo pa ito, " Matalim na tingin ang pinukol ng mama niya sa kanya.
" Opo," maikling sagot na lamang ni Kate. Ayaw niya ng magsalita pa. Dahil kapag ginawa niyon ay mas lalong hahaba pa ang uspan nilang mag-ina. Alam niyang hindi naman ito makikinig kahit anong paliwanag ang gagawin niya rito.
" Mag-usap muna kayo ni Ritchard, at aalis din kami agad. Pagkatapos niyong mag-usap. " Anang Ginang. " Ritchard, hintayin na lang kita sa kotse, " baling nito sa kay Ritchard. Hinakbang na ng Ginang ang kanyang mga paa, upang tumungo na roon sa parking lot. Kung saan ay naka-park ang kotse ni Ritchard.
" Bhabes, Sorry kung nasabi ko kay Tita, nag-alaala kasi ako na baka anong nangyari roon sa’yo sa party na’yon, " Si Ritchard, sabay hawak sa kamay ni Kate.
" Wala tayong dapat pag-usapan pa Ritchard. Nangyri na, sinaktan na ako ng Mama ko. Puwede ka na rin umalis. Gusto ko na magpahinga, "walang kabuhay-buhay na saad ni Kate.Pinihit niya na ang seradura ng pinto. At saka pumasok na siya roon sa loob ng silid.Hindi niya na nagawa pang lingunin si Ritchard. Masamang-masama ang loob niya para sa nobyo. Kung hindi lang sana ito nagsumbong sana hindi pa malaman ng kanyang Mama. Ang pagpunta niya sa nasabing fraternity party.At sana hindi rin ang mga ito napasugod dito sa alanganin oras.
Kahit kailan hindi talaga nagbabago ang ugali ni Ritchard. Sunod-sunuran pa rin ito sa Mama niya. Ang kanyang Mama rin ang may kagustuhan na si Ritchard ang maging nobyo niya.Childhood friend sila ni Ritchard, at napagkasunduan ng kanilang mga magulang na pagnkatapos na sila parehas ng pag-aaral ay ipapakasal sila ng binata.
BINABASA MO ANG
LIES BEHIND OF LOVE
RomanceCOMPLETED KATE-simpleng buhay lang ang mayroon siya. Taglay ang ugaling malambing, masunurin at mapagmahal sa kanyang ina. Ganoon din sa kanyang boyfriend na umaasa na babalikan niya ito kapag makatapos na siya ng kanyang pag-aaral sa college. HARVE...