Chapter 16
"HELLO?"
Madaling araw na ng bulabugin ako ng isang tawag. Wala ngayon si Hunter dahil meron silang nilakad ni Blaze kanina. I can say that we're totally okay now.
"Hello?" Pag-uulit ko dito ng walang sumagot sa kabilang linya.
Ibababa ko na sana ang tawag ng magsalita ang isang tinig sa kabilang linya.
"Liana," napasinghap ako sa tinawag niya sa'kin. Isang tao lang naman ang tumatawag sa'kin sa ganoong pangalan pero matagal na iyon.
"Who is this?" Pagpapatay malisya kong tanong.
Isang bagay lang naman ang dahilan kung bakit siya tumawag sa'kin pagkatapos ng ilang taon. And I don't want to go back to that again. Baka ikapahamak pa ng anak ko pag bumalik ulit ako.
Bumuntong hininga ito sa kabilang linya. "Please, agent. We need you here. Kahit isang beses na lang. Alam kong ayaw mo ng bumalik pero kailangan ka namin ngayon. Everything is compromised, ang mga nagretirong mga agent ay ipinatawag namin dahil sa isang importanteng bagay."
Napapikit ako ng mariim. "Gus, ayaw kong mapahamak—"
"What?" He laughed like it's a ridiculous thing ang sinabi ko dahil hindi pa niya pinapatapos ang sinasabi ko. "Wala kang kinatatakutan, Agent Liana."
"I'm pregnant."
"Oh," rinig ko ng pagsinghap niya. "I didn't know that."
"Of course you didn't. I hid it well." To protect them from you and the organization.
"Who's the father, Liana?"
Napalunok naman ako dahil doon. Hindi niya pwedeng malaman na ang mortal na kaaway niya ang nakabuntis sa'kin sa ikalawang pagkakataon. He'll surely find a way to dispose my child kahit gamitin niya pa ang organisasyon and I won't let that happen.
"No one." I replied coldly.
"So you're not married?" Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang parang saya sa boses nito dahil sa sinabi ko.
"Yes," i sigh heavily.
Why does it feels like he's interrogating me right now?
"But, are you with someone else right now? Iyong parang tatay-tatayan ng anak mo?"
"Why are you asking me personal questions, Gustav. This is not part of your job and I am not an agent anymore. So please, lubayan niyo na ako."
"Malalaman ko rin kung sino 'yang tatay ng dinadala mo, Liana. Mark my words." Huling sabi niya bago ko pinatay ang linya.
Naiinis na napasubsob ako sa unan at feeling ko ay anytime ay maiiyak ako.
Bakit ngayon pa sila bumalik?
"HUNTER!"
Napabalikwas ako ng bangon habang hinahabol ang hininga ko. What was that dream... it feels surreal.
Napalinga-linga ako sa pagligid ko ng magpantay na ang hininga ko. Madilim pa. Tiningnan ko ang oras at 4:53 pa lang ng madaling araw.
Hanggang ngayon hindi pa rin nakakarating sila Hunter?
Napagdesisyunan kong bumangon na muna at magtungo sa kusina para kumuha ng tubig 'cause I felt my throat drying.
Nanginginig ang mga kamay na kumuha ako sa ref ng tubig at mabilis itong isinalin sa isang baso bago ininom. Nanghihina kong umupo sa kitchen stool.
Napapikit na lang ako at napayuko habang ninanamnam ang katahimikan ng buong kabahayan dahil madaling araw pa lang naman. Napamulat lang ako ng may marinig akong kaluskos na nanggagaling sa likod ko kaya naging alerto ako at kaagad na malakas na siniko ang taong nasa likuran ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/69155332-288-k134423.jpg)
BINABASA MO ANG
The Playgirl | Cassandra Ylliana (Revising)
Fiksi UmumCassandra Ylliana Samonte, a famous model, businesswoman, and playgirl as how people recognized her when she was younger. Everyone knew her reputation, even the man she only loved. But there are always two sides of the coin, and they didn't have the...