Chapter 19

8.8K 148 9
                                    

Chapter 19

ILANG ARAW na rin ang lumipas simula noong pinasok ang mansion ni Hunt.

I know that the organization that I came from wanted me but there are still many questions that I want to know the answer.

Why are they so persistent to get me back, why not the others? Alam kong may mas magaling pa sa'king agent. There are assassins, too. That is one of the skeletons of the Colt Organization inside their closet. People always thought that the organization that I'm in is clean and respectable but I know better. Many agents doesn't know it. The organization kept their secrets very well.

May hinuna na ako kung bakit gustong-gusto nila akong bumalik sa kanila. But I will never let them take me. I will protect my family even it if will cost me my own life.

Nawala ako sa malalim kong pag-iisip ng biglang may humalik sa pisngi ko. Kasalukuyan kasi akong nakaupo sa telang dala ko na nakalatag sa buhangin habang binabantayan si RD.

Tiningnan ko ang salarin sa paghalik sa aking pisngi. Napangiti na lang ako at yumakap sakaniya bago sinubsob ang mukha sa matigas niyang dibdib. He was only wearing his sweatpants and he's topless. Kagagaling lang niya 'ata sa jogging at workout. Hindi ko na kasi siya nadatnan kanina ng magising ako, and RD insisted that he wanna go to the beach and swim there so here we are.

"Hunt, Good morning." I greeted him.

Kinalas ko ang pagkakayakap sakaniya bago siya umupo sa tabi ko. "Good morning, too."

Sinandal ko ang ulo sa balikat niya habang pareho naming tinitingnan si RD sa dagat.

Wala sa sariling napabuntong-hininga na lang ako ng may maalala. As far as good, hindi na muli ako kinompronta ni Hunter simula ng insidenteng iyon. Pero mas lumala ang pagbabantay niya sa'kin. Bago niya kami dito dinala sa islang pinagkulungan niya rin sa'kin noon ay palagi siyang nakabuntot at nakabantay sa'kin kahit saan ako pumunta. Palagi na lang akong wala sa mood dahil sa kaniya at dahil na rin sa sensitibong pag-bubuntis ko. One time, hindi ko na napigilang sabihan siya ng paranoid. Akala ko nga ay magagalit siya pero tiningnan niya lang ako ng blanko bago nagsalita.

"I know that I'm paranoid. It's for your own protection, too. I can't let anyone harm you again."

Hindi na lang ako nagsalita pa at napairap na lang.

Ng makita ni RD si Hunt sa tabi ko'y kaagad siyang umalis sa tubig at kaagad na tumakbo papunta sa'min.

"Tatay!" Masigla itong lumapit sa'min.

Kahit mataas ang IQ at parang mas matured pang mag-isip sa isang normal at average na bata, masaya akong nai-enjoy pa rin niya ang kabataan niya. Hindi kagaya ng ibang mga kabataan ngayon, puro mga gadgets at mga relasyon na lang palagi ang iniisip at tinututukan.

"Hey, kiddo. Sasabay na sana akong maligo sa'yo but sweatpants lang ng suot ko eh."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "S-sweatpants lang?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapatingin sa namumukol niyang harapan.

Rinig ko naman ang tawa niya bago siya tumayo at ilahad ang kamay sa'kin.

"Come, sasabayan natin sa paglalangoy ang anak natin."

Kinuha ko naman ang kamay niya at tumayo na rin. Pinagpag ko muna ang puwet ko bago tiningnan ang mag ama kong tumatakbo papalapit sa tubig.

The Playgirl | Cassandra Ylliana (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon