𝒞𝒽𝒶𝓅𝓉𝑒𝓇 𝟣-𝒲𝒶𝓇

10.3K 67 11
                                    

"Ayaw ko na!!" Sigaw ni Erina habang umiiyak. Nag confess kasi ito ng feelings nya sa kaibigan nyang bugok na si Gio. At ito ang sagot nito

"Ano kaba Erina,alam mo naman na sobrang tatag ng pagkakaibigan natin saka parang kapatid na rin ang turing ko sayo"

Paasa! Ekis tayo sa mga taong nagbibigay ng motibo tapos wala naman pala talagang ibig sabihin! Aasta astang sweet sa kaibigan namin tapos kapatid lang pala ang tingin nya kay Erina! Aba! Kahit sabihin nya pang friendly lang sya,aba hindi yon uubra,hindi na sya pasado sa pagiging friendly. Ibang level!

Pero anyways,sure ako na susugurin yan ni Jean dahil sobrang tapang nung babae na yun,wala syang sinasanto.

First love ni Erina si Gio.
Lahat first nya...

First time nyang maranasan na maramdaman ang mga paru-paru sa kanyang tiyan..

First time na bumilis ang tibok ng puso nya..

First time na nagkagusto sha...

First time na iba ang sayang dinulot ng isang tao sakanya..

At first time nyang masaktan..

"Hayaan mo na yun Erina baka talagang di kayo meant to be" sabi ni Kim habang tinatapik ang likod ni Erina,imbis na medyo tumahan ay mas humagulgul pa sha sa pagiyak.

Di nga? Seryoso? Advice ba talaga yan? Ibang klase.

Pero sabagay,kung ako ang nasa katayuan ni Erina iisipin ko ring may gusto rin saken si Gio.Hindi dahil assuming ako kundi  sobra naman kase nilang sweet ehhh ayan tuloy may na fall

Pero di talaga dapat tayo umaasa eh,nasasaktan lang tayo.

"Naku!naku!naku!naku!halika nga Narita!!Sugurin naten yung baliw na Gio nayun!!" gigil na gigil na sabi ni Jean. Sabi sainyo ehhh susugod yan!

"Ohhh bat ako?! di mo naman ako katulad noh!! lahat binabangga kahit wala namang ginagawa sayo"sabi ko

"HOY HOY HOY! Anong di mo ko katulad?!nako Narita tigil tigilan moko!!mas matapang ka pa saken!!" Sabi nito at saka umirap.

Wao kelan mo pa ko sinimulang Irapan ng ganyan?

Inaamin ko naman na matapang rin ako pero kapag lang naman banas na banas na ko,tahimik lang naman kasi akong tao.

Pero kase,you should fight for yourself para di ka magmukhang mahina sa paningin nila. Para rin hindi ka nila kinakaya kaya lang,know your worth,love yourself. Self love is the best kind of love.

Unexpected Love(𝓉𝒽𝑒 𝓇𝑒𝓋𝑒𝓃𝑔𝑒) [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon