Chapter 22

1.4K 16 21
                                    

Erina's Pov
Tuesday@ 7:40pm

"H-ha?"

Jusq po. Sana po panaginip lang ito...

"N-nahuhulog na yata ako kay Riri" nilingon nya ako.

Pinagpapawisan na ang kamay ako at ang bigat sa dibdib.
Ang sakit sakit na nga tapos siya pa mismo ang magsasabi saakin nito.
Double kill ang puso ko huhu.

"B-bakit?"

"Hindi ko alam Erina,bigla nalang. Nung una di ko maamin sa sarili ko pero nung nagtagal nasabi ko nalang na gusto ko siya."

Paano na ako neto?!

"H-hindi" napapailing na sabi ko.
Kinunutan nya ako ng noo.

"Anong hindi? Nagtatakang tanong nya.

"A-ano,baka hindi ka pa s-sigurado sa nararamdan mo?"

Pinilit kong ngumiti kahit na masakit.

Ganyan tayo eh,hahayaan natin silang maging masaya kahit na masakit para saatin.

"Sigurado na ako. Erina... tulungan mo naman ako"

Gusto kong matawa sa mga sinasabi nya ngayon.
Mukha siguro akong tanga kung tutulungan ko shang mapalapit sa best friend ko,samantalang may gusto nga ako sakanya.

"Paano naman kita tutulungan?"

"Tulungan mo akong mapalapit sakanya."
Tumayo sha sa may swing at ipinasok ang kamay sa bulsa ng jeans nya.

"Hindi pwede yon Gio. Ayaw ni Narita ng ganon"

Tumayo na rin ako at nag iwas ng tingin. Kanina pa kase namamasa ang mata ko.

"Tutulungan mo lang ako. For example,magkatabi kayo somewhere magpalusot ka tapos ako yung patabihin mo sakanya" nakangiting sabi nya.

Fck that smile.

"A-ano kase eh" napakamot ulo nalang ako.

"Ano?" Hinintay nya ang sagot ko ngunit di ako sumagot.

Ilang segundo pa ang lumipas at unti unti ng nagsalubong ang kilay nya.

"Alam ko na" mababang tono nyang sabi dahilan para tignan ko sha sa mata.

"G-gio kase,gusto pa rin k-kita"
At doon na tuluyang umagos ang luha ko.

Napabuntong hininga si Gio habang ako punas ng punas ng luha.

"Nasasaktan rin ako Gio"

"Nasasaktan ako pag nakikita ko yung taong mahal ko na masaya sa iba. Nasasaktan ako pag pinipili mo siyang samahan kesa sakin. Nasasaktan ako pag nakikita kitang tumatawa at siya ang dahilan."

"Tapos ang mahirap pa dun wala akong karapatang magreklamo kase hindi mo naman sinabing mahalin at gustuhin kita"

"Pero sana naman malaman mo yung halaga ko. Sana kilala mo pa ako. Yung ako na nanyan lagi sa tabi mo pag nalulungkot at may problema ka. Yung ako na minahal ka kahit may mahal kang iba"

Unexpected Love(𝓉𝒽𝑒 𝓇𝑒𝓋𝑒𝓃𝑔𝑒) [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon