𝒞𝒽𝒶𝓅𝓉𝑒𝓇 𝟥𝟢

284 2 3
                                    

Narita Aiko's Pov
Matapos naming mag enjoy sa wave pool agad kaming dumeretso sa cottage para kumain.

Picture dito,picture doon.

Hindi manlang namin namalayan na wala pala sila Ate Chelle at Jasper.

"Pag uwi natin gawa tayo ng bagong vid ha?" Pag uulit nanaman ni Gio.

Kung sa bawat banggit ni Gio tungkol sa paggawa namin ng bagong video magkakaroon ako ng 1k baka nakabili na ko ng album ng NCT.

"Oo nga,jusq hahaha ulit ulit?"
Natulala sya saakin na pinagtaka ko naman.

"Hoy" winagayway ko ang kamay ko sa harap ng mukha nya.

Pinigilan nya yon sa pamamagitan ng paghawak sa pala pulsuhan ko.

"Nung wala ako,namiss mo manlang ba ako?" Tanong nya habang seryosong nakatingin saakin.

Agad na kumunot ang noo ko sa tanong nya.

Bakit nya naman yon natanong?

"Anong klaseng tanong yan?" Kabadong tanong ko.

"Wag mong sagutin ng tanong yung tanong ko."
Hindi nya pa rin binibitawan ang palapulsuhan ko.

"Oo naman? Hindi ko naman kase alam na ikaw pala si Clint."

Umayos ako ng upo para makapag paliwanag ng maayos.
Binitawan nya naman ang palapulsuhan ko.

"Alam mo yun? Pinipilit kitang alalahanin pero di ko magawa. Pinipilit ko ailang ikwento aakin yung mga memories natin noon pero hindi ko magawang maalala kahit isa."
Namamawis na ang kamay ko sa mga tanong nya.

"Sorry ha. Kung hindi naman dahil sakin di yun mangyayari." Yumuko pa sya.

Hinampas ko naman sya.

"Ano ka ba naman?! Matagal na yon! Walang may kasalanan!"

"Oh bat ka nanghahampas?" Hinampas nya din ako sa braso saka tumawa ng tumawa.

Nababaliw na ata?

"Hoy-"
Napatigil ako ng mabaling ang tingin ko kila Shem. Ano pa nga ba? Nangaasar! Tumataas baba pa ang kilay habang nakangisi.

"Harot nyo! Wahahaha!" Hinampas hampas ni Shem si Aj.

"Ayan nanaman kayo ah!" Sigaw naman ni Gio sakanila.

"Bat ba palagi nyo kaming napapansin?" Nakanguso pang tanong ko.

"Cute." Narinig kong bulong ni Gio kaya naman napatingin ako sakanya at nahuli ko syang nakatingin din saakin.

Jusq ko,yung puso ko baka tumalon.

"Masyado kase kayong gumagawa ng dahilan para mapansin kayo." Seryosong sagot ni Erina.

Pagtingin ko sakanya,nag iwas sya ng tingin.

Sobrang lamig ng pakikitungo nya saakin ngayon.

Unexpected Love(𝓉𝒽𝑒 𝓇𝑒𝓋𝑒𝓃𝑔𝑒) [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon