𝒞𝒽𝒶𝓅𝓉𝑒𝓇 𝟪-𝒥𝑒𝒶𝓃 𝒶𝓃𝒹 𝑀𝒾𝒸𝒽𝒶𝑒𝓁

1.6K 28 0
                                    


Jean's Pov
"michael..."

Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito
At lalong mas hindi ako handa para sa mga ganitong usapan.

"Jean,baket?"sabi nya habang nangingilid ang luha.
"Jean sa loob ng mahigit dalawang taon hindi mo ko nabigyan ng pagkakataong maintindihan ang dahilan mo"tuloy niya at saka tuluyang tumulo ang mga luha nya.

Masakit sakin na makita shang umiiyak sa harap ko ngayon.

Hindi ko kayang makitang umiiyak ang taong mahal ko..

"Jean, bakit hindi moko binigyan ng dahilan kung bakit bigla mo kong iniwasan? Ang hirap nun intindihin. "patuloy ang pagiyak nya at ako naman ay umiiwas ng tingin

Mahirap para sakeng layuan ka..sana alam mo yun

"hindi mo maiintindihan,Michael"sagot ko habang nakatingin sa malayo.

"talagang di ko maiintindihan Jean! Iniwan moko sa ere! Hindi mo manlang ako kinausap! Alam mo bang halos mabaliw nako kakaisip kung tapos na ba tayo o baka hindi mo na talaga ako mahal!"

Nangingilid na ang luha ko kaya naman pasimple ko itong iniwasan ngunit hindi ko ito mapigilan

"mahal kita Michael alam mo yan diba? "naiiyak na sabi ko

"mahal moko? Eh bakit nilayuan moko? Bakit nakaya mong uwasan ako?"

Hinawakan nya ang kamay ko.
"sabihin mo saken ang dahilan Jean. Please naman ohh"nagmamakaawang sabi nya

"wag tayo dito"sabi ko

Hinila nya ako palayo at nakarating kami sa kotse nya at pinagbuksan ako ng pinto.

Inistart nya ang kotse habang umiiyak pero hindi nya ito pinaandar palayo.

"ngayon.. Sabihin mo sakin"tumingin sha saakin at naghihintay ng sagot ko

"hindi mo pala alam? Hindi mo pala alam na may alitan ang pamilya mo at pamilya ko dahil sa agawan ng lupa at ng kung ano ano pa.. Pero alam mo naman sigurong magjowa ang kuya ko at ate mo? Pero hindi mo alam na naghiwalay sila at nagkaroon ng ibang jowa ang kuya ko at pinalabas ng ate mo na sinasaktan sha ng kuya ko sa magulang nyo dahilan para ipadukot nila ang kuya ko? At bakit hindi mo alam? Dahil nakahiwalay ka sa pamilya mo. "

Natulala sha saaken..

"hindi ako makapaniwala"gulat na sabi nya

"at shempre paiiwasin ako ng magulang ko sayo..at sinabi pa nilang ipatatapon nila ako sa ibang bansa kung di ako susunod.. Michael.. Alam mong mahal kita. Mahal na mahal kita.. At naniniwala akong unti unti ng nawawala ang mga alitan ng pamilya ko at pamilya mo.. Pero hindi rin malabong paghiwalayin talaga nila tayo.. Kaya hindi nako bumabalik sayo.. Dahil parehas lang tayong masasaktan at mahihirapan.Isa pa,hindi rin daw sila magdadalawang isip na idamat ka kung hindi talaga kita iiwasan"umiiyak na sabi ko

"jean.. Akala ko ba haharapin natin ang lahat ng magkasama? Naiintindihan ko na ang dahilan mo pero... Sana manlang sinabi mo saken at hindi ka nag desisyon mag isa"hinawakan nya ang kamay ko

Unexpected Love(𝓉𝒽𝑒 𝓇𝑒𝓋𝑒𝓃𝑔𝑒) [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon