𝒞𝒽𝒶𝓅𝓉𝑒𝓇 𝟤𝟫

697 21 6
                                    

Michelle's Pov

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
.

.

Hinabol ko sya at hinawakan sa braso dahilan para mapahinto siya at lingonin ako.

"Ano?" Seryosong tanong nya.

"Anong ano?! Sino nga ulit yung tanga? Di ko kasi narinig eh." Sarkastikong tanong ko.

"Ikaw malamang,alangan namang ako. Bitawan mo nga ako." Tinanggal nya ang kamay ko sa braso nya habang ako nakatingin lang ng masama sakanya.

Masyado ka ng sumosobra Jasper!

Naglakad na ulit siya at sinundan ko nalang ng may galit. Napaka panira mg araw!

Naglakad kaming nasa likod nya lang ako. Hindi nya ko pinapansin so I did the same. Sama talaga ng ugali! Di ko nga alam kung paanong naging kaibigan ito ni Ruru! Masyadong malala ang isang toh.

Nakarating kami sa cottage,nandoon na silang lahat habang nagtatawanan.

"Oh? Chelle,Jasper san kayo galing? Kanina pa namin kayo hinahanap." Tanong ni tita.

"Ayieee! Parang may something ah?!" Dagdag pa ni Shem.
Napairap nalang ako,masyadonh feeling close ang mga tao dito,akala siguro nila okay lang saakin na kinakausap nila ko. Tch duh.

"Ahh,paglabas ko kasi ng comfort room nakita ko sya. Lutang na lutang habang naglalakad. Parang tanga." Sabi nya at saka nagsimulang magpalaman ng tinapay.

Agad namang hinanap ng mga mata ko si Gio.
Ngunit lalo lang akong nanghina mung nakita ko syang nakikipag tawanan kay Riri habang may pinapakita si Riri sa cellphone nya.

Umupo nalang ako at nanahimik. Wala na din naman eh. Nasira na yung araw ko

"Ey,you okay?
Napalingon ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko.

Tumango nalang ako at saka siya binigyan ng pilit na ngiti.

"Bat pa nga ba ako nagtatanong eh alam ko namang hindi. Alam ko naman eh,no need to hide it from me." Inabutan nya pa ako ng barbeque na galing kay Aron at tinanggap ko naman ito.

Huh? Anong alam nya? Alam nyang nagtatampo ako kay Jasper?

"Huh? Anong alam mo Shane?"

Kumagat muna siya sa barbeque nya at saka nya ako sinagot.

"Alam ko namang may gusto ka kay Gio namin mula nung bumalik ka. Alam ko rin namang ikaw ang first love ng bugok kong kapatid."

Ah,akala ko pa naman kung anong alam nya.

"Ahh oo. Kaso mukang masaya sya dun oh." Nginuso ko pa sila ni Riri at tinignan naman ito ni Shane.

"Pero syempre di ako susuko. Malabo yon."

"Pero pano kung kay Riri na talaga sya masaya?" Tanong nya

"Shane alam ko yun,noon pa alam ko yun. Pero alam komrin na magiging masaya sya saakin. Naging masaya din sya sakin, yun nga lang nasayang ko sya. Totoo mga yung sabi nila,malalaman mo lang yung halaga ng isang tao pag nawala o nagbago sila."

Unexpected Love(𝓉𝒽𝑒 𝓇𝑒𝓋𝑒𝓃𝑔𝑒) [unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon