A/n muna bago ang lahat...
Pasokan na po namin sa Monday. Hindi ko lang po alam kung ganon rin ho kayo. I have srict parents po. Bawal akong mag gadgets pag may pasok. So Monday-thursday po ako bawal mag gadgets. Gusto ko lang po na minform kayo na magiging matumal ang update hindi gayo noon na twice a week ako mag update tapos minsan double chapters pa. But don't worry ipupush ko ang paggawa ng Chapter every friday and Saturday para double update pag Sunday. Pero di ko po maipapangako na magagawa ko yun palagi. Busy po kase sa school.
Umaasa po akong maiintindihan nyo ako. Sana wag kayong magagalit.
__**__
Gio Clint's Pov"Miss,kukunin ko po ito" inabot ko sa babae yung Lamp na may design na night sky.
Natutuwa kase ako dun at naaalala ko si Riri doon. Kaya balak ko sanang ibigay yon sakanya mamaya.
"2,400 sir"
Binayaran ko ang Lamp at umalis na. Bumalik ako sa timezone at natagpuan ko sila sa bungad na tuwang tuwa sa skate board na hawak ni Kim.
"Ayan na pala eh" si Mac na mukhang may tinatawagan.
"Kanina ka pa namin tinatawagan" sabi naman ni Ken
"Ah eh patay yung phone ko." Paliwanag ko.
Lumapit naman ako kay Riri na nasa likuran.
"Riri for you oh." Sabay abot ko sakanya ng Paper bag.
"Utang na loob ko pa yan sayo" tinulak nya palapit saakin ang paper bag.
"No,hindi naman kelangan ng utang na loob,kusa ko tong bi-"
Naputol ang sasabihin ko ng biglang may tumawag sa pangalan ni riri."Narita"
"Aiko"
Sabay iyon kaya hindi mo maiintindihan kung ano ba talaga.
Paglingon ko nakita ko ang dalawang lalaki na tumatakbo palapit kay Narita.
Nagkatinginan pa ang dalwa pero tumuloy pa rin.
Si Aron at yung Noya ang dalawang iyon.
"For you." Naunang sabi ni Aron na may hawak na malaking teddy bear. Wow.
"Birthday ko ba!?andami namang nagbibigay hahaha.Shem!!tulungan moko"
Lumapit naman si Shem at kinuha kay Riri yung teddy bear.
"Bakit yung kanya tinanggap mo agad?" Nakanguso kong tanong.
Kinuha nya sa kamay ko ang paper bag.
"Ayan ah,tinanggap ko na. Wala ka ng masasabi. Sayang naman kase yung effort mo sa pagbili kung ano man to" nakangiting sabi nya
Ginantihan ko ito ng ngiti.
"Aiko,eto nga pala yung pasalubong ko for you,ipapadala ko nalang yung inyo Jean" inabot rin ni Noya kay Riri ang apat na malalaking paper bags.

BINABASA MO ANG
Unexpected Love(𝓉𝒽𝑒 𝓇𝑒𝓋𝑒𝓃𝑔𝑒) [unedited]
عاطفية𝙸 𝚌𝚊𝚗 𝚜𝚊𝚢 𝚝𝚑𝚊𝚝 𝚒𝚝 𝚠𝚊𝚜 𝚊 𝚜𝚒𝚖𝚙𝚕𝚎 𝚞𝚗𝚎𝚡𝚙𝚎𝚌𝚝𝚎𝚍 𝚕𝚘𝚟𝚎 𝙿𝚕𝚊𝚗𝚊𝚍𝚘 𝚗𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚕𝚊𝚑𝚊𝚝..𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚊𝚗𝚘 𝚜𝚒𝚜𝚒𝚖𝚞𝚕𝚊𝚗 𝚊𝚝 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚊𝚗𝚘 𝚝𝚊𝚝𝚊𝚙𝚞𝚜𝚒𝚗,𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚋𝚊𝚔𝚒𝚝 𝚗𝚊𝚐𝚔𝚊𝚖𝚊𝚕𝚒 𝚊𝚔...