Narita Aiko's Pov
Heto nanaman ako,tulala sa bintana ng van na sinsakyan namin. Nanatiling paulit ulit saakin ang usapan namin ni Gio kanina sa kwarto.
Hindi ko inaasahang itatanong nya nga saakin ang ganong bagay...
Flashback
"Naisip ko lang,paano ka magmamahal ng iba kung sarili mo hindi mo kayang mahalin?"
matapos ang ilang segundong katahimikan,biglang pinasok ni Gio sa usapan ang tanong na ito.
Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang bigla syang magtatanong ng ganito.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.
"Paano kung hindi mo mamahal ang sarili mo dahil iniisip mong wala kang kwenta,paano mo pa maiisip na may magmamahal sayo? na may mag sstay sayo?" niyakap nya ang unan na nasa tabi nya habang ako,napahinto sa pag aayos.
"Saan naman nanggaling yang mga tanong mo? Bakit bigla mong naisipang itanong sakin yan?" kabado akong tumawa.
"Kayo."
ibinaling nya saakin ang tingin nya. Seryoso ang mukha niya. Hindi ko maintindihan,kanina ay nagbibiro pa sya. Bigla nalang siyang nagkaganito.
Napaisip ako sa salitang binitawan nya. Ano ang ibig sabihin niya sa salitang 'kayo'?
"Kami? Anong ibig mong sabihin?"
"Pareparehas nyo akong iniwan,pareparehas nyo kong hinayaang mag isa,pareparehas nyong pinaramdam sakin na parang hindi ko deserve na magstay kayo sakin kahit na ang totoo,pareparehas ko lang din naman kayong pinahalagahan at pinakiusapan na huwag akong iwan..."
"Pinaramdam nyo sakin na parang hindi ako kamahal mahal,oo pwedeng sabihing wala kang kasalanan pero bakit umalis ka pa rin. Oo,wala kang maalala non pero bakit kelangan nyo pang lumayo?"
Lubos kong kinagulat ang mga sinabi nya,nasasaktan ako dahil nakikita ko syang ganito. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Magkahalong galit at lungkot. Galit sa sarili ko at lungkot dahil para bang nabago sya ng mga karanasan nya sa mga nakalipas na taon.
Hindi ako makapag salita. Tila ba may bumabarang kung ano sa lalamunan ko.
"Naiwan ako sa tagpuan natin,naghihirap. Oo,nag stay saakin si Michelle. Tinulungan nya akong makalimot,hindi nya ako hinayaan sa dilim na mag isa...
Nanatili sya nung mga panahong miserable ako. Naging ayos ulit ako dahil sakanya,nakalimutan ko yung sakit,pero yung alaala hindi yon mawawala..."
hindi ko namalayang may pumatak na palang luha galing sa mga mata ko.
Hindi ko sinasadya ang mga nangyari noon Gio:<
"Pero pagtapos nya akong buuin,hindi ko inaasahang sya din pala ang wawasak saakin. Dahil kung kelan maayos na ako,doon nya ako iniwan.Mula noon,tinanggap ko sa sarili kong wala ng taong mag sstay sakin,natuto akong makuntento kila Mac."
BINABASA MO ANG
Unexpected Love(𝓉𝒽𝑒 𝓇𝑒𝓋𝑒𝓃𝑔𝑒) [unedited]
Romance𝙸 𝚌𝚊𝚗 𝚜𝚊𝚢 𝚝𝚑𝚊𝚝 𝚒𝚝 𝚠𝚊𝚜 𝚊 𝚜𝚒𝚖𝚙𝚕𝚎 𝚞𝚗𝚎𝚡𝚙𝚎𝚌𝚝𝚎𝚍 𝚕𝚘𝚟𝚎 𝙿𝚕𝚊𝚗𝚊𝚍𝚘 𝚗𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚕𝚊𝚑𝚊𝚝..𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚊𝚗𝚘 𝚜𝚒𝚜𝚒𝚖𝚞𝚕𝚊𝚗 𝚊𝚝 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚊𝚗𝚘 𝚝𝚊𝚝𝚊𝚙𝚞𝚜𝚒𝚗,𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚋𝚊𝚔𝚒𝚝 𝚗𝚊𝚐𝚔𝚊𝚖𝚊𝚕𝚒 𝚊𝚔...