Narita Aiko's Pov
"Ate Shane,can you keep a secret?""Of course!! Ano ba yun? Just tell me."
Dinala nya ako sa may dulong bahagi ng resort. Di naman liblib pero walang gaanong nagpupunta.
"Ate Shane kase ano.." napakamot pa ko sa ulo.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sisimulan. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya pero kailangan. Oo kailangan. Kailangan kase hindi ko na alam kung anong nangyayare,gulong gulo na ko. Pakiramdam ko sasabog ako."You like Gio noh?" Biglang sambit nya.
Napalaki ang mata ko. Sumandal sha sa may pader at tumingin ng deretso saken na tila ba nag aantay ng sagot ko.
"N-no!"
Pano?! Masyado na ba kong halata?
"Huh?"
"I m-mean I don't know. Ate Shane naguguluhan ako." Pag amin ko at saka ibinaba ang tingin ko sa sahig.
Patuloy ang panlalamig ng kamay ko sa di malamang dahilan. Sinamahan pa ito ng mga malalamig na pawis na tumutulo sa noo ko.
"Hmm,okay. Sagutin mo nalang yung mga tanong ko." Tumango naman ako. Lumapit siya saken na lalong nagpakaba saken. Sa totoo lang,di ko alam kung kakabahan ba ako o ano. Kase una sa lahat,kapatid siya ni Gio. Kapatid nya yung taong pinag uusapan dito. Pero close naman kame ni ate Shane kaya hindi ko lang talaga alam.
"May tao bang palaging gumugulo sa isip mo?"
Sya. Siya lang naman ang palaging nagpapagulo ng isip ko.
"Meron."
"May tao bang nakakapag pabilis ng tibok ng puso mo kahit na sa pamamagitan lang ng simpleang paglapit sayo?"
Meron,actually sa twing nasa paligid ko siya parang bumabagal ang ikot ng mundo. Lalong lalo na kapag papalapit siya. Hindi ko alam kung paano I eexplain yung feeling pero parang tatalon na ang puso ko sa kaba sa twing nakatitig sya saken!
"Meron Ate Shane."
"May tao bang bigla bigla nalang nakakapagpabago ng mood mo?"
Meron,siya lang. Kase kahit anong gawin ng ibang tao,hindi nila kayang baguhin ng ganon kabilis ang mood ko di gaya ng ginagawa nya saken.
"Meron ulit."
"May tao bang nakakapag pasaya sayo ng sobra kahit sa maliliit na bagay lang?"
Sya. Yung simpleng pagbibigay nya saken ng regalo? Sobra ang impact saken nun pero di ko alam kung bakit. Kakaiba yung saya ko.
"Meron ate Shane."
"May tao bang hindi nakakapagpatulog sayo sa gabi kase naiisip mo sya?"
Sya ulit. Hindi ako makatulog sa gabi sa kakaisip kung iniisip nya din kaya ako? Iniisip ko kung pumapasok din kaya ako sa isip nya? Nagugulo ko din ba ang isip nya kagaya ng paggulong ginagawa nya sa isip ko?
BINABASA MO ANG
Unexpected Love(𝓉𝒽𝑒 𝓇𝑒𝓋𝑒𝓃𝑔𝑒) [unedited]
Romantik𝙸 𝚌𝚊𝚗 𝚜𝚊𝚢 𝚝𝚑𝚊𝚝 𝚒𝚝 𝚠𝚊𝚜 𝚊 𝚜𝚒𝚖𝚙𝚕𝚎 𝚞𝚗𝚎𝚡𝚙𝚎𝚌𝚝𝚎𝚍 𝚕𝚘𝚟𝚎 𝙿𝚕𝚊𝚗𝚊𝚍𝚘 𝚗𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚕𝚊𝚑𝚊𝚝..𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚊𝚗𝚘 𝚜𝚒𝚜𝚒𝚖𝚞𝚕𝚊𝚗 𝚊𝚝 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚊𝚗𝚘 𝚝𝚊𝚝𝚊𝚙𝚞𝚜𝚒𝚗,𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚋𝚊𝚔𝚒𝚝 𝚗𝚊𝚐𝚔𝚊𝚖𝚊𝚕𝚒 𝚊𝚔...